Chapter 6

104 11 17
                                    

Ang mahinang hilik lamang ni Ben ang tanging ingay na maririnig sa aming silid sa kalaliman ng gabi

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Ang mahinang hilik lamang ni Ben ang tanging ingay na maririnig sa aming silid sa kalaliman ng gabi. Nakatitig lamang ako sa kisame habang sinusubukan kong isa-isahin ang mga posibleng mangyari sa mga susunod na araw.

Sa bawat tagpong naiisip ay ang pag-buo ng plano kung paano ito iiwasan o reresolbahin.

Sa kasamaang palad, ang pabago-bagong timpla ni Blake sa kaniyang pakikitungo sa akin ay isa sa mga bagay na hindi ako sigurado, kung kaya naman may butas pa rin sa aking mga plano.

Parang kailangan kong mag-isip ng paraan para mapaamo ko si Blake.

Habang nag-iisip ay aking naramdaman ang katuyuan ng aking lalamunan. Tumayo ako upang tingnan ang pitsel sa bed side table ni Ben kung may laman iyon pero sa kasamaang palad ay wala. Tahimik akong naglakad patungo sa pinto para lumabas.

Bahagya pa akong nasilaw sa liwanag nang makalabas ako. Agad akong nagpunta sa kusina at alam kong hindi ko naitago ang disgusto sa aking mukha nang aking datnan ang umuungol na Amy na binabayo ni Matias.

Nanigas ako sa aking kinatatayuan nang titigan ako ni Matias. Ngumisi ito na para bang siya ang may pinakamalaking pagkalalaki sa buong mundo.

Mas pinag-igi niya ang pagbayo kay Amy kaya naman mas lumakas ang ungol nito at tila walang kamalay-malay na nandoon ako.

Umiiling at tahimik akong umakyat muli. Bababa na lang ako matapos ang isang oras, malamang ay tapos na silang magmilagro matapos ang ganoon kahabang paghihintay.

Ang daming bakanteng kuwarto dito pero bakit naman sa kusina pa nila naisipang magmilagro? Malamig na tubig lang naman ang hinihiling ko tapos ganoon ang aabutan ko?

Muli akong nahiga sa kama at nagmuni-muni.

Ako mismo ay kinukwestiyon ko ang aking sarili kung tama ba itong ginagawa ko, pero kung iisipin ko nang iisipin ang sinasabi ng mga tao na moralidad ay wala akong mararating. Hindi ka naman palalamunin ng pride mo. Hindi ka ibibili ng bahay ng moralidad na sinasabi mo.

Katulad ng karamihan ay minsan na akong nagpakakuba sa isang trabaho na hindi naman sapat ang ibabayad sa 'yo para mamuhay ka sa paraang gusto mo. Kung palagi kong iisipin ang sasabihin ng ibang tao, malamang hanggang ngayon ay naroon pa rin ako.

Most people will think that I took shortcuts. Ano ngayon? Biyaya ang lumapit sa akin, ang laki ko namang tanga kung tatanggihan ko 'di ba? Sino bang may ayaw sa kumportableng buhay? Hindi ko naman ninanakawan si Ben, siya naman ang nag-alok at kusang nagbibigay sa akin.

Umiiling na lamang akong bumangon para bumabang muli.

Sana naman ay makakuha na ako ng tubig sa pagkakataong ito.

Halos mapamura ako sa sobrang inis. Kung kanina ay si Amy at Matias ang nadatnan ko, ngayon naman ay si Jackson ang bumabayo sa babae.

"Hi Ms. Ali! Wanna join us?" nakangising sabi ni Jackson na bahagyang hinahabol ang kaniyang hininga mula sa patuloy na paglabas-pasok sa pagkababae ni Amy.

The Rich Man's GirlfriendWhere stories live. Discover now