"Bwisit, gusto ko tuloy silang gutumin para makaganti ako sa kanila," bulong ni Elara sa kaniyang sarili at kinain na ang caramel apple cinnamon rolls na nasa harapan niya.

Pagkagat niya pa lang ninto ay para na 'tong natutunaw sa kaniyang bibig, napapapadyak pa siya sa saya dahil sa sarap ng kaniyang kinakain.

"Next time ipapatikim ko 'to kay Dad," saad ni Elara at doon lang pumasok sa kaniyang isip ang kaniyang ama na si Calisto.

Simula nang dumating siya sa Nightraven pack ay hindi niya pa nakakausap o na me-message ang kaniyang ama, hindi rin siya nakakatanggap ng ano mang tawag o message mula kay Calisto kaya agad niyang tinext ito.

Nagsabi lang siya na nasa mabuti siyang kalagayan at nasa ibang pack na siya kasama ni Melody, humingi rin siya ng patawad dahil alam niyang mahal ng kaniyang ama ang Forestheart pack dahil dito sila nagkakilala ng kaniyang ina, pero hindi talaga makatagal si Elara doon kaya sinabi niya rin ang mga bagay na ginawa sa kaniya ni Elijah at Fiona, para payagan siya ng kaniyang ama na lumipat sa Nightraven.

"Sure ako na maiintindihan ni Dad ang desisyon ko," bulong ni Elara at muling bumalik sa kaniyang kinakain.

Sa lumipas na mga araw ay unti-unti na nakakapag-adjust si Elara sa bagong pack na kinaaniban niya, masaya naman siya rito at pansin niya na tanggap siya ng bawat members ninto.

Lumipas na rin ang tatlong araw ng pag-aaral niya kasama si Calix, nung una ay nahirapan siya at nagulat sa dami ng trabaho na hawak ni Damian pero unti-unti na rin siyang nasasanay kaya mas napapadali nila ang trabaho ng isa't isa.

Natatawa nga siya sa duo ng Alpha at Beta  nila, dahil kung gano ka kulit at pilyo ni Damian, iyon naman ang kinatahimik at kinakalma ni Calix. Tuwing makikita niya ang dalawa ay natatawa siya at hindi niya maiwasan napapangiti lalo na kapag ayaw na magtrabaho ni Damian at gusto na lang siyang landiin.

"Hays," napabuntong hininga si Elara nang pumasok na naman sa utak niya ang araw-araw na pang bubwisit sa kaniya ni Damian. Walang lumipas na araw na hindi siya inaasar ng lalaking iyon, parang malapit na nga rin siyang maging immune at sumunod sa pagiging tahimik ni Calix.

Tumayo na si Elara at napunta sa dressing room niya, pumili siya ng simpleng damit na aayon sa trabaho niya dahil ngayon ay marami pa siyang re-review-hin na dukumento.

Habang sinusullay niya ang maitim at mahaba niyang buhok ay muli siyang napatingin sa kaniyang mga berdeng mata. Katulad ng napansin niya noon ay nagbago nga ito ay mas naging matingkad.

"Hindi kaya dahil sa second life ko na 'to?" Tanong ni Elara at iniisip na baka dahil ito sa nangyari sa kaniya at sa second chance na binigay sa kaniya ng moon goddess.

Walang sino mang nakakaalam ng nangyari sa kaniya, wala siyang pinagsasabihan ng bagay na iyon miske si Calisto o si Melody na pinaka malapit sa kaniya. Iniisip niya kung malalaman ba ni Damian ang totoo kapag na markahan na siya ninto, at ang tanong kailan pa siya mamarkahan ni Damian?

Sa totoo niyan ay hindi pa alam ni Elara kung tatanggapin ba niya ang pagiging fated mate ni Damian, pero isa lang ang alam niya at sigurado siya, kailangan niya si Damian sa mga plano niya.

Lalo na ngayon na alam niyang magiging Luna na si Fiona ng Forestheart pack sa mga susunod na araw dahil malapit na ang kaarawan ninto at pinamamadali na rin ni Esmeralda ang pagmamarka ni Elijah kay Fiona.

Mukhang pinipilit na nila si Elijah na kunin at itali si Fiona, pero mukhang kabaliktaran iyon dahil paniguradong si Elijah ang matatali sa mga kamay ni Fiona at kapag nangyari ang bagay na iyon ay mas magkkaroon ng kapangyarihan si Fiona laban kay Elara.

"Uunahan na kita, ayoko na ikaw lang ang magiging luna," bulong ni Elara habang nakatingin siya sa repleksyon niya sa salamin, dahil ang nakikita niya pa rin sa kaniyang harapan ay ang dating siya, ang Elara na mahina at uto-uto.

"Mawawala ka rin sa paningin ko," bulong niya at tali ng kaniyang mahabang buhok.

Lumabas siya sa kaniyang kwarto at dumaretsyo sa opisina ni Damian, sinigurado ni Elara na nakabukas ang tatlong butones ng kaniyang puting polo bago siya kumatok sa pintuan.

"Alpha Damian, si Elara ito," tugon ni Elara ngunit walang nagbubukas ng pinto.

"Alpha Damian?" Tanong ni Elara at wala pa ring sumasagot kaya siya na ang nagbukas ng pinto at nakita niya si Damian na nakayuko sa lamesa, mukhang nanghihina at nahihirapan na huminga.

"Damian!" Napatakbo si Elara sa tabi ni Damian at hinawakan ang noo ninto, doon niya naramdaman ang nagbabagang temperatura ni Damian.

"Nilalagnat ka, sandali at tatawag ako ng doctor," sagot ni Elara pero agad siyang pinigilan ni Damian sa pag-alis. Hinawakan ni Damian ang kamay ni Elara at nakaramdam na naman siya ng kakaibang kuryente sa katawan niya.

"Arrrgh," impit ninto dahil pakiramdam ni Damian ay sasabog ang katawan niya dahil sa init.

"Ano bang nangyayari sa'yo? Bitawan mo ko at tatawag ako ng doctor," sagot ni Elara pero muling umiling si Damian.

"In rut ako," sagot ni Damian kaya parang nabingi si Elara nang marinig ang salitang na iyon.  Dahil papano naging in rut si Damian kung isa siyang Alpha? Isa pa madalas na nangyayari ito kapag in heat naman ang omega na kagaya niya.

Tuwing isang taon ay anim na beses nagiging in heat ang mga omega, naglalabas sila ng pheromones na nakakatawag ng mga he-wolves para mag mate. Tinatawag itong mating season at ginagawa ito para patuloy na dumami ang bilang ng mga lycans at werewolves.

Pero ang pinagtataka ni Elara ay bakit apektado si Damian dito lalo na kung wolfless naman siya at hindi naglalabas ng pheromones?

"Pa-panong?" Nauutal pa si Elara habang litong-lito sa nangyayari. Ni isang beses ay hindi umakto ng ganito sa kaniya si Elijah, dahil nga wolfless siya at wala siyang she wolf na maglalabas ng scent para tawagin ang mating partner niya.

"Hi-hindi ko r-rin alam, aah— mababaliw na ata ako!" Nahihirapan na sagot ni Damian at hindi niya maiwasan na maakit kay Elara lalo na't binabalot ng scent ninto ang buong opisina niya.

Hindi ito nararamdaman ni Damian kanina, pero habang papalapit nang papalit si Elara sa opisina niya ay unti-unti nang nag iinit ang katawan niya.

Miske siya ay nagulat dahil sa scent na namoy niya, sobrang layo ng opisina niya sa kwarto ni Elara pero pagkalabas pa lang ng kwarto ni Elara ay amoy na amoy niya na ang scent ninto na nagpapabaliw sa kaniya.

Hindi na kaagad siya nakatayo para kumuha ng suppressant drugs, gusto niya na kaagad sunggaban si Elara lalo na ngayon na nasa harap niya na 'to.

"Ku-kung ayaw mo ang ga-gagawin ko, tumakbo ka na," malalim ang hininga ni Damian at hirap na hirap siyang pigilan ang sarili niya sa pagnanais na angkinin si Elara.

"Pero..." nagdadalawang isip na sagot ni Elara.

"Baka pa-pagsisihan mo 'to, a-ayokong kamuhian mo ko," sagot ni Damian habang nakatitig sa mga berdeng mata ni Elara.

TO BE CONTINUED

AN:
Chapter warning ⚠️
Please do skip the next chapter if you're below eighteen! 🔞

Revenge of a RejectedWhere stories live. Discover now