"Kung nais niyo umapila ay hamunin niyo ng dwelo si Alpha Damian, sino mang manalo ay magiging sunod na Alpha," sagot ni Alpha Diego na lalong kinagulat ng lahat.

Alam nila ang pamamaraan ni Alpha Diego, hindi ninto pinapasa ang pack sa kahit sino mang walang dugo ng Reed. Kaya walang dwelo na nagaganap sa paghalal ng bagong Alpha. Pero ngayon ay ito ang gagamitin niyang paraan para makaupo si Damian sa posisyon, posisyon na walang makakaagaw kay Damian dahil sa lakas na taglay ninto.

Alam ng bawat isa sa loob ng silid na wala silang laban, wala rin silang magagawa pa dahil kung pagbabasihan sa lakas ay mas magiging panatag sila kung si Damian ang mamumuno sa kanila.

"Bakit kayo ang nagdedesisyon sa bagay na 'to! Buhay pa si Alpha Elijah! Siya pa rin ang Alpha!" Sagot ni Fiona kahit nanginginig ang mga palad niya sa takot dahil sa pagsagot niya kay Alpha Diego. Pero walang autoridad si Diego upang patigilin sa pagsasalita si Fiona, dahil siya pa rin ang Luna ng pack na ito.

"Mapapatakbo mo ba ng ayos ang pack na 'to habang wala ang Alpha mo? Tingin mo magiging ayos ang buong pack kung ikaw ang mamumuno rito?" Seryosong tanong ni Alpha Diego, nais niya na pahiyain si Fiona at sabihin ang totoong ginawa ninto pero alam niya na hindi pa ito ang tamang oras.

Kailangan niya muna marinig ang mga ibabato nitong sagot sa kaniya, saka niya ipapahiya ang walang kalaban-laban na Luna.

"Oo! Mapapatakbo ko! Tutulungan ako ni Francis katulad ng ginagawa namin nitong mga nakaraan linggo," sagot ni Fiona, nais niya pa rin makakuha ng simpatya ag tiwala galing sa ibang pack members nila.

"Isa pa, pano niyo nagawang piliin na Alpha si Alpha Damian kung siya ang dahilan kung bakit nagkaganoon si Alpha Elijah? Nakalimutan niyo na ba nakaya hindi pa rin nagigising si Elijah ay dahil dyan sa magaling niyang kapatid sa labas?!" Hiyaw ni Fiona, nawala na ang paawa na expression sa kaniyanh mukha kanina, puno na ito ng galit at inggit.

"Diego, pano mo 'to nagawa sa anak mong si Elijah? Maawa ka naman sa anak mo," hinaing ni Esmeralda, nakayuko ito habang takip ang kaniyang mukha ng dalawa niyang kamay, tinatago ang malakas niyang paghihinagpis sa nangyayari sa kaniyanb pamilya.

Samantalang si Fernanda naman ay naguguluhan din sa nangyayari, napatingin siya sa pwesto ni Elara at masama itong tinignan. Alam niyang may kinalaman si Elara sa mga nangyayari at gumagawa ito ng hakbang para makaganti sa kanila.

Agad naman naramdaman ni Elara ang matalim na tingin sa kaniya ni Fernanda, nag ngingitngit sa galit ang mga ngipin ninto na nagdulot naman ng ngiti sa labi ni Elara. Malambing siyang ngumiti kay Fernanda sabay kaway rito, pinapakita niya kung gano siya kasaya sa mga nangyayari.

"Sa ating mga Lycans at werewolves, kung sino ang pinaka malakas ay siya ang mananatili sa taas. Kung sino ang may kakayahan mamuno ay siya ang susundin ng lahat. At sa tingin mo sino ang tumalo kay Elijah? Hindi ba't si Damian? Sa kanilang dalawa, sino ang mas makakapagbigay ng stability sa pack na 'to? Si Elijah ba na nilason ng sarili niyang fate mate o si Damian na heneral ng buong Summergrave?" Tanong ni Diego at binato na ang pasabog na kaniyang dala-dala.

Tila na bingi ang lahat sa kanilang narinig, walang nakaimik at lahat sila ay nakatingin lamang sa direksyon ni Fiona, gulat na gulat sa ginawa ng kanilang Luna.

"Ah-a-anong sinasabi mo Alpha Diego? Anong nilason?" Tanong ni Fiona pero hindi niya maitago ang kaba kaniyang pagsasalita, hindi siya makapaniwala na alam ni Alpha Diego ang tungkol sa bagay na iyon.

"Hindi pa ito napapatunayan, pero habang nasa proseso pa ang kaso na 'to ay itatapon ka muna sa dungeon para sa probation mo ng dalawang linggo," anunsyo ni Alpha Diego at tumingin sa mga warrior ng Forestheart para ikulong si Fiona.

Revenge of a RejectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon