Nag stretching muna si Damian ng kaniyang katawan, ramdam na ramdam niya ang kakaibang lakas na dumadaloy sa kaniyang buong katawan, naging triple pa ang pagtalas ng mga sense niya at pakiramdam niya ay mas magiging mabilis pa siya sa kaniyang pagtakbo.

Kitang kita naman ng mga pack member ang maliit na mak ni Elara sa balikat ng Alpha nila, hindi nila maiwasan kiligin at matawa dahil ang cute ng bite mark na iyon na hindi babagay sa malakas at nakakatakot na image ng kanilang Alpha.

"Pansin niyo ba, iba ang aura ni ALpha Damian, parang may kakaiba sa kaniya at amoy na amoy ko ang scent ni Luna Elara," sagot ng isang pack members na nanonood ng traning.

"Totoo, may kakaiba sa aura ng Alpha, ramdam ko na mas malakas siya ngayon at kung hindi siya ang Alpha ko ay uurong na ang buntot ko dahil sa takot," sagot naman ng isa pang pack member na sinang-ayunan ng iba.

Huminga nang malalim si Damian at humanda na para tumakbo, kahapon niya pa gusto tumakbo at maramdaman ang malamig na hangin sa buo niyang katawan kaya naman umaga pa lang ay sinugurado niya nang magagawa niya ito.

Mabilis siyang humanda at pagbilang ng tatlo ay bigla na lamang siyang nawala sa paningin ng mga pack members niya. Takang-taka sila sa kung ano nang nangyari, sing bilis ng kidlat na nawala si Damian sa kanilang harapan.

 Mabilis na tumakbo si Damian paikot ng training ground at umikot pa sa ibang parte ng Nightraven para na rin makaronda siya at matignan niya ang iba't ibang kalagayan ng mga members niya. Ramdam niya ang kakaibang bilis niya, hindi niya pa ito nararanasan noon at alam niyang dahil ito sa fated mark na galing kay Elara.

Napahinto siya sa harap ng isang kinukumpuni na bahay, nagtutulong-tulong ang mga pack members niya sa pagbubuhat ng malalaki at mabibigat na kahoy na gagamitin para sa bubong at haligi ng bahay.

"Alpha Damian, hindi namin naramdaman na and'yan ka pala," sagot ng isang matandang pack members.

"Nag iikot lang at tinitignan kung anong lagay niyong lahat dito sa village," sagot ni Damian at kinuha ang isang buong kamay at sinukbit ito sa kaniyang balikat na walang kahirap-hirap. Nagulat ang lahat sa pinakita niyang lakas, ang ganoon kabigat na kahoy ay kailangan pang buhatin ng tatlong pack member o hindi kaya ng makina pero isang braso lang itong binuhat ni Damian.

"Alpha, grabe ang inilakas niyo simula ng mamarkahan kayo ng Luna, totoo bang wolfless si Luna Elara?" tanong ni Edie, nagtataka siya dahil papano naging ganito kalakas ang Alpha nila sa loob lang ng tatlong araw.

Hindi alam ni Damian ang isasagot, alam niyang hindi niya pa maaaring sabihin sa iba ang tungkol sa totoong pagkatao ni Elara at hindi rin ito maaaring makalabas sa ibang pack dahil paniguradong maghihinala sila kay Elara.

Kailangan niyang itago sa ngayon ang totoong pagkatao ng fated mate niya.

❦❦❦

"Hindi ko alam na kay Alpha Elijah ko magagamit ang drugs na binili ko para patayin si Elara," bulong ni Fernanda sa kaniyang anak na si Fiona habang binabantayan nila ang walang malay na katawan ni Elijah sa loob ng pack hospital nila.

"Mom, huwag ka maingay. Maraming tenga si Alpha Diego rito," pabulong din na sagot ni Fiona, nag iingat sila kahit na sila lamang dalawa ang nasa loob ng kwarto ni Elijah.

Hindi makapaniwala si Fernanda sa naisip na plano ng kaniyang anak, alam niyang masama ang ugali niya pero hindi niya inaasahan na mas masama pa ang ugali ni Fiona kaysa sa kaniya. Nagmana talaga sa kaniya ang kaniyang anak, tuso ito at hindi nagpapatalo.

Kaya nagulat siya nang sabihin ninto ang balak niya kay Elijah, nais niyang hindi na magising pa ang fated mate niya at mahulog na lamang ito sa pang habang buhay na coma dahil sa drugs na pinabili niya pa kay Aljern.

Revenge of a RejectedWhere stories live. Discover now