"Wag mo kong sisisihin kapag hindi mo nagustuhan ang pagiging luna ko, at saka baka maaga kang mabyudo dahil sa sakit ko," dagdag ni Elara at agad na hinawakan ni Damian ang dalawang pisngi niya na kinagulat ni Elara. Agad na tumingin si Elara sa piloto ng helicopter dahil alam niyang hahalikan siya ni Damian, mabuti na lang at hindi naman ito nakatingin sa kanila.

Napalunok si Elara at tumingin kay Damian, nakatitig na naman ang gintong mga mata ni Damian sa kaniya na para bang miske ang wolf ni Damian ay nakikita niya sa mga matang iyon.

"Pwede bang kumalma ka? Saka hindi rin kita hahalikan dito, ayoko ng PDA," sagot ni Damian kaya namula si Elara at agad na inalis ang kamay ni Damian sa pisngi niya.

"Anong pinagsasabi mo d'yan? Tsk, lubayan mo nga ako," iritable at nahihiyang sagot ni Elara sabay balik ng tingin sa labas ng bintana kung saan kitang-kita niya ang kagandahan ng buong lugar.

Natawag ang pansin niya sa isang itim na na mansyon, gawa ito sa malalaking salamin at pinalilibutan ng naglalakihan mga pine tress, may malaking garden at training ground, may mga dorms at sariling paaralan, sa likod ng malaking mansyon ay may malaking village, at sa gilid ng village ay may maliit na lawa na pinalilibutan naman ng mga willow trees.

Unti-unting bumaba ang helicopter sa malaking training ground at doon lang na pagtanto ni Elara na ang kinamamanghaan niyang tanawin ay ang Nightraven pack.

"Andito na tayo," saad ni Damian at unti-unting lumapad ang paa ng helicopter habang si Elara ay nanginginig na tinuturo ang magandang community na binuo ni Damian.

"I-ito b-b-ba ang Nightraven pa-pack?" Tanong ni Elara at tumango naman ng walang pag-aalinlangan si Damian.

"Bakit ngayon mo lang ba makita 'to? Laman kami ng internet at social media araw-araw ah, hindi mo alam na ganuto kaganda ang pack house ko?" Mayabang na tanong ni Damian saka niya inalis ang pagkakasuoy ng ear protection ni Elara.

"Tara na, ipapakilala na kita sa kanila," sagot ni Damian at doon lang na pagtanto ni Elara na napakaraming lycans at werewolf ang nag iintay sa pagbaba niya.

Halos lahat ata ng members ng Nightraven pack ay inaabangan ang pagdating niya. Nagtataka tuloy siya kung pano nila nalaman na darating siya ngayon? Samantalang wala naman ito sa kaniyang plano at biglaan lang.

"Teka, planado mo na ba 'to?" Nagtatakang tanong ni Elara kay Damian habang si Damian naman ay walang pakialam sa pinagsasabi ni Elara.

"Dalian mo at bumaba ka na," sagot naman ni Damian sa kaniya kaya inis na sumunod si Elara at bumaba ng Helicopter, inalalayan siya ni Damian habang hawak ang kamay niya, sa malaking training ground ay andoon ang ilang gamma ni Damian na nagbabantay sa pagbaba nila.

Nakaramdam ng matunding kaba si Elara, ni hindi niya alam na magiging ganito ka garbo ang pagdating niya sa Nightraven, buong akala niya ay babyahe lang siya sa tren, papasok sa main gate at maghahanap ng bagong matutuluyan sa simpleng village na mayroon sila.

Pero ano 'tong nangyayari! Bakit parang walang ni isang werewolf o lycan ang may simpleng pamumuhay sa pack na 'to? Bakit parang lahat sila ay kumikinang? Magaganda at gwapong nilalang?

Para siyang basahan na tinapos sa mamahaling tiles, hindi niya alam if madudumihan niya ba ang mga 'to o siya ang kikinang kapag nakisalamuha siya sa mga 'to?

Revenge of a RejectedWhere stories live. Discover now