Kabanata 9 | Wanted in Town

9.8K 298 39
                                    

𝐊𝐀𝐁𝐀𝐍𝐀𝐓𝐀 𝟗 | 𝐖𝐀𝐍𝐓𝐄𝐃 𝐈𝐍 𝐓𝐎𝐖𝐍

𝐓𝐈𝐀𝐑𝐀

''Tell me what happened.'' Uno is standing in front of us. Ang mga kamay niya'y nakapuwesto sa kaniyang likod na parang isang matanda.

Ramdam ko man ang pananakit ng mga balikat ko dahil sa bigat ni Rio ay hindi na ako nagreklamo. Inalalayan din ako ni Arthur na ihiga si Rio sa pulang higaan kung saan ako nagising kanina. Val's body is full of bandage now. Wala siyang suot na pangitaas. Nakaupo siya sa harap namin ni Arthur.

''A lot of things happened...'' Panimula ni Arthur at siya'y napangiwi nang idiin ni Flame ang pagdampi ng isang tuyong dahon sa sugat na. Nanliit ang aking mga mata. Hindi pa ba uso ang ospital dito nang hindi sila mahirapan?

''I can see that a lot of things happened, Val and Prince Arthur.'' Lumipat ang titig ni Uno sa mga leeg ng dalawa kong kasama. Napaiwas din ako ng tingin.

Late ko lang na-alala na ang usapan ay kukuha kami ng herbs pangluto, hindi gumawa ng kababalaghan sa gubat. Ano'ng kakainin nila mamayang tanghalian? ekup ko? Putcha.

''We can explain about these marks later,'' Arthur coughs. Napansin ko na tumingin muna siya sa akin bago titigan si Uno. ''There's something important that you need to know aside from Rio's encounter with a Cappio... it can also transform into a man.''

"What did you just say? The Cappio can transform into a man?" Naningkit ang mga mata ni Uno. Nanahimik na rin ako dahil pati ako ay hindi makapaniwala sa nangyari kanina.

"Yeah. It transformed into a man when it saw the woman. It looks like it knows that we're with a woman." Lumipat ang tingin sa akin ni Arthur. Nagkatinginan kami nang matagal. He noticed it too.

"Totoo ba ang sinabi niya?" Tinitigan naman ako ni Uno. Napangiwi ako sa kaniya. Ang kulit naman ng puwet nito. Hindi pa na klaro 'yong narinig niya kanina? Kiss kita riyan, e.

"Oo," I said. "Nagulat lang din ako," I added.

Pinanood ko si Flame habang inaasikaso niya ang sugat ni Val. Malapit lang naman silang dalawa sa akin. Napansin kong panay ang titig ni Flame sa leeg ni Val. I'm not a fool not to think that he's checking the woman's mark from Val's neck.

"Ayos, ah. Ang usapan kukuha ng mga kailangan sa gubat pero iba ang dala pag-uwi." Makahulugang sabi ni Flame at napailing. Pinandilatan ko siya ng mga mata. Hindi talaga ako nagpigil na itapon sa kaniya 'yong nakita kong maliit na knife sa tabi niya. Ako pa talaga ginagago niya?

''Oh, shit–'' Nagtatatalon si Flame kaya natigil ang paggamot niya kay Arthur.

''Please calm down, woman–''

''If you want a mark, just say so.'' I rolled my eyes. Agad siyang bumalik sa upuan niya na parang tutang bibigyan ng treats. Nagningning ang kaniyang mga mata habang nakatingin sa akin.

''R-really? You will give me a mark?'' Excited niyang tanong. Napangisi ako sa kaniya at tinitigan siya. Tingnan mo 'tong tangang 'to, sabik na sabik. Hindi ko alam kung gusto niya bang ma-extend ang buhay niya o gusto niya lang kiss.

''Asa ka,'' I teased him. Sumimangot siya at suminghot-singhot na kunwari'y umiiyak. I rolled my eyes. Sinandal ko ulo sa pader dahil ang totoo'y pagod ako. I felt sweaty too.

Transmigrated as the Only WomanWhere stories live. Discover now