"Anong gusto mong palabasin?" Tanong naman ni Calisto, nakahalukipkip siya habang nakasandal sa upuan at nakatingin nang seryoso kay Damian.

"Ang gusto kong sabihin ay hindi na safe si Elara sa pack na 'to," mariin ding sagot ni Damian at nilakasan ang loob niya na tignan nang diretsyo si Calisto.

"Sobrang daming pinagdaanan ni Elara nung wala ka, hindi mo alam kung sinu-sino ang nanloko at nanakit sa kaniya," dagdag pa ni Damian, itinuwid niya ang kaninang nakayuko niyang likod at tumingin nang diretsyo kay Calisto.

"Ang Nightraven na ang bagong bahay ni Elara, doon mahal siya ng pack members niya ay itinuturing siya na luna. Kung ayaw mo maniwala ay pwede kang sumama sa amin at pagmasdan mo kung gano kasaya ang anak mo sa pack na 'yun," sagot ni Damian, ito na lang ang natatangging paraan niya para makuha nang maayos si Elara sa pack na 'to, dahil kung hindi papayag si Calisto ay baka gumamit na siya ng dahas para lang makuha si Elara sa Forestheart.

"Mahal naming dalawa ni Emely ang Forestheart pack, dito kami unang nagkakilala at dito rin namin binuo ang mga pangarap naming dalawa. Nangako ako kay Emely na poprotektahan ko ang pack na 'to kasama ng aming anak, dito nahihimlay ang labi mi Emely kaya hindi ko magawang iwan ang pack na 'to," paliwanag ni Calisto dahil nais niya rin na dito manatili si Elara katulad ng pagnanais ng kaniyang ina.

"Pero kung hindi na safe para ky Elara ang lugar na 'to, wala na akong magagawa kundi ipaubaya sayo ang pagbabantay sa anak ko," tugon ni Calisto. Tumayo siya sa pagkakaupo at may kinuha sa bag niya, isa itong bote ng medecine, ang suppressant drugs ni Elara.

Inilapag niya ito sa ibabaw ng mesa at tinulak papalapit kay Damian. Nagtaka si Damian sa kung anong gamot ang nakalagay sa isang clear na bote at walang label.

"Para saan ba 'to? Sa pagkakaalam ko ay walang iniinum na gamot si Elara at okay naman siya this past few weeks," sagot ni Damian at kinuha ang bote saka tinignan ang laman nitong gamot.

"Suppressant drugs," mahinang sagot nj Calisto. Tumaas ang isang kilay ni Damian sa pagtataka, hindi alam kung anong kinalaman ng suppressant drugs sa kalagayan ni Elara.

"Bakit kailangan niya mag suppressant drugs kung wala naman siyang wolf?" Tanong ni Damian, nakita niyang seryoso lang na nakatingin sa kaniya si Calisto.

Biglang kinutuban si Damian, isa-isa niya nang napagtatagpi-tagpi ang mga nangyayari at report na binibigay sa kaniya ni Calix.

"Base sa reaction mo, mukhang nag ba-background check ka rin sa anak ko. Ngayon na alam mo na ang totoo, may tanong ulit ako sa'yo," tanong ni Calisto, tumayo siya sa pagkakaupo at lumakad papunta kay Damian.

"Kakayanin mo bang pigilan si Elara kapag nagising ang wolf niya? Maipapangako mo ba sa akin na hindi siya makakapatay o mamatay dahil sa kapangyarihan niya?" Tanong ni Calisto na nagdulot ng matinding kaba sa dibdib ni Damian.

"Maraming naghahanap sa mga Lerian hindi dahil sa gusto nilang makuha ang mga lakas ninto, kundi nais nilang maubos ang lahi ng mga ito dahil sa nakakatakot nilang lakas, kaya tatanungin ulit kita Alpha Damian, kakayanin mo bang pigilan ang wolf ni Elara?" Nang marinig ni Damian ang katotohanan ay napalunok siya, alam niya at matagal niya nang pinag-aaralan ang mga Lerian pero hindi niya alam na totoo ang history na bumabalot sa angkan ng mag werewolves na 'yun.

"Hindi lang sarili ni Elara ang pwede niyang masaktan kapag nagising ang wolf niya, kundi pari ang members ng pack ng Nightraven," sagot ni Calisto saka tinukod ang kaniyang kamay sa lamesa.

"Kakayanin mo ba? Matatanggap ba ng pack members mo ang sinumpang angkan ng mga Lerian?" Tanong ni Calisto na lalong nagdulot ng bagabag sa utak ni Damian.

Pero matagal niya na itong pinaghahandaan, matagal niya nang inaalam kung ano ba talaga ang sakit ni Elara, naghahanap siya ng lunas dito at nung mapagtanto niya na dahil ito sa pinagmulan ni Elara ay unti-unti niya nang hinanda ang sarili niya sa outcome.

Revenge of a RejectedWhere stories live. Discover now