Kailangan nilang malaman ito bago pa tuluyang lumabas ang wolf ng Luna nila, kailangan nilang magmadali dahil mabilis din ang pagbabago na nagaganap sa katawan ni Elara.

Pagpasok naman ng opisina ay nakita ni Elara si Damian, nakasalumbaba ito sa mesa niya at panay ang buntong hininga.

"Anong problema? Masyado bang maraming trabaho?" Tanong ni Elara pero ang pinoproblema ni Damian ay ang pagdating ng kaniyang ama at ang mabilis na pagbabago ng kakayahan ni Elara.

"Wala, actually tapos na ako at wala ka ng gagawing trabaho ngayon," sagot naman ni Damian.

"Bakit ka nakasimangot?" Tanong ni Elara, gusto niya sana lambingin si Damian pero pinapangunahan siya ng hiya.

"Kasi nga pupunta dito si Alpha Diego, ba't ba hindi na lang pumirme ang matandang iton sa pack house niya?" Inis na tanong ni Damian kaya hindi maiwasan matawa ni Elara.

"Baka gusto ka lang makita," sagot naman ni Elara pero alam ni Damian na si Elara talaga ang gusto ninto makita.

Hindi pa nasasabi ni Damian kay Elara ang mga pumutok na issue at umaaligid sa pangalan ng Nightraven, ganoon na rin ang kalagayan ni Elijah ngayon at ang tunay na nangyayari sa katawan ni Elara.

Ang dami niyang sikreto pero ginagawa niya lang naman ito para protektahan ang Luna niya dahil ayaw niya na itong mag overthink pa.

"Hahaha, patawa ka talaga. Ilang taon na ako dito sa Nightraven ngayon niya lang naisipan dalawin ako?" Sarkastikong sagot ni Damian at naglakad papalapit kay Elara.

Napatingin naman si Elara, "Ano?" Maikli nitong tanong habang nakataas ang isa niyang kilay.

"Nainum ka pa ba ng gamot mo? Nagbilin sa akin si tito Calisto tungkol sa gamot mo," tanong ni Damian, nais niya lang makasigurado na nakokontrol pa rin nila ang wolf ni Elara.

"Dalawang linggo na ako hindi umiinum, iniisip ko kasi galing sa bahay ang gamot na 'yun," paliwanag naman ni Elara kaya nagtaka si Damian.

"Oh ano naman problema kung galing sa bahay niyo ang gamot na 'yun?" Tanong ni Damian dahil mukhang nag aalinlangan si Elara sabihin ang dahilan sa kaniya.

"Hmm.. hindi naman sa wala akong tiwala kay Dad or sa binigay niyang gamot sa akin. May trust issue lang talaga ako kapag galing sa bahay namin ang ano mang pagkain o gamot na iinumin at kakainin ko," paliwanag ni Elara kaya nagtaka na si Damian.

"Bakit? Nilason ka na ba ni Fernanda at Fiona?" Tanong ni Damian dahil ito lang ang sagot sa kung bakit mailap si Elara kumain ng pagkain na hindi niya nakita kung pano ginawa.

Noong una punta ni Elara sa Nightraven, madalang itong kumain at mas pipiliin pa ninto umorder sa labas kaysa kumain ng pagkain na galing sa kitchen ng pack house, ngayon alam niya na. May trauma si Elara dahil sa panlalason na ginagawa sa kaniya ng step-mom at step-sister niya.

"Madalas lagyan ni Fiona ng kung anu-ano ang pagkain ko. Mga gamot na pwedeng sumakit ang tyan ko at iba pa, tapos nitong taon ko lang nalaman na pinapalitan nila 'yung laman ng medicine bottle ko. Siguro iyon 'yung dahilan bakit grabe rin 'yung sakit ko na mas triple pa sa sakit na nararanasan ko noon," paliwanag ni Elara, hindi niya na sana sasabihin pa kay Damian ang tungkol dito pero hindi niya alam kung bakit nagiging komportable na siya mag share ng mga problema niya sa kaniyang Alpha.

"Intayin mo ako rito," sagot ni Damian kaya agad siyang pinigilan ni Elara, alam niyang gagawa na naman ng gulo si Damian sa Forestheart.

"Huwag na, alam kong galit ka pero hindi sa ganitong paraan tayo gaganti," sagot ni Elara, dahil kahit gustong gusto niya na saktan si Fernanda at Fiona, hindi ito ang paraan na nakikita niya.

Revenge of a RejectedWhere stories live. Discover now