"Alam mo ikaw lang ang gumawa sa akin niyan," sagot ni Damian habang nakangiti nang malambing kay Elara, hindi naman maiwasan ni Elara na mamula dahil sa mga ngiti na iyon kaya tumingin na lang siya sa kaniyang balikat.

"Ano? Ang halikan ka sa noo?" Tanong ni Elara pero alam niyang marami ng babae ang nakahalik at nakasama ni Damian sa kama, normal na ito para da mga Alpha lalo na't iyon ang image na kinalakihan ni Elara dahil sa babaero nilang Alpha na si Alpha Diego.

"Hahaha, hindi. Ang i-pat ako sa ulo at sabihan ako ng good job," tatawa-tawang sagot ni Damian kaya napatingin sa kaniya si Elara.

Unti-unting na pagtatanto ni Elara ang mga dinanas ni Damian sa dating pack nila. Ngayon ay naaalala niya na kung pano itaboy si Damian ng sariling pamilya at pack niya, kaya siguro hindi pa ito nakakaranas ng pagmamahal o aruga ng isang pamilya.

"Araw-araw kitang sasabihan ng good job at ipa-pat ang head mo kapag hindi mo ko inaway sa isang buong araw," sagot ni Elara kaya lalong natawa si Damian.

"Ano ka sinuswerte? Pupwede ba 'yun? Hindi mabubuo ang araw ko kapag hindi kita napikon no," sagot ni Damian at naglakad na palabas ng kwarto ni Elara.

"Bwiset ka talaga," sagot naman ni Elara at muling ngumiti si Damian.

"Magpahinga ka na, mag uutos ako ng tauhan na magdadala ng pagkain mo rito sa kwarto, at kung may kailangan ka i-text mo kang ako or puntahan mo ko sa kabilang kwarto," sagot ni Damian sabay turo sa kaniyang kaliwa.

"Ha?" Gulat na gulat si Elara dahil magkatabi sila ng kwarto ni Damian.

"Hahaha, don't worry. Madalang naman ako matulog d'yan, lagi akong nasa office o hindi kaya sa training ground, at kapag naman namarkahan na kita araw-araw na tayo magkasama," sagot ni Damian sabay kindat kay Elara kaya naman kinilabutan siya.

"Asa ka naman," sagot ni Elara at malakas na tumawa si Damian.

"Dapat nga ikaw ang nagpu-pursue sa akin eh, pakitaan mo lang ako ng sexy dance mamarkahan na kita bilang fated mate ko," pang-aasar pa ni Damian at bago pa makasagot si Elara ay agad na sinara ni Damian ang pinto habang tumatawa.

Dahil doon ay pikon na pikon si Elara, gusto niyang habulin si Damian at pagsasakalin ito, pero hindi maaari dahil kahit ano pang sabihin niya ay si Damian pa rin ang Alpha ng pack na 'to.

Kailangan galangin ni Elara ang namumuno sa bagong pack kung saan siya kaanib, hindi siya maaaring magkamali at dapat ay mabasa niya rin ang mga ugali at pamamalakad sa pack na 'to, dahil hindi siya pupwede magtiwala kahit kanino.

Binuksan ni Elara ang bagahe niya at nilabas lahat ng mga gamit niya pati na rin ang mga bagong bili na damit galing kay Damian. Sinalansan niya ang mga ito, at hinanap kung nasaan ang mga cabinet or drawer niya.

"Wala akong cabinet?" Tanong ni Elara habang iniikot ang kaniyang paningin sa loob ng kwarto, sa paglalakad ay nakita niya ang isang pinto, iniisip niya na banyo ito pero pagbukas niya ay may dressing room siya roon, at sa kabilang gilid ay bathroom.

"Woah," iyon na lang ang lumabas sa kaniyang bibig nang makita niya ang naggagandahan mga damit, sapatos at designer bag na nakadisplay sa malaking shelf sa loob ng dressing room.

Ngayon lang siya nakakita ng mga ganito kagaganda at kamamahal na damit, wala ng mga tag ang bawat damit, para hindi niya na makita pa ang mga halaga ninto pero alam niya base pa lang sa materials na ginamit at ganda ng design ng mga damit na 'to, ay tunay itong mamahalin.

Revenge of a RejectedWhere stories live. Discover now