Habang nakikilala niya kasi si Damian ay hindi niya mapigilan ang sarili niya na humanga sa Alpha, hindi niya maitatanggi na mali ang naging tingin niya kay Damian noon. Akala niya ay sakit sa ulo at black sheep ng pamilyang Reed si Damian pero ang totoo niyan ay si Damian pa nga ang may pinaka mabuting kalooban sa kanila.

Selfless, to the point na ayos lang kay Damian na gamitin siya ni Elara sa mga plano niya.

"Bakit hindi mo ako masagot Damian?" Tanong ni Elara dahil katahimikan lang ang naging tugon ni Damian sa kaniya. Napangiti nang mapait si Elara at inalis ang pagkakahawak ni Damian sa kaniyang bewang.

"Mauna na ako," ngumiti lamang si Elara kay Damian pero si Damian ay hindi makatingin kay Elara, hindi masabi kung ano ang dahilan ng hindi niya pa rin pagmamarka sa mate niya.

Lumabas na ng opisina si Elara at sinarado ang pinto, sa paglalakad niya sa hallway ay nakasalubong niya si Lilian. "Magandang hapon," bati sa kaniya ni Lilian at tila ba ang saya-saya ng mga ngiti ninto.

"Magandang hapon," walang buhay na bati ni Elara at hindi na pinansin pa si Lilian dahil alam niya naman na papasok ito sa opsina ni Damian.

Pagpasok ni Lilian sa opisina ay nakita niyang nakatingin si Damian sa labas ng bintana kung saan tanaw ang pack village, palubog na ang araw at kumakalat ang kulay kahel sa langit pati na rin sa loob ng silid.

"Ang lalim ata ng iniisip mo, Alpha?" Tanong ni Lilian at binaba ang report papers sa table ni Damian.

"Kailangan ko na kasi bilisan ang paghahanap ng solusyon sa kundisyon ni Elara, ayokong maramdaman niyang hindi ko siya gusto maging luna ko," sagot ni Damian at hindi niya nakikita ang pagkunot ng noo ni Lilian sa kaniyang likuran.

"Kailangan ba na si Elara talaga ang maging mate mo? Pwede mo naman siya i-reject, siguro naman ay bibigyan ka pa rin ng moon goddess ng ibang fated mate o kahit ikaw na mismo ang pumili," sagot ni Lilian, nais niyang i-consider ni Damian ang pagiging available niya sa posisyon na iyon.

"Ayoko Lilian, alam mo naman siguro kung gano ko inintay ang pagkakataon na 'to, abot kamay ko na siya at marka na lamang naming dalawa ang kulang para matali ko na siya sa akin. Pero hindi ko magawa, dahil hindi ko alam kung anong mangyayari sa kaniya," sagot ni Damian, umupo si Lilian sa couch at sinandal ang likdo at ulo niya sa sandalan ninto.

Nakatitig siya sa kisame, iniisip kung pano niya makukuha si Damian kung ganito ito kapursigido sa gusto niya mangyari. 

"Alam mo, pinapahirapan mo lang ang sarili mo." Hindi na napigilan ni Lilian na mapikon kay Damian at sa pagbabaliwala ninto sa matagal niya nang nararamdaman.

"Anong gusto mo? Humanap ako ng iba tapos ano? Hindi ko naman siya mahal? Para ko lang niloko ang sarili ko," sagot ni Damian at malalim naman nagbuntong hininga si Lilian saka tumayo sa pagkakaupo.

"Kung hindi ba binigay sa'yo si Elara ay kukunin mo siya sa fated mate niya?" Tanong ni Lilian, gusto niya lang makasigurado kung may laban pa ba siya  sa puso ni Damian, dahil sa laban na ito ay hindi pala si Elara ang magiging kalaban niya, kundi si Damian mismo.

"Oo, lahat ay gagawin ko para makuha ko siya," mariin na sagot ni Damian at napaismid na lamang si Lilian, napapailing dahil bakit ba siya nahuhlog sa isang lalaking patay na patay kay Elara?

*tok tok*

Napalingon ang dalawa sa pinto, alam ni Damian na si Calix ang nasa likod ninto, "Pasok Calix," sagot ni Damian at pumasok naman si Calix na mukhang pagod na pagod sa byahe.

"Iwan mo muna kami Lilian," utos ni Damian at wala naman nagawa si Lilian dahil utos ito ng kanilang Alpha, lumabas siya sa opisina kahit gustong gusto niyang marinig ang pag-uusapan ng dalawa dahil alam niya na maaring tungkol na ito sa kondisyon ni Elara.

Kahit unting inpormasyon lang sana ay nais marinig ni Lilian dahil alam niyang magagamit niya ito laban kay Elara, pero maingat si Damian sa mga impormasyon na binibigay niya, maingat ito pagdating sa kondisyon ng luna niya.

"Kamusta? Ang aga mo naman ata umuwi?" Tanong ni Damian dahil akala niya ay sa susunod na araw pa makakauwi si Calix.

"May nakuha na akong impormasyon, at kailangan kong umalis kaagad dahil manganganib ang buhay ko roon kung hindi pa ako aalis," tugon ni Calix, alam niya ang panganib na kapalit ng impormasyon na dala niya kaya namadali siyang umuwi dahil kailangan niya ito masabi ng personal sa kaniyang Alpha.

"Bakit? May iba pa bang naghahanap ng pinapahanap ko sa'yo?" Tanong ni Damian, at tumango naman si Calix.

"Oo, isang bampira." Nang sabihin ni Calix iyon ay lalong nagtaka si Damian, alam niyang malaking bagay ito kung may iba pang lahi ang nakikisali sa problema nila.

"Kilala mo ba? Nalaman niya bang hinahanap mo rin ang angkan ng mga Lerian?" Tanong ni Damian at umiling si Calix.

"Hindi ako sigurado kung sino siya, pero base sa galaw niya at sa mga koneksyon niya alam kong  makapangyarihan siya. Alam ko rin na alam niyang pareho kami ng punta sa Majiro para maghanap ng inpormasyon, at hinayaan niya akong makaalis pero alam kong hinayaan niya ako dahil minamaliit niya ang kakayahan ko, at ramdam ko 'yun, ramdam ko na wala akong laban sa kaniya," paliwanag ni Calix.

Alam ni Damian na malakas ang beta niya, kaya nga ninto matalo ang kapatid niyang si Elijah, pero kung si Calix na mismo ang nagsasabi na malakas ang bampirang nakaenkwentro niya ay kailangan na nila mag ingat.

"Hinayaan ka niya makatakas, ibig sabihin lang nun mas marami din siyang nalalaman sa atin. Anong report mo? Sabihin mo sa akin," tugon ni Damian at tumango si Calix saka sinabi lahat ng mga nahanap niya tungkol sa mga Lerian at ang angkan ni Elara.

❦❦❦

Samantala, nakauwi na si Calisto sa Forestheart pack. Agad siyang dumaretsyo sa pack house para mag report at sinalubong siya ni Fernanda sa entrance ng main house na kaniyang kinagulat.

"Fernanda? Anong ginagawa mo rito?" Nagtatakang tanong ni Calisto sa chosen mate niya, nakabihis ito ng mamahaling damit at nakasuot ng mga alahas, malayo sa simple na imahe ni Fernanda tuwing umuuwi siya ng bahay nila galing sa misyon.

"Dito na tayo titira Calisto," sagot naman ni Fernanda kaya lalong nagtaka si Calisto sa mga nangyayari.

"Paano? Minarkahan na ba ni Elijah si Eara?" Tanong ni Calisto dahil iyon lang ang nag iisang alam niyang dahilan para palipatina ng mag-anak niya sa main house.

"Hahaha, nagpapatawa ka naman sweetie. Hindi si Elara, kundi ang anak natin na si Fiona ang naging luna ng pack natin," sagot ni Fernanda habang natatawa at naawa sa itsura ng chosen mate niya.

Nanlumo si Calisto, hindi niya alam kung ano ang nangyari pero nang marinig niya ang balita ay agad niyang hinanap ang kaniyang anak na si Elara. Alam niya kung gano kamahal ni Elara si Elijah tapos ngayon malalaman niyang si Fiona ang pinili ninto?

"Nasaan si Elara?" Tanong ni Calisto pero hindi siya sinagot ni Fernanda.

"Nasaan si Elara!" Hiniyawan siya ni Calisto sa unang pagkakataon kaya walang nagawa si Fernanda kung hindi mapaurong ng hakbang palayo sa chosen mate niya.

"Anong kaguluhan ito?" Napalingon silang dalawa sa pagdating ni Elijah at Fiona. Nakakatawag na rin sila ng pansin sa loob ng pack house dahil sa pagtataas ng boses ni Calisto.

"Alpha Elijah, anong ibig sabihin ninto? Nasaan ang anak kong si Elara?" Tanong ni Calisto, gulong gulo pa rin siya sa mga nangyayari pero malinaw sa kaniya na minarkahan na nga ni Elijah at Fiona ang isa't isa dahil ramdam niya ang pagbabago sa lakas ni Elijah at ang wolf ni Fiona.

"Iyan ba ang unang isasalubong mo sa amin, Dad? Hindi mo man lang ba ako maiku-congratulate? Ganap na kong lycan at Luna ng pack na 'to, tapos ang una mong gagawin ay mag iskandalo sa harap ng pack house?" Mataray na tanong ni Fiona kay Calisto.

Ramdam ni Calisto ang pagmamaliit ni Fiona sa mga mata ninto, para siyang nakaharap sa anak niya ngunit hindi niya ito kilala. Dahil ang layo ng ugali na pinapakita ni Fiona at Fernanda sa harapan niya.

"Uulitin ko ang tanong ko, nasaan si Elara?"


TO BE CONTINUED

Revenge of a RejectedWhere stories live. Discover now