"Anong ginagawa mo rito? Hindi ka pa ba nakuntento na nakabalik ka na sa pack? Gusto mo pa kunin ang Alpha ng stepsister mo?" Tanong ni Fernanda, hindi na ninto tinatago ang tunay nitong ugali sa harap ni Elara.

"Sorry, pero hindi naman ako ang may gusto ninto. Try niyo kaya pigilan ang Alpha niyo dahil nakakaistorbo siya sa masayang buhay ko sa Nightraven," mariin na sagot ni Elara, hindi niya na rin itinago pa ang galit niya sa stepmother niya.

"And fyi, hindi ako ang mang-aagaw dito dear mother. Ang anak mo ang umagaw ng Alpha ko, tandaan niyo, ako ang unang pinili," sagot ni Elara at nilagpasan si Fernanda. Daredaretsyo siya naglakad papunta sa opisina ni Elijah at naiwan doon si Fernanda na galit na galit.

"Tignan na'tin kung makakasagot ka pa sa akin, kapag ako na mismo ang pumutol sa matabil mong dila," bulong ni Fernanda habang nakayukom ang kaniyang mga kamay dahil sa panggigigil at galit.

Huminto si Elara sa tapat ng pinto ng opisina ni Elijah, hindi pa man siya nakakakatok ay pinagbuksan na siya ng pinto ninto. "Elara, kanina pa kita iniintay," sagot ni Elijah.

"Ano bang kailangna mong sabihin?" Direktang tanong ni Elara, ayaw niya na magpasikot-sikot pa. Gusto niya na lang umalis sa loob ng opisina ni Elijah at bumalik na sa Nightraven.

"Maupo ka muna," pag-aaya ni Elijah at ginawa naman ito ni Elara. Hindi napansin ni Elara na ni lock na ni Elijah ang pinto sa likuran niya. Wala siyang kaalam-alam sa binabalak ninto gawin sa kaniya.

"Pwede ba diretsyuhin mo na ako, anong kailangan mo sa akin? Matagal na tayong tapos hindi ba?" Tanong ni Elara, hindi niya kayang tignan ng matagal si Elijah dahil parang babalik ang sikmura niya tuwing nakikita niya ang mukha ninto.

"Bakit mo ko iniwan? Bakit mo ko pinagpalit?" Tanong ni Elijah kaya hindi maiwasan ni Elara na mapatawa sa mga walang kwentang tanong na iyon.

"Ako ba talaga ang unang gumawa ng bagay na iyon? Ako pa talaga ang tinatanong mo ng tanong na 'yan?" Tanong ni Elara, hindi siya makapaniwala na babaliktarin pa siya ni Elijah. Hindi niya hahayaan na ma gaslight siya ng ex niya, dahil alam niya na ang mangyayari at kilala niya na ang tunay na ugali ni Elijah.

"Hindi naman kita iniwan kahit kilala ko na ang fated mate ko, Elara. Ikaw pa rin ang balak kong piliin," sagot ni Elijah, nanatili pa rin itong matigas sa paniniwala niya.

"Hanggang kailan? Hanggang kailan mo lolokohin ang sarili mo na ako ang pipiliin mo? Alam kong natapakan ko lang 'yang ego mo kaya hindi mo ko mabitaw-bitawan, kasi naunahan kita, naunahan kitang bumitaw sa relasyon nating dalawa," sagot ni Elara.

Napayuko si Elijah, tinatago niya ang inis niya at pagnanais niyang saktan si Elara. Nais niyang idaan sa maayos na usapan ito at nagbabakasakali na makukuha niya pa ang loob ni Elara pero mukhang nabilog na ni Damian ang utak ng chosen mate niya.

"Aminado ako na attracted ako kay Fiona, dahil fated mate ko siya. Pero hindi ko mahanap sa kaniya 'yung magmamahal na nahanap ko sa'yo," sagot ni Elijah at kitang kita ni Elara ang pagsisisi sa mga mata ni Elijah.

Nakaramdam ng kirot si Elara sa kaniyang dibdib, bumabalik na naman 'yung sakit ng ginawang panloloko sa kaniya ni Elijah at Fiona. "Pasensya ka na Elijah, pero si Damian na ang Alpha ko at pipiliin ko," sagot ni Elara at tumayo na sa pagkakaupo dahil ayaw niya ng pahabain pa ang usapan na ito, pero bago pa niya maabot ang doorknob ay niyakap siya ni Elijah mula sa kaniyang likuran.

"Ano bang nagustuhan sa lalakig iyon!? Bastardo anak siya, utusan ng emperor at hindi niya maibibigay ang gusto mo. Ako ang makakapagbigay ng mga bagay na iyon, alam ko na ako lang ang kaya mong mahalin Elara," sagot ni Elijah habang mahigpit na yakap si Elara.

Revenge of a RejectedWhere stories live. Discover now