Chapter 10

111 11 0
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


The colors from the older woman's face were drained.

Katahimikan ang unang nangibabaw habang matamang nakikipagtitigan sa akin si Blake. Mapagtanong ang kaniyang mga titig at tila higit pa sa katotohanan ang kaniyang nais malaman.

"Diyos ko, ako'y malilintikan kay Ben kapag nalaman niyang alam mo kung ano ang namamagitan sa kanila ni Aliyah," natatarantang saad ng matanda. "Blake, pakiusap, huwag mong sasabihin sa iyong ama na alam mo na," pagpapatuloy nito. Bakas sa mukha nito ang pag-aalala dahil sa impormasyong nagmula sa kaniya.

Humugot ako ng malalim na hininga bago ko hinarap ang matanda.

"Manang, i-kalma po ninyo ang inyong sarili," saad ko sabay kuha sa kaniyang kamay upang iyon ay pisilin.

"Did I hear things right? You are not my Dad's girlfriend?" Amusement slowly crept into Blake's face as he asked that question.

"Blake, pakiusap, huwag mong sabihin sa iyong ama," muling pagmamakaawa ng matanda.

"Totoo ba, Manang?" muling pagtatanong nito.

"I will explain things to you later," simpleng sabi ko at tumango na lamang si Blake sa akin. Isang ngisi ang nabuo sa kaniyang labi at para bang excited itong pakinggan kung ano man ang sasabihin ko.

"Manang, ako na po ang bahala dito, magpahinga na po kayo. Ako na rin ang bahala kay Blake," paniniguro ko dito. "Huwag ninyo na lang pong banggitin kay Ben na nadulas kayo sa harap ni Blake," paghahabilin ko dito.

Nahihiya itong tumango sa akin at bakas pa rin ang pag-aalala sa kaniyang mukha.

"Sige na po, huwag po kayong mag-alala," muli kong pag-aalo dito. Isang mahigpit na pagpisil sa aking kamay ang kaniyang muling ginawa bago niya kami tuluyang iniwan ni Blake.

Ipinagpatuloy ko ang pagpupunas ng mga kasangkapang aming nahugasan. Pinapanood lamang ako ni Blake na nagpasyang maupo sa kitchen aisle. Tila ba abang na abang ito sa kung ano mang sasabihin ko sa kaniya, at tila nabuhayan din ang kaniyang loob sa bagong kaalaman na nakuha.

Matapos kong iligpit ang mga kasangkapan ay naupo ako sa kaniyang tabi.

"Hindi ka ba hahanapin ng mga kaibigan mo?" panimulang tanong ko dito.

"Bigyan mo lang ng maraming maiinom ang mga iyon ay mananahimik na sila sa isang tabi," simpleng sagot nito bago ito tumayo.

He grabbed two wine glasses and pulled a bottle from the wine fridge. Tahimik na nagsalin si Blake ng wine bago ito muling naupo sa aking tabi.

"Tell me all about this relationship between you and my Dad," he said, swirling the wine in his wine glass and inhaling the expensive scent of the old wine.

There was something in the way he looked at me, parang sabik itong marinig ang katotohanan mula sa akin. He was hopeful, probably because he said he'd drill me if I weren't his father's girlfriend.

The Rich Man's GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon