"Relax, hindi ka nila huhusgahan," bulong ni Damian at hinawakan ang kaniyang kamay.

"Maligayang pagbabalik Alpha Damian."

"Kamusta ang pack habang wala ako? Okay naman ba ang lahat, Calix?" Tanong ni Damian sa kaniyang Beta, ang kanang kamay ng Alpha.

"Ayos naman ang lahat, Alpha Damian. Mag dumating na mga documents na kailangan niyong permahan, saka ilang kumusyon sa mga rogue na gusto magnakaw ng mga armas sa armory," sagot ni Calix at lumapit pa kay Damian para ibulong ang ubang detalye.

Umiwas naman ng tingin si Elara sa kanila dahil alam niyang parte ito ng trabaho ni Damian bilang Alpha at hindi siya maaaring makisali o marinig ang mga usapan na iyon. Kailangan niya rin mag ingat dahil ngayon ay nasa puder na siya ng mga Nightraven, mas mukhang mahirap kalabanin ang pack members ng Nightraven kaysa sa Forestheart, kaya kailangan doble ingat sa kaniyang kilos at salita.

"Okay, dadaretsyo ako sa office pagtapos ko masettle 'to," sagot naman ni Damian kaya tumango si Calix at hinayaan na maglakad sina Damian at Elara papasok ng pack house.

"Maligayang pagdating Luna Elara!" Gulat na napalingon si Elara nang marinig niya ang isang boses ng bata na masaya siyang wini-welcome sa pack nila.

"Ssshh— Kacy huwag ka maingay baka mabigla ang Luna," bulong naman ng nanay niya rito kaya lalong nagtaka si Elara.

Naguguluhan siya sa mga pangyayari pero isa lang ang napapansin niya ngayon, lahat sila ay tunay na nakangiti sa pagdating niya at para ngang excited pa sa pagiging Luna niya. Hindi niya alam bakit ganito ang reaction na natanggap niya dahil nakatatak na sa isip niya na huhusgahan siya ng pack members ng Nightraven at kukwesyunin ang desisyon ng kanilang Alpha.

Malayo ito sa trato na natamo niya sa Forestheart pack, kaya naguguluhan talaga siya sa mga nangyayari.

"Alam ba nilang wolfless ako? Maamoy naman nila na omega at mahina ako 'di ba?" Tanong ni Elara dahil hindi niya naman maitatago sa mga lycans ang tunay na pagkatao niya.

"Oo alam nila, at huwag ka mag-alala dahil hindi sila kagaya ng dating pack members natin na mapanghusga," sagot ni Damian at doon lang naalala ni Elara na pareho pala sila ng dinanas ni Damian sa pack na 'yun.

Pareho silang outcast, pareho silang hinusgahan at pareho rin silang umalis sa pack na iyon. Pinagkaiba lang ay lumaban si Damian simula pa lang nung una kaya niya natamo ang mayroon siya ngayon, hindi katulad ni Elara na namatay sa kamay ng mga taong nanloko sa kaniya at binigyan ng pangalawang pagkakataon para maghiganti.

"Pero bilib ako sa 'yo ah, nakaya mo itayo 'to sa loob lang ng apat na taon," sagot ni Elara na hindi inaasahan ni Damian, dahil sanay si Damian na inaaway siya ni Elara kaya ngayon na pinuri siya ninto ay nakakapagtaka talaga.

"Gusto mo siningilin kita sa utang mo?" Tanong ni Damian kaya si Elara naman ang nabigla, tumaas ang isang kilay at namadali maglakad dahil hindi siya sigurado kung makakaya niya bang halikan si Damian sa harap ng napakaraming tao.

"Teka Elara! Alam mo ba kung saan ang daan? Hahahah!" Tawa nang tawa si Damian at lahat naman ng pack members nila na nakakita sa masayang pagtawa ng kanilang Alpha ay nabigla.

Para silang nakakita ng ibang nilalang nang makita nila sa madalang na pagkakataon ang kanilang Alpha na tumawa nang malakas.

"Nakita niyo 'yun? May record ba kayo? Sayang hindi ko na picturan! Ang gwapo ni Alpha Damian kapag tumatawa siya," reklamo ng isang she wolf, nagkakagulo na ang mga diehard fans ni Damian sa loob ng training ground.

"Grabe ang kyut ng dimples niya sa kaliwanag pisngi! Ngayon ko na lang ulit nakita 'yun!"

"Totoo! Nawawala pa 'yung mata ni Alpha Damian tuwing tumatawa siya nang malakas!"

Kaniya-kaniyang komento na ang mga she wolf sa loob ng pack dahil sa kagwapuhan na taglay ng Alpha nila, samantalang hindi rin makapaniwala ang mga he wolf sa nakita nilang kagandahan ni Elara.

"Siya ba ang magiging Luna natin? Seryoso? Thank you moon goddess dahil nabiyayaan din ng magandang tanawin ang pack namin!" Pagpapasalamat ng isang he-wolf.

"Gaganahan na akong protektahan ang pack na 'to dahil sa magandang Luna na mayroon kami! Hindi na ko tatamarin mag training araw-araw!" Komento pa ng isa at excited na silang masilayan sa araw-araw ang kanilang luna.

"Nabiyayaan din ng maganda ang pack na 'to!"

Nang marinig ng mga she-wolf ang dalangin at hiling ng mga he-wolf sa pack ay agad na narindi ang kanilang tenga at nagsimula na ang rambol sa loob ng pack house.

"Anong sabi niyo! Pasalamat kayo gwapo si Alpha Damian kaya nag stay pa rin kami sa pack na 'to!"

Nagkakabatuhan na ng mga reklamo ang dalawang kampo, pero normal na bagay lang ito sa loob ng Nightraven pack, dahil araw-araw ay ganito ang sernayo nila sa loob ng pack house.

Hindi pa iyon alam ni Elara, hindi niya pa nakikita kung gano kagulo ang Nightraven pack at kung bakit ito tinawag na mga rabid dogs ng bawat lycan at mortal na nakakakilala sa kanila.

Magulo ang pack na 'to, puno ng mga sskit sa ulo at magugulong lycans, pero puno rin ang pack na 'to ng mga talented at mga magagaling na warrior sa loob ng Gazina.

"Sabi nila tapunan daw ng trouble maker ang Nightraven, payag ka ba maging Luna namin?" Tanong ni Damian kay Elara habang papasok sila sa main house.

"Kung payag kayong wolfless ang Luna niyo," sagot naman ni Elara at hindi maiwasan matawa dahil mukhang babagay siya sa pack na 'to.

"Hahaha, kung bibigyan mo ako ng isang lap dance d'yan, gagawin na kitang luna ko ngayon din," pilyong sagot ni Damian sabay kindat kay Elara. Agad na tumayo ang mga balahibo ni Elara dahil sa biro ni Damian.

"Manyak ka no?" Tanong ni Elara kaya napatigil si Damian sa paglalakad, hawak niya na ang door knob ng main door sa mansyon at bahagyang nag lean para maabot ang mukha ni Elara.

"Manyak sa'yo, at ikaw lang ang mamanyakin ko," sagot ni Damian sabay bukas ng pinto at lakad papasok roon.

Natameme si Elara, hindi niya alam ang ire-resback niya sa pang-aasar na 'yun. Alam niyang talo siya pagdating sa mga pang-aasar ni Damian dahil ngayon pa lng ay hindi niya na maitago ang pamumukha ng buong mukha niya.

"Bwiset 'tong Alpha na 'to, tsk! Manyak," bulong ni Elara pero hindi niya naman maipaliwanag kung bakit hindi niya mabura ang mga ngiti sa labi niya.


TO BE CONTINUED

Revenge of a RejectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon