Chapter 44

67 9 0
                                    

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


I used to dream of living a life where I could balance work and life because I had enough money to fund my lifestyle, yet here I am now, wishing for death so hard.

I was lifeless for a few days, not permanently, but heaven knows how much I wished to die these past few days. It looked like I was trying to kill myself. I wasn't going out of my room or touching my food. But... Would you call it trying if you really wanted to kill yourself?

Blake wasn't talking to me, though I could feel him checking up on me every night. It still won't compensate for what he did to me. He doesn't differ from his friends. Isa rin siyang hayop na bagay lamang ang tingin sa akin. Isang bagay na pwedeng gamitin, i-display, itabi, at... itapon.

Isang mapait na tawa ang aking pinakawalan. Tumingin ako sa orasan upang alamin kung nakaalis na ba si Blake patungong opisina. Napagpasyahan kong umalis at iwan siya.

Habang nakatitig sa kawalan ay kusang gumawa ng plano ang aking sistema. Nagkusa itong lumikha ng mga ideyang muling makabubuo sa akin, at sa pagkakataong ito, wala nang makatitibag sa pader na itataguyod ko.

Isang email ang aking natanggap mula sa isang real estate agent na siyang aking kausap para sa isang condominium unit na aking binili gamit ang perang idineposito ng mga demonyong kaibigan ni Blake. Ibinigay na nila iyon kaya wala nang bawian.

Imbes na lunurin ko ang sarili sa isang sulok ay babangon ako at gaganti sa kanila. Hindi man ngayon, pero sisiguruhin kong sisirain ko ang mga kinabukasan nila.

Dahil nga naisipan kong umalis, una kong siniguro ang aking titirhan sa sandaling umalis ako dito. The agent I was talking to was really accomodating and helped me process everything even if it is just us exchanging emails. Wala pa talaga akong lakas na lumabas ng aking kuwarto.

It was a fully furnished unit na ready for occupancy, matapos ang ilang araw o isa't kalahating linggo na palitan ng sulatroniko ay naging matagumpay ang aking pagbili sa naturang unit.

Sabi niya sa email ay nasasabik na itong makilala ako. Malamang ay maligaya lang ito dahil sa laki ng komisyon na kaniyang nakuha matapos ang aming transaksyon.

Sa bawat lumilipas na araw ay nagbabalot ako ng aking gamit. Wala naman akong planong dalhin lahat. Ilang mga importanteng dokumento at mga damit na madalas kong isuot ang aking dadalhin.

Isang malalim na hininga ang aking pinakawalan bago ko tinitigan ang engagement ring na hanggang ngayon ay nasa aking palasingsingan. This would be the last day I will be wearing this. Sa tuwing tinitingnan ko ito ay pinapaalala nito kung paano ako nakiusap sa kaniya na maniwala sa akin. Sumasama lamang ang aking loob tuwing naaalalang ang hirap sa kaniya na paniwalaan ako habang ang bilis kong pumanig at maniwala sa mga sinasabi niya.

Tiningnan ko ang orasan para muling masiguro na nasa opisina na si Blake. Oras na para ibalik ang singsing sa kaniya.

Agad akong pumasok sa kaniyang silid. Sa aking pagtapak ay ang pagdaloy ng mga alaalang nagdadala sa akin pabalik sa mga sandaling aming pinagsaluhan. I was so naive for believing his words whenever he is inside. I hated how I opened my heart to him, yet he crushed it harder than other people did.

The Rich Man's GirlfriendWhere stories live. Discover now