Nangatog ang mga kamay ni Fernanda, hindi niya mapaliwanag pero iba ang aura ni Elara, tila ba isang malaking wolf na kulay puti ang nasa harap niya, hindi isang malingkinitang babae na kilala niya.

"Bakit mo nilason ang tunay kong ina?" Seryosong tanong ni Elara, bored ang expression sa knaiyang mukha na may halong matinding galit sa kaniyang mga mata. Ramdam na ramdam ni Fernanda ang galit na nang gagaling sa mga tingin ni Elara kaya hindi niya magawang magsalita o kumilos man lang.

"Tingin mo hindi ko malalaman? Tingin mo hindi lalabas lahat ng baho niyong dalawa ni Fiona? Ang galing niyo rin eh, nilason mo ang tunay kong ina at tapos iyon din ang gagawin niyo sa akin, tama ba ako?" Natatawang tanong ni Elara, hindi niya na mapigilan ang inis sa puso niya, gusto niya nang saktan si Fernanda pero gusto niya muna malaman ang buong dahilan kung bakit ninto nagawa ang mga bagay na iyon sa pamilya niya.

"Kaibigan mo si Mom, alam ko na matalik kayong magkaibigan noon. So, bakit mo sa kaniya nagawa 'yun? Dahil ba inggit na inggit ka sa magandang buhay niya na gusto mong kunin ang lahat ng 'to? O talagang dumadaloy na sa dugo niyo ang pagiging ahas at home wrecker?" Tanong ni Elara at muling lumapit kay Fernanda.

"Masaya ka na ba na nasira mo ang pamilya ko?" Bulong niya kay Fernanda at dahil hindi makagalaw si Fernanda sa takot niya kay Elara ay agad na nahablot ni Elara ang kaniyang blonde na buhok at hinila ito sa labas ng rehas, sumobsob ang mukha ni Fernanda sa bakal na binabalot ng silver dahilan para lalo siyang manghina at manlambot.

"Ah!!! Bitawan mo ko! Elara!" Sa wakas ay nakalabas na rin ang mga salita sa kaniyang bibig, kanina niya pa nais sumagot kay Elara pero hindi alam ni Fernanda kung saan siya kukuha ng lakas.

Alam niya na hindi na ang dating Elara ang nasa harapan niya ngayon, alam at ramdam ni Fernanda na hindi niya na pwedeng maliitin ang Elara na nasa harapan niya ngayon.

"Bitawan mo ko! Ang sakit! Elara!" Hiyaw ni Fernanda at pilit na hinihila ang buhok niya sa kamay ni Elara, gusto niya magtransform sa kaniyang wolf form o kahit ilabas man lang ang mahahaba niyang mga kuko para masaktan si Elara pero hindi niya magawa dahil balot ng proteksyon ang kulungan na ito na pumipigil sa kaniya para mag transform.

"Anong masakit!? Kulang pa 'yan Fernanda! Sisiguraduhin ko na mabubulok ka sa kulungan na ito! Na hindi mo na makikita ang araw o langit dahil dito ka na mamatay, dito sa malamig na kulungan na 'to, nang walang ibang kasama kundi ang sarili mo." Nang marinig ni Fernanda ang mga salitang iyon ay alam niyang hindi nagbibiro si Elara at iyon talaga ang gagawin niya. Alam ni Fernanda na kung hindi siya gagawa ng paraan para makatakas dito ay ito na nga ang magiging hantungan niya.

"Nababaliw ka na! Bitawan mo ko! Elara! Isusumbong kita kay Calisto! Sasabihin ko ang kahibangan na pinaggagawa mo!" Sigaw ni Fernanda kaya lalo pang hinila ni Elara ang buhok niya dahilan para lalong maipit ang mukha ni Fernanda sa rehas.

"Tingin mo ikaw ang papanigan ni Dad kapag nalaman niya kung ao ang tunay na ginawa mo kay Mom? Ikaw ang nababaliw kung tingin mo may kakampi ka pa sa lugar na 'to, and for your information, ako ang papatay kay Fiona," sagot ni Elara, alam niyang hindi niya magagalaw si Fiona ngayon pero gusto niya lang baliwin si Fernanda sa idea na papatayin ni Elara ang anak nitong si Fiona.

"Anong sabi mo?" Gulat na gulat na tanong ni Fernanda.

Binitawan ni Elara ang buhok ni Fernanda saka pinagpag ang dalawa niyang kamay, tumingin siya kay Fernanda at ngumiti ulit sa harap nito.

"Nabingi ka na ba sa katahimikan ng dungeon? Hindi mo ba narinig ang sinabi ko?" Tanong ni Elara, nakahalukipkip ito at minamaliit sa kaniyang tingin si Fernanda.

"Su-su-subukan mo lang saktan ang a-anak ko..." nauutal na sagot ni Fernanda kaya napatawa si Elara.

"Akala ko bingi ka na eh, narinig mo naman pala," natatawang sagot ni Elara.

"Pero sorry, bukas ng umaga ay sisiguraduhin kong ako mismo ang papatay sa anak mo, but don't worry hindi naman painful death ang ibibigay ko sa kaniya. You see mabait pa rin naman akong stepsister kaya hindi ko na siya papahirapan," sagot ni Elara at may kinuha na gamot sa bulsa niya.

Pinakita niya ito kay Fernanda, isang drug na kulay pula, lason na kilalang-kilala ni Fernanda.

"Hu-huwag!" Pagmamakaawa ni Fernanda, gumapang siya papalapit kay Elara at pilit a inaabot ang paanan ni Elara.

"Hmmm... siguro sampung ganito ang ipapainum ko sa kaniya, sabay-sabay na para hindi sayang sa oras," walang ganang sagot ni Elara habang tinitignan ang gamot sa loob ng boteng hawak niya.

"Elara! Maawa ka sa kapatid mo!" Pagmamakaawa ni Fernanda pero pawang walang naririnig si Elara, bingi sa pagsamo ng stepmother niya. Pilit na inaabot ni Fernanda ang binti si Elara pero hindi niya magawa, kailangan niyang pigilan si Elara pero wala siyang lakas at kakayahan.

"Hmmm... pero hindi ko naman siya tunay na kapatid," sagot ni Elara sabay tingin kay Fernanda at humalakhak pa.

"Hahaha! Gusto ko sana na unti-untiin ang paglason sa kaniya hanggang sa maparalisado na siya at hindi maigalaw ang kaniyang buong katawan, tapos aalagaan ko siya at magkukwento sa kaniya ng mga bagay na ikaiinggit niya habang nakaupo siya sa wheelchair at hindi makalakad, kapag napagod naman akong alagaan siya, itutulak ko na lang siya sa hagdan pero dahil isa siyang lycan ay hindi siya ganoon kabilis mamatay sa aksidente na 'yun, kaya kapag tulog na ang lahat, tatakpan ko ang mukha niya ng unan at hindi siya papayagan na huminga," sagot ni Elara habang nakatitig sa luhaang mata ni Fernanda.

"Halimaw ka... halimaw ka!" Hiyaw ni Fernanda at natatawa na lamang si Elara sa bagay na ito, panong siya ang naging halimaw kung ginaya niya lang naman ang mga bagayna ginawa ni Fernanda at Fiona sa kaniya sa previous life niya?

"Ako pa talaga ang halimaw? Buti nga binahay pa kita, kung alam mo lang na ako na ang Luna ng pack na ito, kahit anong gawin ko sa'yo ay hindi makakarating sa council at walang makakaalam ng pagkamatay mo, pwedeng pwede kong manipulahin ang lahat dahil hawak ko na ang kapangyarihan na matagal niyo nang gustong abusuhin," sagot ni Elara kay Fernanda at naglakad na palayo.

"Elara! Bumalik ka rito!" Hiyaw ni Fernanda pero tuloy-tuloy lang ang paglalakad ni Elara paalis sa lugar na iyon.

"Papatayin kita! Humanda ka Elara! Makakalabas din ako rito! Mapapatay din kita!" Hiyaw ni Fernanda pero hindi na lumingon pa si Elara, pinipigilan niya ang kaniyang emosyon at pag-iyak dahil naubos na lahat ng lakas ng knaiyang loob para harapin si Fernanda.

Sa paglabas niya sa dungeon ay agad siyang sinalubong ni Damian ng yakap, hindi na nagtanong ng kahit ano pa man si Damian dahil rinig na rinig niya ang lahat ng usapan nila. Ramda niya ang galit ni Elara kanina pero ngayon na nailabas na ni Elara ang lahat ng ito ay wala na natira sa puso niya kundi lungkot.

"Pinahanga mo ko sa katapangan mo mahal ko," bulong ni Damian habang hnahagod ang likod ng kaniyang Luna.

"Bakit ganun? Nakapaghiganti naman na ako pero bakit parang ako pa ang talo?" Tanong ni Elara at hindi na mapigilan ang pagluha niya. Alam niyang hindi na siya maririnig ni Fernanda ngayon dahil nasa loob ito ng selda na nagpapahina sa senses niya bilang Lycan, kaya nagagawa na ni Elara na ilabas lahat ng hinanakit niya.

"Mahirap magpatawad, alam ko iyon. Pero siguro iyon lang talaga ang paraan para tuluyan mawala lahat ng sakit at galit sa puso mo, pero hindi rin naman ibig sabihin na pinatawad mo na sila ay hindi na rin sila magbabayad sa mga nagawa nilang kasalanan," sagot ni Damian at patuloy na pinapatahan si Elara.

"Binigay mo na sa kaniya ang nararapat na parusa para sa kaniya, pagbabayaran niya na lahat ng ginawa niya sa kulungan na iyon habang buhay," dagdag ni Damian habang mahigpit na yakap si Elara.

Alam ni Elara na hindi madaling magpatawad, sobrang hirap lalo na't sobrang bigat ng ginawa nila Fernada at Fiona sa kaniya. Alam niyang taon pa bago mawala ang sakit na dinulot ng mga 'to sa kaniya, lahat ng trauma at lungkot na dulot nila, pero alam ni Elara na tama si Damian, kaya pakiramdam niya ay kulang pa rin, na siya pa ang talo ay dahil sa hindi totoong payapa ang puso niya.


TO BE CONTINUED

AN: Pila lang guys lahat makakasampal kay Fernanda.

Revenge of a RejectedOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz