Chapter 8

99 11 2
                                    

Ups! Gambar ini tidak mengikuti Pedoman Konten kami. Untuk melanjutkan publikasi, hapuslah gambar ini atau unggah gambar lain.


The pink, orange, and purplish hues painted a serene look of the skies. Hindi pa man sumisikat ang araw ay mulat na mulat na aking mata.

Sa wakas ay tapos na ang mga araw na nakahiga lamang ako o kaya ay nagbabasa. Sa wakas ay mapapakinabangan ko na ang utak ko.

Mula sa pagkakahiga ay tumayo na ako para gumayak.

Ito ang unang araw ko sa trabaho, at sinabi sa akin ni Blake na sabay kaming aalis ngayong umaga. Magsisimula na akong maghanda dahil nakakahiya naman kung paghihintayin ko siya. Baka mamaya ay imbes na tuluyang maging maayos ang samahan namin ay mainis lamang ito sa akin kapag nagbagal ako.

"Good morning, my Ali," malambing na bati sa akin ni Ben na abalang-abala agad sa pagtipa sa kaniyang laptop habang nasa kama.

"Good morning," mahinang tugon ko bago ako sumampa sa kaniyang kama at naupo sa harap niya habang yakap ang aking mga tuhod.

"Are you nervous?" he asked.

Marahan akong umiling bago ngumiti sa kaniya. "I'm excited. I am looking forward to this," sagot ko at marahan naman siyang tumango sa akin.

Humagikgik lamang ako bago ako tumayo at nagtungo sa banyo para maligo.

Habang pinatutuyo ang aking buhok gamit ang blower ay pumasok ang walang pang-itaas na si Ben.

Hindi ko maiwasang tingnan ang kaniyang katawan sa salamin. He was pretty fit for his age, well-maintained ang katawan nito at hindi mo mababakas ang kaniyang edad.

"I'm sorry. Am I making you uncomfortable?" biglang sabi nito.

"No, it's okay. Don't worry about me," nakangiting sabi ko sabay ngiti mula sa salamin.

Ben went inside to shower, and I went to the walk-in closet to find clothes.

I changed into a black body-hugging dress with a Chinese collar and leg-of-mutton sleeves. Tinernuhan ko ito ng itim na stiletto at kumuha na rin ako ng isang sling bag.

Habang abala sa pagpahid ng lipstick sa harap ng full-body sized mirror ay lumabas si Ben mula sa banyo.

"Aliyah."

Agad akong humarap kay Ben nang kaniyang tawagin ang aking pangalan. Umalis na rin ako sa harap ng salamin dahil alam kong magkakabit ng kaniyang necktie si Ben.

"Take care of my Blake. He may be old by age, but his pampered ass is still careless as fuck," sabi ni Ben na nakapagpahagikgik sa akin. "I am counting on you. Please don't fail me," he continued.

Pumwesto ako sa likod ni Ben bago ko ipinatong ang aking baba sa kaniyang balikat. Marahan ko ring hinagod ang kaniyang braso.

"Ako ang bahala kay Blake. I'll do what I can to help him, so please, stop worrying Ben," malumanay na saad ko sabay ngiti.

The Rich Man's GirlfriendTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang