Chapter 4

109 12 28
                                    

Hindi ako tanga para hindi maintindihan ang tagpong nagaganap sa aking harapan

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Hindi ako tanga para hindi maintindihan ang tagpong nagaganap sa aking harapan. Ang pamilyar niyang mga mata na madalas kong nasusulyapan sa harap ng salamin ay tila namilog mula sa pagkabigla nang mapagtanto niya kung sino ang kaniyang kaharap.

I was a sucker for confrontation, but this was something I couldn't face. It summons ghosts from my past that I am trying to run away from.

Subalit anong ginagawa niya kasama ang asawa ni Ben? Idagdag mo pa na tinawag niya itong 'Mahal'.

I was taken aback, pero ang tanging magagawa ko lamang ay magpanggap na hindi siya nakikita. Kailangan kong pulutin ang aking sarili at iwaksi ang mga katanungang umuusbong sa aking isipan.

Kailangan kong maipakita na masaya ako, na masaya sa akin si Ben upang inisin ang babae sa aking harapan.

"Hi Ms. Christina, it's really nice to meet you," pormal kong saad sabay abot ng aking kamay para sa isang handshake.

She looked at me na para bang gulat na gulat siya sa aking ginawa.

Malamang ay napagtanto na rin niya ang aking koneksyon sa kaniyang kasama.

Ang galit na matagal ko nang naibaon ay tila muling umuusbong. Unti-unti kong napagtatagpi-tagpi ang mga alaala at ang kasalukuyan na siya ring sumagot sa aking mga katanungang sa aking isipan.

Umiwas ng tingin si Christina bago nito inaya ang kaniyang kasama na umalis. Natawa na lamang ako nang pasadahan ako ng tingin ng lalaking nakasunod sa kaniya.

Huminga ako nang malalim upang mawala ang paninikip ng aking dibdib na dulot ng sama ng loob.

Alam kaya ni Ben ito? It won't make sense if he knows about this, but he's still pursuing her. Should I tell him? Ang kaso ay baka kapag sinabi ko, magwakas ang masarap at tahimik kong pamumuhay.

Medyo makasarili kung pakikinggan pero may mga pangarap din ako para sa aking sarili na hindi ko maaabot kung matatapos agad ang aming koneksyon.

Anong dapat kong gawin?

Parang ang sama ko namang tao kung hindi ko sasabihin kay Ben ang aking nalaman. Si Ben na ang tanging ginawa lamang ay maging mabuti sa akin.

Humugot ako ng isang malalim na hininga. Mamaya ko na iisipin ang bagay na ito, gagawin ko na lang muna ang dapat kong gawin.

Lunchtime came, and the three of us decided to eat.

Simpleng fast food lang ang kinainan namin dahil parang natatakam daw si Manang sa amoy ng manok nila.

Habang kumakain ay may isang unknown number na tumatawag sa aking cellphone kaya naman sinagot ko ito.

"Hello?"

Napakunot ang aking noo sa iritang pagkakasabi nito ng 'hello'. Hindi ko maiwasang mapangiti dahil kahit sa tawag ay parang poot na poot ito sa akin.

"Blake?" tanong ko upang kumpirmahin kung si Blake nga ba ito.

The Rich Man's GirlfriendWhere stories live. Discover now