Pero hindi na iyon sinabi ni Melody sa best friend niya, kahit alam niyang nakalaya na si Elara sa chosen bond nila ni Elijah ay iniisip niya pa rin protektahan ang puso ni Elara dahil alam niyang tunay na minahal ng best friend niya si Elijah.

"Alam mo parang mahihirapan na kong kunin ang mark ni Damian, alam mo bang sikat pala siya sa buong Summergrave? Nakakahiya, madalas ko pa naman siya awayin tapos malaman-laman ko heneral pala siya," nahihiyang sabi ni Elara sabay takip ng kaniyang mukha dahil ngayon nyia lang na pagtanto na dapat nga siya ang manunuyo kay Damian dahil kapangyarihan na hawak ninto.

"Hahaha, ayos lang 'yun bestie. Kaya ka naman nagustuhan ni Damian noon pa dahil ganiyan ang ugali mo," sagot ni Melody na kinagulat ni Elara. Kumunot ang noo ni Elara at lumapit sa mukha ni Melody na siyang pinagtaka naman ni Melody dahil base sa reaction ni Elara ay para itong nakarinig ng horror story.

"Youre' telling me na noon pa ako gusto ni Damian?" Gulat na gulat na tanong ni Elara dahil pano siya magugustuhan ni Damian noon pa eh mortal nga silang magkaaway.

"Ah... ano," nagdadalawang isip si Melody kung sasabihin niya ba ang totoo, hindi niya alam kung may karapatan ba siyang pangunahan si Damian pero na pu-frustrate siya kasi hindi pa gumagawa ng paraan si Damian para makuha ang best friend niya.

Gustong gusto na mamakialam ni melody dahil naiinis na siyang makita ang dalawa na hindi pa rin mag on. Gusto niyang sabihin kay Elara na noon pa man ay pangarap na siya ni Damian, naglaan pa na si Damian ng kwarto ni Elara kahit hindi naman siya sigurado na makukuha niya si Elara kay Elijah, at kahit noon pa man na hindi pa alam ni Damian at Elara na fated mate sila ay gustong gusto na ni Damian si Elara na pati ata ang Moon Goddess ay naumay na sa hiling ni Damian na ibigay sa kaniya si Elara.

Pero pano niya ipapaliwanag ito kay Elara? Kung walang ginagawa si Damian kung hindi awayin ang best friend niya?

"Mel? May kailangan ba kong malaman?" Tanong ni Elara kaya tumingin na lamang si Melody sa kaniyang balikat para makaiwas ng tingin kay Elara.

"Ha? Wa-wala..." kinakabahan na sagot ni Melody. Napipikon siya sa Alpha dahil napaka torpe ninto!

"Basta ang sinasabi ko lang ay siguraduhin mong makukuha mo ang mark ni Alpha Damian at ikaw rin siguraduhin mong mamarkha mo siya," sagot ni Melody.

"Pano ko siya mamarkahan eh hindi niya nga kagaya ang mga ngipin ko, parang ngipin lang ito ng normal na tao," sagot ni Elara dahil para sa kanilang mga werewolves, importante ang mahahaba nilang mga ngipin at kuko.

"Hindi ko rin alam bestie, pero sa totoo lang naamoy ko na 'yung scent mo. Parang tumatapang 'yung scent mo hindi katulad noon na parang wala ka talagang scent. Miske kakina nung makasalubong ko si Alpha Damian ay amoy na amoy ko ang scent mo sa kaniya," paliwanag ni Melody dahil nakakapagtaka talaga ang bagay na iyon.

"Hindi kaya dahil nakakasama ko na ang Alpha ko kaya nagigising na ang wolf sa katawan ko? Tingin mo imposible 'yun?" Excited na tanong ni Elara pero wala pang ganoong case sa kanilang mga lycans.

"Hindi ko rin sure bestie, pero one thing for sure, may nag babago sa'yo," sagot ni Melody dahil pansin niya rin na hindi pa nagkakasakit si Elara hindi katulad noon.

Noon lumabas lang ng bahay at mapagod ng kaunti si Elara ay nagkakasakit na ito at hindi na makalabas ng isang buwan, samantalang ngayon ay tatlong araw itong byumahe at nag ikot sa iba't ibang parte ng Summergrave pero umuwi itong masigla at walang kahit anong nararamdaman sa kaniyang katawan.

Parehonh nagtataka sina Elara at Melody sa magandang pagbabago sa katawan ni Elara, iniisip na baka dulot ito ng fated bond ni Elara at Damian.

"Makipag-sex ka lang nang makipag-sex kay Alpha Damian baka nga magising ang wolf mo," sagot ni Melody kaya muling namula ang mga pisngi ni Elara dahil sa hiya.

"Apaka bulgar talaga ng bibig mo!"

❦❦❦

"Ginamit mo na naman ba ang credit card ko?!" Galit na hiyaw ni Elijah dahil ilang beses nang hindi nagpaalam si Fiona sa paggamit ng pera niya para bumili ng wala namang mga kwentang bagay.

"Ano naman ngayon? Ayaw mo nun, kalat na sa buong pack kung gano mo ako ini-spoil, tingin nila sa'yo ay isang sweet at caring na mate at Alpha sa kaniyang luna," sarkastikong sagot ni Fiona habang sinusukat ang gold string dress na nakita niyang suot ni Elara sa isang article online.

Nagngitngit lalo ang mga pangil ni Elijah dahil sa inis, ang pera na iyon ay tinabi niya para sa darating na event na kailangan paghandaan ng pack nila, hindi pa tumatagal ng isang buwan si Fiona sa pagiging Luna niya naubos na agad ninto ang allowance niya.

"Pwede ba kung hindi katitigil ay sisilaban ko lahat ng gamit mo sa loob ng kwartong 'to," iritableng sagot ni Elijah kaya sumama ang timpla ng mukha ni Fiona.

"Sige gawin mo, sasabihin ko rin sa pack members mo na hanggang ngayon ay patay na patay ka pa rin sa wolfless na omegang 'yun!" Iritableng sagot ni Fiona, kailangan niyang hinaan ang boses niya dahil mabilis lang silang maririnig ng ibang pack members nila.

"Alam mo, mabuti pa ngang gawin mo 'yun. Mas mabuti pa siguro na si Elara na lang ang pinili ko kaysa sa'yo," bulong naman ni Elijah sabay kuha ng bag ni Fiona at kinalkal ang laman ninto para mahanap ang credit card niya.

"Iba-block ko ang pangalan mo sa lahat ng cards ko para hindi ka na makagastos, at isa pa, hindi bagay sa'yo ang gold dress na 'yan," mariin na komento ni Elijah saka lumabas ng pinto ng kanilang kwarto ni Fiona.

Malakas niyang narinig ang pagbabasag at pagdadabog ni Fiona sa loob ng kwarto pagkalabas na pagkalabas pa lamang nila. Hindi akalain ni Elijah na ganito ang tunay na ugali ng fated mate niya, pagtapos niyang markahan si Fiona ay pinakita na ninto ang tunay niyang ugali at ginawa ang mga gusto niyang gawin.

Nakatali na siya kay Fiona at wala na silang takas sa isa't isa, habang buhay na siyang magtitiis na pakisamahan ang luna niya at iyon ang malaking bagay na pinagsisihan niya.

"Ni hindi na ako na sa-satisfy sa kaniya," bulong ni Elijah dahil kapag nakikita niya ang mukha ni Fiona ay hindi niya na magawang patayuin ang alaga niya, pero kapag naiisip niya ang mukha ni Elara ay nanunumbalik ang pagnanasa niya.

Isang malaking responsibilidad sa kanilang mga lycans ang magkaroon ng maraming pup, at palawakin pa ang kanilang lahi dahil man power ang pinaka sentro ng lakas nila. Pero pano siya makakapagbigay ng anak kung hindi niya magawang yakapin man lang si Fiona nang hindi niya iniisip na ang kayakap niya ay si Elara?

Minsan ay sinusumpa niya na ang moon goddess dahil bakit hindi na lang ninto binigay sa kaniya si Elara at binigay pa ito sa step brother niya. Halos lahat ng nais niya ay napunta kay Damian, lahat ng pinapangarap niya ay natamo na ninto, at habang pinapanood niya ang awarding ceremony ni Damian ay para siyang inaapakan ninto at pinapamukha lahat ng ginawa ng mga Reed sa Ashford.

"Pero alam ko na hindi niya pa minamarkahan si Elara, at kung dahil ito sa pagiging wolfless ni Elara ay malaki siyang tanga," bulong ni Elijah habang samo't saring idea ang pumapasok sa isipan niya.

Iniisip niya na pano kung payagan siya ng moon goddess na magkaroon ng dalawang mate? Pano kung maaari niya pang agawin kay Damian si Elara? Alam niyang hindi niya na pwedeng i-reject si Fiona pero pwede niya pang maagaw pabalik sa kaniya si Elara.

"Hindi pa huli ang lahat, babawiin ko kung ano ang akin."


TO BE CONTINUED

Revenge of a RejectedWhere stories live. Discover now