"Anong nakaka-enjoy d'yan?" Tanong ni Damian pagtapos makita ang listahan ng gastusin ng pack sa isang buwan.

"Ito, 'yung pagtatrabaho," inosenteng sagot naman ni Elara at napangiti si Damian dahil sa sagot niya. Alam naman ni Damian na hindi dinanas ni Elara ang normal na buhay ng isang lycan at paniguradong ito ang unang normal na trabaho na ginawa ni Elara para sa pack.

"Hahaha, aasahan ko na hindi ka magrereklamo sa mga susunod na taon pa ng pagtatrabaho mo ah. Sa umpisa lang nakaka-enjoy ang pagtatrabaho," biro ni Damian at natawa naman si Elara.

Napangiti si Elara dahil naisip ni Damian na may susunod pang taon na magkakasama sila. Dahil para kay Elara ay hindi niya naiisip ang hinahanap o ang kinabukasan niya.

Hindi niya nga alam kung aabot pa siya ng isang taon, hindi niya alam kung buhay pa rin siya kapag dumating na 'yung araw ng kamatayan niya sa hinaharap.

"Nginingiti-ngiti mo d'yan?" Tanong ni Damian habang nakasandal sa lamesa ni Elara, nakaupo siya habang nakacross arms at nakatingin kay Elara.

"Wala lang, naisip ko lang na ano kayang pakiramdam ng magtagal sa trabaho? Ano kayang pakiramdam ng maging normal na lycan kagaya niyong lahat," sagot ni Elara at nakaramdam ng lungkot si Damian sa mga salitang iyon.

"Bakit mo iniisip 'yan? Eh, nararanasan mo na naman 'yan ngayon? Normal ka namang Lycan," sagot ni Damian, iniisip niya na baka pinaghihinaan si Elara dahil sa wolfless siya.

Nagbuntong hininga si Elara sabay bitaw sa keyboard at sandal sa office chair niya. "Hindi ko kaya alam kung ilang taon na lang ang itatagal ng buhay ko, kung kailan ulit mag flare up 'yung sakit ko o kung kailan lang ako tatanggapin ng pack na 'to, wala kasing permanente sa mundo Damian, ang permanente lang dito ay ang pagbabag," sagot ni Elara at ramdam ni Damian kung gano kalalim ang sugat na naranasan ni Elara sa pananakit ni Elijah at ng stepsister at stepmother niya.

"Alam mo naman pala walang permanente, so bakit hindi mo enjoyin 'yung bawat minuto ng masaya ka?" Tanong ni Damian sabay tayo at lakad papunta sa pantry ng opisina niya.

"Wag mo isipin 'yung mangyayari sa hinaharap, nabubuhay ka sa present kaya dapat live in the moment," dagdag pa ni Damian. Nagpalulo siya ng tubig at sinalin ito sa baso, nagtimpla siya ng hot chocolate na paborito ni Elara.

Inabot niya ito kay Elara, kinuha ito ni Elara at nakitang hot chocolate ang tinimpla sa kaniya ni Damian at hindi kape.

"Alam mo bang favorite ko ang hot choco?" Tanong ni Elara habang nakangiti at nakatingin sa hawak niyang mug.

"Aba malay ko, alangan naman alamin ko ang mga gusto at ayaw mo." Sagot ni Damian pero ang totoo niyan ay inaalam niya talaga ang bawat gusto at ayaw ni Elara para magustuhan siya ng kaniyanb luna.

"Hahaha, nakakatuwa lang akala ko kape ang ititimpla mo sa akin para hindi tayo antukin sa trabaho," sagot ni Elara at napangiti na lang si Damian.

"Dapat nga ikaw ang nagtitimpla ng kape ko kasi ako ang boss mo," sagot ni Damian at doon lang na pagtanto ni Elara na tama si Damian, isa pa hindi niya pa nasasagawa ang plano niya.

"Hayaan mo kong bumawi sa'yo, gusto mo bang i-massage ko ang balikat mo, Alpha Damian?" Tanong ni Elara.

Tinignan siya ni Damian at alam ni Damian na may binabalak na naman si Elara. Tuwing tatawagin kasi siya ninto ng Alpha Damian ay may nais itong gawin o may binabalak sa kaniya.

"Ano na naman 'yang binabalak mo? Sisimulan mo na ba ang plano mo para akitin ako?" Tanong ni Damian kaya pilit na ngumingiti si Elara dahil lagi na lang siya pinipikon ng lalaking ito.

"Ikaw na rin ang nagsabi, na ako ang kailangan gumawa ng paraan para markahan mo ako. Kaya ba hindi mo pa rin ako minamarkahan nung unang beses na nag sex tayo?" Tanong ni Elara, tumayo siya sa kaniyang upuan at lumapit kay Damian.

Revenge of a RejectedWhere stories live. Discover now