"Hahaha, mukhang kinakabahan ka Elara? Don't worry kilala ko na 'yan si Calix, hindi niya ako lolokohin," sagot ni Damian at mabilis na pinirmahan ang mga kontrata at iba pang papeles.

"Hindi naman sa ganun," nahihiya na lang na sagot ni Elara.

'Alpha, anong ginagawa ng luna sa loob ng inyong opisina?' Tanong ni Calix sa pamamagitan ng mind link.

'Gusto niya magkaroon ng trabaho, sabi ko maging stripper na lang siya sa akin para matuwa ako,' tugon naman ni Damian kaya napabuntong hininga si Calix na siya naman napansin ni Elara.

Nahalata ni Elara na nag-uusap ang dalawa sa pamamagitan ng mind link, sanay na siya  sa ganitong senaryo at tumatahimik na lang siya at hindi na nagtatanong pa.

'Damian, Calix, mag-usap kayo sa personal, hindi iba si Elara sa atin, at huwag niyo ipamukha sa Luna na wolfless siya,' komento naman ni Xavier ang wolf ni Damian kaya agad na pinutol ng dalawa ang usapan sa mind link.

"Calix, ikaw na ang bahala magturo kay Elara ng mga dapat niyang gawin. Maglaan ka ng tatlong oras sa schedule mo para turuan siya," utos ni Damian at tumango naman si Calix.

"Aagahan ko na lang ang training ng mga wolves, pwede naman namin gawin ng madaling araw ang ilan sa mga trainings nila," sagot ni Calix kaya medyo nakokonsensya si Elara dahil kailngan pa ng iba mag adjust ng oras para sa kaniya.

"Hmm... hindi naman sa panghihimasok, pero pwede naman ako mag self lesson. Bigyan niyo lang ako ng topic at iba pang lesson at ako na mismo ang mag-aaral nun," sagot ni Elara kahit hindi siya ganong kabilib sa memory niya.

"Sigurado ka? Ayoko ng nagkakamali ka sa opisina ko," pananakot ni Damian habang pilyong nakangiti kay Elara. Alam na agad ni Elara kung ano ang kapalit kapag nagkamali siya sa mga gagawin niya bilang secretary.

'Damian, wag mo na i-pressure pa ang luna. Pano natin makukuha ang loob niya kung pano ka pang-aasar?' Tabong ni Xavier sa pamamagitan ng mind link.

'Kaya ko nga 'to ginagawa para mapasa atin na siya eh, ako ang bahala hahaha.' Ngumiti su Damian kay Elara at napabuntong hininga na lamang si Elara.

"Okay, mag take na lang ako ng first three days ng tutor mula kay Calix at sa mga susunod na araw ay ako na ang mag-aaral mag-isa," sagot ni Elara at nag thumbs up lang si Damian sa kaniya kaya tumingin siya kay Calix at nag thumbs up lang din 'to sa kaniya.

❦❦❦

Nagsimula ang araw ni Elara sa masarap na breakfast in bed, ang masasarap na pagkain ito ay madalang niya matikman tuwing nasa bahay nila si Fernanda at Fiona.

Madalas kasi iba ang pinapakain sa kaniya ni Fiona, simpleng pagkain lang at paulit-ulit na tinapay at itlog. Samantalang ang pagkain ng dalawa ay madalas na take out at order mula sa mga mamahaling restaurants.

Dati akala niya ay hindi lang alam nila Fernanda at Fiona ang gusto niya rin ng kinakain nila kaya hindi siya sinasama sa mga orders nila, madalas din sinasabi sa kaniya ni Fernanda na bawal sa kaniya ang mga pagkain na 'yun at baka raw mas makasama sa katawan niya kaya hinayaan niya na lang at hindi na nagreklamo pa.

Pero ngayon na pagtanto niya na hindi lang talaga siya pinapakain ng masarap ng kaniyang stepmom, na ginagastos ng mga ito ang pera ng kaniyang ama at ang pera na tinabi para sa kaniya.

Revenge of a RejectedWhere stories live. Discover now