Chapter 5

124 12 19
                                    

Tahimik na nagbabasa si Ben sa kaniyang kama ng isang ingles na nobela habang ako ay kanina pa pasulyap-sulyap sa kaniyang direksyon

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tahimik na nagbabasa si Ben sa kaniyang kama ng isang ingles na nobela habang ako ay kanina pa pasulyap-sulyap sa kaniyang direksyon.

Ako'y nag-aalangan dahil sa aking ginawang pagbalik sa mga halik ng kaniyang anak.

Pansamantalang tagumpay lamang ang aking natamasa kanina nang aking makita ang naiinis na mukha ni Blake, pero kung susumahin ay ako pa rin ang nasa alanganin.

Sa aming kasunduan ay si Ben ang aking nobyo at hindi si Blake, subalit ang pumapak sa aking labi ay ang anak niyang gusto akong sirain sa kaniya.

He wants to eliminate the woman who ruined his parents' relationship.

Hindi siya dapat sa akin magalit. Dapat sa nanay niyang pinagbintangan si Benedict sa isang bagay na hindi naman niya ginawa.

Tumayo ako mula sa aking higaan at nagtungo sa kama ni Ben para sumampa doon at kausapin siya. Kailangan kong unahan si Blake. I need to take precautionary measures so that I wouldn't be on the losing end.

Hindi pa sapat ang aking salapi para sa panibagong simula kung saan siguradong hindi ako babalik sa dati kong pamumuhay, kailangan kong patagalin ang planong ito para mabuo ko ang halagang kailangan ko.

"Ben," malambing na tawag ko sa kaniya kaya naman nag-angat siya ng tingin sa akin. Pakiramdam ko ay para akong batang magsusumbong sa kaniyang ama.

"May problema ba? Kanina mo pa ako tinitingnan," kalmadong tugon nito sa akin. Nahihiya kong niyakap ang aking tuhod kasabay ng pagtatago ng aking mukha sa pamamagitan ng pagyuko.

It feels wrong to show off my innocence, knowing that it always gets Ben to my advantage, but I need the money.

"I saw Christina earlier. He was with a guy," simpleng sabi ko. Namayani ang katahimikan sa pagitan namin na para bang hinihintay niya ang susunod kong sasabihin tungkol sa paksang aking binuksan. "Itutuloy pa rin ba natin ang plano?"

I couldn't help but feel bad about skipping a few information. Hindi ko kasi sigurado kung anong magiging reaksyon ni Ben kapag nalaman niya ang koneksyon ko sa lalaki ni Christina.

Habang nakatitig sa kaniya ay tila napaisip ako sa aming lagay.

Ben was at a disadvantage. He introduced me first. Maaaring sabihin ni Christina na naunang mangabit si Ben dahil siya ang unang nagpakilala ng kaniyang bagong nobya sa lahat. She can weave stories and pretend that she was a victim, na kaya lang naman siya nanlalaki ay may babae si Benedict. But I, too damn well, know that it is not the case.

Namuhay ako sa sama ng loob at sa hirap sa loob ng ilang taon dahil may babae ang tatay ko. I can clearly remember how he broke my thrift box during my last year in high school so that he could use the money I was saving up for college to buy a gift for his mistress.

Nagalit pa ito sa akin noong umiyak ako nang umiyak dahil doon. Mabuti na lang ay nabiyayaan ako ng utak kaya naman nakakuha ako ng scholarship.

Mabuti na lang at tapos na ang mga bagay na iyon pero hindi pa rin maaalis at mabubura ang katotohanan.

The Rich Man's GirlfriendWhere stories live. Discover now