Kabanata 10 | Crazy Royal

9K 261 54
                                    

𝐊𝐀𝐁𝐀𝐍𝐀𝐓𝐀 𝟏𝟎 | 𝐂𝐑𝐀𝐙𝐘 𝐑𝐎𝐘𝐀𝐋

𝐓𝐈𝐀𝐑𝐀

''What do you call this dish, woman? It looks unusual. Does this came from your world?'' Puno ng kuryosidad ang boses ni Val habang hawak ang isang wooden spoon. Ngumisi ako sa kaniya na para bang proud na proud sa tinuro ko sa kaniya kasi 'yon ang madalas kong niluluto. Sayang nga lang at kulang ng kamatis.

''Scrambled eggs,'' I said proudly. Binuksan ko lahat ng claypot na meron sila para hanapin kung nasa'n ang asin. Nang mahanap ko na ay bumalik ako sa tabi ni Val. Pumikit-pikit pa ako dahil singhot na singkot ko ang amoy ng niluluto niya.

''Patikim naman ako!'' Flame said. Sumiksik siya sa pagitan naming dalawa ni Val habang nakapatong ang ulo niya sa balikat ko. Ngumuso ako at pinukpok siya.

''Kanina ka pa nga kuha nang kuha. Halos ubusin mo na nga!'' asik ko at pinukpok ang ulo niya gamit ng hawak kong kutsara. Napahiyaw naman siya sa sakit. I glances back at Val while he was busy cooking.

''May ituturo pa ako. Sinangag ang tawag sa kaniya. It's just a simple dish, you just need to fry rice to garlic.'' Sunod kong hinanap ang clay pot na puno ng garlic.

''That sounds delicious. I'm glad that you can share something from your world,'' Val said. Nahuli ng mga mata ko si Flame na dumudukot sa bagong luto na scramble eggs. Pinandilatan ko siya ng mga mata at agad naman siyang tumigil dahil nakailang pukpok na ako sa ulo niya.

''What's so special about those? It's just an egg and fried rice. Nothing else.''

Awtomatikong lumingon ang ulo ko sa kinaroroonan ni Anthonus. Presko siyang nakaupo sa sofa habang nakangisi sa akin. Ang kapal ng mukha magsalita ng ganyan pero panay din naman ang dukot sa mga tinuturo kong luto kay Val.

''Hindi pala special para sa 'yo, e 'di shut up ka na lang.'' Nanggigigil kong sabi at binalik ang tingin sa malaking palayok. Narinig ko siyang natawa dahil sa sinabi ko. Nanrindi ang mga tenga ko dahil kahit pati pagtawa niya ay nakakairita rin sa panrinig.

''Is that how you talk to royals? You should bow and lick my shoes so I can show you mercy. I can get your head on my hands with just one order, woman. No wonder why you only eat a basic egg  and rice dish. Kahit siguro sa mundo mo'y isa ka ring hamak na hampaslupa.'' Humigpit ang hawak ko sa malaking kutsara. Hindi ko na lang siya pinansin dahil alam kong sayang lang ang oras at laway ko sa mga katulad niya.

''Anthonus—''

''How dare you call me by my first name, commoner?'' Anthonus cut off Val's words.

Tatlo na kaming nakatingin sa kaniya ngayon. Kung dati ay nanggigigil lang ako dahil hindi ako makasapak ng mga bobong tao sa Facebook ngayon ay puwede ko ng sapakin dahil nasa harap ko naman na. Ipapatikim ko sa kaniya 'yong sapak na hindi niya makakalimutan buong buhay niya.

I stared at Anthonus for a long time. Compared to Arthur who has a calm composure, Anthonus displays an uncanny aura around him and an insulting smirk on his face. He has a messy blonde hair. Nakabukas pa ang tatlong butones ng puti niyang panloob na damit.

Preskong-presko pa siyang nakaupo kanina pa at kumuha ng mga pagkain na pinaghihirapan naming lutuin. Ang kapal lang ng mukha, 'di ba? Kala mo siya ang pinaglulutuan.

Ang sarap niya rin pala. Ang sarap sampalin ng upuan sa mukha at kurutin gamit ang nail cutter.

Flame glances at Anthonus. ''Mawalang gana po—''

''I don't have time to hear nonsense words from poor commoners too,'' Anthonus paused. Pinagpag niya ang gilid ng mamahalin niyang suot na para bang may virus ang mga hininga namin. Tinitigan niya si Flame at preskong sinandal ang ulo sa upuan. ''Why are you there anyways? Wala ka namang maitutulong diyan. You don't know anything, that's why you didn't finish school.''

Transmigrated as the Only WomanOnde as histórias ganham vida. Descobre agora