Chapter 30

64 8 0
                                    

اوووه! هذه الصورة لا تتبع إرشادات المحتوى الخاصة بنا. لمتابعة النشر، يرجى إزالتها أو تحميل صورة أخرى.


Ilang araw matapos ang huli naming pagpupulong ay muli kaming nagpasiya na magtagpong muli para mapag-usapan ang progreso ng kaso ni Blake.

Sa pagkakataong ito ay inimbitahan ko sila sa opisina ni Ben sa mansiyon.

Madalas akong nakakatanggap ng mensahe mula kay Gertrude. Hindi ito tumigil sa pangungumbinsi sa akin na makipagkita sa kaniya, pero kahit ano pa ang sabihin niya ay hindi ko siya pagbibigyan.

"Are you going to meet her?" Theo curiously asked after I brought it up with them.

"Nope," I answered as I shook my head.

Agad kong ibinaling ang aking atensyon sa imbestigador bago ko ito tinanong. "Mr. Arguello, how's the investigation going?"

I crossed my legs and waited for the private investigator to speak; as expected, he expedited the process and gathered relevant information.

"Totoo pong buntis si Ms. Gertrude, at sa kabutihang palad ay hindi si Mr. Amadeo ang ama," panimula niya. "Ayon sa nakalap naming impormasyon ay may relasyon ito at ang driver ng tatay niya. Nangalap na rin kami ng impormasyon tungkol sa lalaki. Ang kaniyang pangalan ay Cedric De Montaje. Mas bata ito ng limang taon kumpara kay Ms. Gertrude. Narito ang ilan sa kaniyang personal na detalye, kabilang na rin ang kaniyang numero," pagpapatuloy nito kasabay ang paglapag ng isang folder sa kaniyang harapan.

Marahang tango ang aking ibinigay bilang tugon sa kaniyang balita. Hindi ko maiwasang mapaisip sa nalaman.

"If she's in a relationship with that guy, why is she continuously harassing Blake?" I asked with an arched eyebrow.

"How are you sure that was the case? Posible rin namang totoo ang sinasabi niya na si Blake ang nang-harass," sagot sa akin ni Ms. Geron. Her query was a bit judgy. Parang ang dating ay isa akong blind follower ni Blake.

It wasn't the case. Kaya nga umusbong ang pekeng relasyon namin ni Blake ay dahil kay Gertrude.

"A lot of girls were frustrated because he turned them down. He only wants Ms. Ali and wouldn't do anything to upset her. I am confident that Blake did not sexually assault Gertrude." Hindi pa man ako nakakasagot ay inunahan na ako ni Theo.

"True, subukan lang niya," segunda ko naman kasabay ang isang malokong ngiti.

Ang mapanghusgang tingin ni Ms. Geron ay nawala. Natatawa na lamang itong napa-iling na para bang nauunawaan niya ang aking nais iparating.

"Anong balak mo kay Cedric?" Theo then asked.

Kinuha ko ang folder bago ko binasa ang laman nito. Mukhang may magagamit akong pain para pumayag itong Cedric na ito. Muli ko iyong isinara at inilagay sa table sa aking harapan.

"How about the footage, Ms. Geron? Do we have progress?"

"Ah, about that," she paused, sighing, "They denied our request. Ang sabi ay sira raw ang CCTV noong araw na iyon pero nakapagprovide sila sa panig ni Gertrude," pagpapatuloy nito.

The Rich Man's Girlfriendحيث تعيش القصص. اكتشف الآن