"Ikaw kamo ang magkakasakit sa ginagawa mo," sagot ni Elara pero tinawanan lang siya ni Damian. Gustong gusto kasi ni Damian ang pakiramdam ng pag-aalala ni Elara sa kaniya at itong simpleng pagpapatuyo ni Elara sa buhok niya.

"Hindi no, ano ako weak?" Mayabang naman na sagot ni Damian kaya napailing na lang si Elara at masayang tinignan ang fated mate niya.

Ngayon na napagtanto na ni Elara ang namumuong feelings niya para kay Damian, hindi niya na 'to mapigilan pa. Parang tubig sa isang lalagyan na patuloy na umaapaw at hindi niya na mapigilan.

Noon, 'yung pag-ibig niya kay Elijah ay may limit. Hindi siya pwedeng sumobra at hindi rin siya pwedeng magkulang dahil kapag nagawa niya ang isa roon ay maaari siyang iwan ni Elijah.

Pero ngayon kay Damian, hindi niya maramdaman ang bagay na iyon. Pakiramdam niya nga na kung ipapakita at ipaparamdam niya pa kay Damian ang pagmamahal niya ay lalo pa itong matutuwa at lalo siyang hindi papakawalan.

Minsan kinakabahan si Elara dahil sobrang saya niya, na baka pagpikit ng mga mata niya ay panaginip lang pala ang lahat.

"Anong iniisip mo? Bakit nakatulala ka lang sa akin? Don't tell me na po-fall ka na sa'kin ng sobra? Naku, hindi naman sa pinagbabawalan kita pero kapag na fall ka sa akin hindi ka na pwedeng umurong pa ah," birong sagot ni Damian pero imbes na mainis si Elara ay napatawa pa siya rito.

"Hahaha, mukhang na inlove na nga ata ako sa'yo," direktang sagot ni Elara, ayaw niyang magpatalo sa pang-aasar ni Damian sa kaniya. Inaasahan niya na sasagot din ng pang-aasar si Damian kaya niready niya na ang sarili niya pero hindi niya inaasahan ang reaksyon ninto.

Namula ang buong mukha ni Damian sabay iwas ng tingin sa mukha ni Elara, napatakip siya ng kaniyang bibig dahil hindi niya maiwasan ang pagtakas ng malaki niyang ngiti sa labi.

"Woah, kinilig ka ba? Bakit namumula ka? Hahahah," natatawang sagot ni Elara kahit na miske siya ay nahahawa sa hiyang pinapakita ni Damian sa harapan niya.

"Eh kasi, parang nag propose ka na rin sa akin," sagot ni Damian kaya napatayo si Elara sa gulat.

"Anong propose? Sinabi ko lang naman na inlove na ko sayo!" Inis na sagot ni Elara kaya lalong namula ang mukha at tenga ni Damian.

"Tignan mo! Pinagsisigawan mo pang mahal mo ko, ano ba Elara nakakahiya baka marinig nila na patay na patay ka sa akin," pang-aasar ni Damian habang nakatakip ang mga palad niya sa kaniyang mukha.

"Argh! Tikom mo na nga 'yang bibig mo!" Agad na tinakpan ni Elara ang bibig ni Damian pero dahil sa pagmamadali ay na out of balance siya at sumobsob silang dalawa sa damuhan.

Nasa ibabaw si Elara habang si Damian naman ay salo-salo siya, nakahawak si Elara sa bibig ni Damian habang si Damian naman ay hawak ang braso at bewang niya.

Nagkatitigan ang dalawa, tahimik na nahuhulog para sa isa't isa.

Pakiramdam ni Elara ay lalamunin siya ng gintong mga mata ni Damian, mga matang sobrang ganda sa paningin niya at nagbibigay kahinaan sa mga tuhod niya.

Samantalang hindi rin naman mapigilan ni Damian na mahulog sa maganda mga mata ni Elara. Kapag tinitigan mo ito ay para kang nakatingin sa isang malawak na lupain na binabalot ng berdeng tanawin.

"Ang ingay mo kasi," reklamo ni Elara, akmang tatayo na siya sa awkward na position na 'yun pero hinawakan ni Damian ang kaniyang bewang at hindi siya pinakawalan.

"Alam mo Elara, namana mo kay tita Emely ang mga mata mo no? Pero pansin ko na mas nagiging berde siya ngayon," sagot ni Damian dahil hindi niya maalis ang mga tingin niya s amga mata ni Elara.

Revenge of a RejectedWhere stories live. Discover now