Kabanata 69 | The God's Sentiments

3.9K 144 99
                                    

𝐊𝐀𝐁𝐀𝐍𝐀𝐓𝐀 𝟔𝟗 | 𝐓𝐇𝐄 𝐆𝐎𝐃'𝐒 𝐒𝐄𝐍𝐓𝐈𝐌𝐄𝐍𝐓𝐒

𝐓𝐈𝐀𝐑𝐀

Hinila ko ang makapal na kumot at sumiksik sa gilid ng kuweba. I didn't know where I was. Ang hula ko ay bigla akong nawalan ng malay sa kulungan at nagpakita ang lalaki ito kasama ang tatlong pusa.

I looked around the cave, and I first noticed the odd-looking plants. There were rainbow-colored flowers, crystal roses, and weird blue grasses. Hindi ako aware na puwede pa lang tumubo ang mga ganito sa loob ng kuweba.

The man has the same black hair as me, but I can't help but be curious about his golden eyes. Sino nanaman ba 'to?

''Sino ka at ano'ng kailangan mo sa akin?'' Mula sa pagkatalikod niya ay humarap siya sa akin. My gaze shifted down to his topless body.

Tinitigan niya ako habang nakatayo mula sa malayo. Sa harap niya'y may malaking apoy na siguro'y ginawa niya gamit ang mga kahoy. He has tanned skin and a body that is not overly muscular but features perfectly toned biceps, triceps, and abs.

Napaiwas ako ng tingin at kinakabahang tumingin sa katawan ko't huli na nang napagtanto kong wala pa rin akong suot na damit. I gripped the clothing that only covered my nakedness. Umikot ang mata ko dahil kung may sakali mang gawin ang lalaki na ito sa akin ay may pangitutusok na ako sa bayag niya.

My forehead furrowed as his gaze softened. Kung titigan niya ako'y parang maiiyak na siya anytime. Hindi ko na lang pinansin dahil baka ginagawa niya lang ito para makuha ang loob ko. Pare-parehas lang naman kasi ang mga lalaki, 'di ba? Hindi na ako natuto nang iwan kami ni papa dahil sa babae niya.

''Bingi ka ba? Tinatanong ko kung sino ka!'' Nanakit ang lalamunan ko sa singhal ko sa kaniya.

He snapped his fingers and in an instant, a wooden tray appeared in his hand. Parang kulamnam agad ang sikmura ko dahil na-amoy ko agad ang mga pagkain doon.

My eyebrows furrowed as the man walked towards my direction. Pagtingin ko sa gilid ko ay nakasiksik na sa akin ang itim na pusa habang napaikit. My eyes narrowed because it looked like Hideo. Hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin kung ba't nawala silang tatlo sa tabi ko.

Dash, Carden, and Hideo. Where are you?

''Sino ka ba?'' The man kneeled. Na-alarma ako sa pagkapit niya sa akin. Lumuhod siya para magpakapantay kami't pinatong sa harap ko ang tray.

''Lolo mo.''

''Adik ka ba?"

My forehead furrowed as I watched him fixing the tray. Sa ngayon ay naka-squat na siya sa harap ngunit hindi naalis ang paglukot ng noo ko habang nakatitig sa kaniya. Kung gusto niyang sayangin ang oras ko'y puwes 'wag na. Gigising ako ng may panibagong lalaking kumuha uli sa akin. Maayos kong tinanong kung sino siya tapos sasabihin niyang lolo ko siya?

"Tanong mo sa lola mo." He smirked and I thought he just wanted to show off his deep dimples.

Hindi na ako nakapagtimpi pa. Nanggigigil kong kinuha ang isang bato sa may paanan ko. I threw the stone at his face. He wasn't staring at me but he still avoided the huge stone by moving his head an inch. Saglit kaming nagkatinginan kaya naman ay pinandilatan ko siya ng mga mata.

Transmigrated as the Only WomanWhere stories live. Discover now