"Tapos hindi ko alam kung ano nangyari pero one time hindi ko na nakikita si Fernanda, hindi na rin pinagtatalunan ni Daisy at Emely si Fernanda noon at mas naging close kaming tatlo nung college hanggang sa nagpasya kaming bumuo ng pack at kumalas sa dati naming pack, doon na nakilala ni Emely si Calisto," patuloy na kwento ni Diego, gusto sana tanungin ni Damian kung bakit nagkaroon pa ng ibang asawa ang kaniyang ama bukod sa kaniyang ina pero ayaw niyang lumihis ng topic kaya hinayaan niya na lamang ito.

"Tingin niyo ba alam ni Fernanda na fated mate ni Mom si Dad?" Tanong ni Elara at tumango naman si Diego bilang sagot.

"Malakas ang kutob ko na oo," sagot ni Diego, hindi niya alam pano nagkakilala si Calisto at Fernanda pero malakas ang kutob niya na alam ni Fernanda ang lahat.

"Hindi ko alam kung saan nagkakilala si Fernanda at Calisto, pero kung ako ang tatanungin ay walang kaalam-alam ang ama mo sa bagay na ito, bago rin mamatay si Emely ay nakausap ko siya," sagot ni Diego, kahit na madalas sila mag-away ni Emely noon ay naging matalik niya naman itong kaibigan hanggang sa huli.

"Anong sabi ni Mom? May sinabi ba siya tungkol kay Fernanda?" Tanong ni Elara, kinakabahan siya sa mga bagay na kaniyang nalalaman, kumukulo na ang kaniyang dugo at nais niya nang patayin si Fernanda at Fiona.

"Binilin niya sa akin na protektahan ka at tulungan si Calisto," sagot ni Alpha Diego, dahilan para makagat ni Elara ang kaniyang labi at pigilan ang kaniyang pag-iyak.

"Noon iniisip ko kung bakit niya sinabi iyon dahil alam ko naman na kakayanin ni Calisto ang pagpapalaki sa'yo, at ano pang protekta ang gagawin ko sa inyo kung si Calisto ang pinaka malakas na lycan sa pack na 'to," sagot ni Diego, natatawa sa pag-amin niya sa bagay na iyon.

"Pero ngayon alam ko na kung bakit niya sinabing protektahan ko ang pamilya niya," sagot ni Alpha Diego at tumingin sa anak niyang si Damian. Sila lang dalawa ang nakakaalam tungkol sa tunay na pagkatao ni Elara at sa dugo ninto bilang isang Lerian.

"Kailangan ko ng malaking proweba na si Fernanda ang sumira ng pamilya ko at pumatay sa aking ina," sagot ni Elara, kulang pa ang mga impormasyon na binigay sa kanila ni ALpha Diego, kailangan niya mabuo ang mga piraso ng pala isipan na ito.

"Baka makatulong sa inyo ang inpormayson na 'to," sagot ni Diego at binigay ang back ground check na ginawa niya kay Fernanda. Kinuha ito ni Elara at binasa ito, kumunot ang noo niya nang makitang dating nagtatrabaho si Fernanda bilang isang pharmacist sa Central city noon.

Laging may konektadong gamot o drugs sa pangalan nila Fernanda at Fiona at doon naalala ni Elara ang ginawang panlalason ni Fernanda at Fiona sa kaniya noon, hindi lang sa kaniya kundi pati kay Elijah ngayon at dahil dito ay malakas ang kutob niya na sila rin ang lumason sa kaniyang ina dahilan para manhina ito at mamatay.

"Damian, sasabihin ko na kay Alpha Diego ang tunay na nangyayari kay Alpha Elijah," sagot ni Elara kay Damian at tumango naman si Damian bilang pagsang-ayon, alam niyang tama ang desisyon na gagawin ni Elara at kailangan din nila si Diego.

"Bakit, may hindi ba ako nalalaman?" Tanong namna ni Diego dahil alam niya ay kontrolado at alam niya na ang lahat ng bagay na nangyayari ngayon.

"Ang totoo niyan ay gising si Elijah," sagot ni Elara kaya napatayo si Diego sa kaniyang kinauupuan, kahit hindi naging maayos na Alpha si Elijah ay anak niya pa rin ito at iniisip ninto ang kalagayan ng kaniyang anak.

"Pano? Bakit hindi pa sa akin nakakarating ang balita na iyan? Dapat ngayon ay tumawag na sa akin ang hospital," sagot ni Diego kaya nagkatinginan si Damian at Elara.

"Walang nakaka-alam na gising siya dahil hindi maigalaw ni Elijah ang buo niyang katawan, paralisado ito na miske pagdilat ng kaniyang mata o pagbukas ng kaniyang bibig ay hindi niya magawa," paliwanag ni Elara dahilan para manlambot ang buong katawan ni Diego at mapasalampak sa kaniyang upuan.

"Pa-papano nangyari ang bagay na iyon?" Tanong ni Diego, hindi matanggap ang kalunos-lunos na sinapit nii Elijah.

"May naglason sa kaniya, at ang hinala namin ay si Fiona, syempre sa tulong ng kaniyang ina na si Fernanda," sagot ni Elara kaya lalong nanlambot si Diego sa mga narinig niya.

Papano magagawa ni Fiona ang bagay na iyon sa kaniyang fated mate? Pero posible rin na magawa ito ni Fiona dahil sa ugaling nakikita ni Diego sa kaniya. Hindi malayong magawa ito ni Fiona lalo na sa nangyaring insedente nung nakaraan, kung saan pinili pa rin ni Elijah ang chosen mate niya na si Elara.

"Pano mo nasabi na si Fion ang may kagagawan ninto? May pruweba ka ba? Saka pano niya magagawa ito kung bantay ng mga nurse ang gamot na tinuturok kay Elijah?" Tanong ni Diego dahil hindi pa rin siya makapaniwala sa mga nangyayari.

"Oo bantay ng mga nurse ang mga gamot na tinuturok nila kay Elijah, pero sino ba ang laging nagbabantay kay Elijah kapag wala na ang mga nurse? Sino ba ang nasa tabi ni Elijah nung mga nakaraang araw?" Tanong ni Elara at doon na pagtanto ni Diego ang bagay na iyon.

"May isang drugs na kayang gawing paralisado ang kahit sino mang lycan, isa itong pulang tableta na kapag tinunaw sa tubig ay hindi maamoy ng kahit sino man maging Lycan, marami itong maihahalo sa ano mang fluids na iinject sa katawan ni Elijah," sagot ni Elara at doon mas naging malinaw sa isip ni Diego kung pano ito magagawa ni Fiona.

"At tingin niyo kanino nalaman ni Fiona ang tungkol sa mga drugs na katulad nun?" Tanong ni Elara kaya nagkatingan silang dalawa ni Alpha Diego at miske si Damian ay napagtatagpi tagpi na rin ang mga pangyayari.

"Ang kaniyang ina na nag-aral tungkol sa mga gamot," sagot ni Elara.

Nanlambot si Diego, nasapo niya ang kaniyang noo at hindi makapaniwala na hindi niya nakita ang bagay na iyon. Hinayaan niya makapasok sa pack niya ang mga ahas na katulad ni Fiona at Fernanda. Hindi siya makapaniwala na hindi niya naprotektahan ang kaniyang anak na si Elijah at hinayaan na sapitin ang bagay na iyon dahil sa kapabayaan niya.

"Alam ko na ganoon din ang ginawa nila kay Mom," Sagot ni Elara, nakayukom ang knaiyang kamao, hindi niya mapigilan ang galit na nararamdaman niya, ngayon pa lang ay gusto niya na sugurin si Fernanda at Fiona para patayin ang mga ito.

"Alam ni Fernanda na asawa ni Emely si Calisto na laging bumibili sa kaniya ng suppressant medicine, pinalitan niya ang laman ng gamot na iyon para unti-unting lasunin si Emely at kunin ang magandang buhay ninto," sagot ni Diego, pati siya ay hindi makapagtimpi dahil malapit sa kaniya si Emely, at kahit gano siya kasakim ay marunong pa rin siya tumanaw ng utang na loob sa kaniyang kaibigan.

"Iyon na nga ang hinala ko, hindi ko alam kung pano ko 'to sasabihin kay Dad, ano na lang ang mararamdaman niya kapag nalaman niya na ang binibili niyang gamot para sa kaniyang asawa ay lason pala," sagot ni Elara, hindi niya na napigilan ang pag-iyak, takip-takip niya ang kaniyang mukha at sobrang nasasaktan sa nangyari sa kaniyang mga magulang.

Agad na lumapit si Damian kay Elara para i-comfort ito, wala siyang ibang kayang gawin kundi ibigay ang lakas na kailangan ni Elara para sa laban na ito. "Gaganti tayo Elara," bulong niya kay Elara habang yakap ito at hinihimas ang likod ninto upang tumahan at kumalma.

'Magtipon kayong lahat sa council room ngayon din!' Utos ni Alpha Diego sa buong Forestheart pack sa pamamagitan ng mind link. Narinig din ito ni Damian at alam niyang gagawa na ng hakbang ang kaniyang ama para makulong o mapatalsik sa Forestheart si Fernanda at Fiona.


TO BE CONTINUED

Revenge of a RejectedDonde viven las historias. Descúbrelo ahora