Kabanata 39 | The Dark Sees & The Night Hears

5.6K 197 79
                                    

𝘞𝘈𝘙𝘕𝘐𝘕𝘎: 𝘚𝘜𝘐𝘊𝘐𝘋𝘌 | 𝘚𝘌𝘟𝘜𝘈𝘓 𝘏𝘈𝘙𝘈𝘚𝘚𝘔𝘌𝘕𝘛 | 𝘔𝘌𝘕𝘛𝘐𝘖𝘕 𝘖𝘍 𝘐𝘓𝘓𝘌𝘎𝘈𝘓 𝘚𝘜𝘉𝘚𝘛𝘈𝘕𝘊𝘌𝘚

𝐊𝐀𝐁𝐀𝐍𝐀𝐓𝐀 𝟑𝟗 | 𝐓𝐇𝐄 𝐃𝐀𝐑𝐊 𝐒𝐄𝐄𝐒 & 𝐓𝐇𝐄 𝐍𝐈𝐆𝐇𝐓 𝐇𝐄𝐀𝐑𝐒

𝐈𝐊𝐀𝐓𝐋𝐎𝐍𝐆 𝐏𝐄𝐑𝐒𝐎𝐍𝐀

"What is this, Atlas? Why do you have something like this?" Garalgal na sambit ni Adonis habang nanginginig ang kamay niyang tinaas ang isang plastic na puno ng puting butil. Hindi niya inalis ang kaniyang tingin sa kaniyang kapatid na ngayo'y nakatulala na lang sa kaniyang harapan.

"Why are you going through my things without my permission? Nangingialam ka na ng gamit ko ngayon?" Atlas looked away.

Adonis gripped the thing that he was holding and tried his best to calm himself. Sa mga ganitong pagkakataon ay madalas siyang magwala. Ngunit dahil ang kaharap niya'y ang kaniyang kakambal, naisip niya na lang na mas mabuting idaan ang lahat sa usapan. He should give him a chance to explain, he should listen to him for he doesn't want him to feel unheard.

"I am asking you, Atlas. What is this?" Naging matigas ang bawat salitang sinambit ni Adonis. He sighs once again before facing his twin. At the same time, Atlas stares at him with furrowed eyebrows.

"Huwag kang mangialam ng gamit k—"

Adonis cut him off by throwing the vase off the table. ''Answer me while I am calm, Atlas! What is this? Please tell me that I'm thinking the wrong thing!''

Atlas flinched when he saw their expensive vase in broken pieces on the ground. Napasabunot na lang siya ng buhok dahil ang maglinis na nga lang ng kanilang bahay ang ginagawa't gagawin niya sa buhay ay dudumihan pa ito. He stare back at Adonis. He knows he's just acting tough despite the stingy feeling that he feels because of tears forming at the corner of his eyes.

''You won't talk?'' Padabog na binagsak ni Adonis ang hawak niya sa mesa't napahilamos ng mukha dahil sa inis. He breath out and points Atlas with his shivering hand.

''Atlas. I leave early in the morning, work three jobs, go home to you. Alam mo bang ang pang-tanghalian ko sana sa trabaho ay iniiwan ko lang para sa iyo! Did you know that I would rather starve to work than to see you starving! And this.'' Muli niyang hinablot ang pakete na puno ng pinagbabawal na gamot. ''This is how you will repay me?! Do you even know that you can get a public execution because of this?!'' Nanggigigil niyang saad at halos pumiyok na siya sa panginginig ng kaniyang buong katawan.

''Nagtratrabaho o pumupunta sa kabila? I don't even know what type of job you do. Kung manunumbat ka lang naman pala sa lahat ginawa mo sa akin ay sana pati ako ay pagtrabuhin mo rin!''

Adonis' eyes widened while staring at Atlas. ''Did you shout at me? When did you learn to shout at me?'' His voice completely broke as tears began streaming down from his eyes.

''When?'' Napasabunot ng buhok si Atlas. ''How about you?! When are you going to tell me that you belong to the a secret organization?! Hindi mo man lang sinabi sa akin? Kinakahiya mo ako kasi hindi ako nakatapos katulad mo?! Na wala akong trabaho!'' Atlas' voice broke too.

Transmigrated as the Only WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon