Gaganti siya, hindi lang para sa kaniya kung hindi para na rin sa anak niya na maagang nawala dahil sa kanila.

"Elara," tawag ni Damian sa kaniya at agad naman siyang lumingon sa direksyon ni Damian at Melody. 

Nakita ni Damian ang malungkot na expression sa mukha ni Elara, halata niya na any moments ay babagsak na ang luha ni Elara dahil sa pressure at sakit na pinipigilan ninto ipakita kanina sa harap ng council at ng members ng Forestheart pack. 

Kailangan maging matapang ni Elara sa mga oras na iyon, siya lang mag isa ang humarap sa kanilang lahat at alam niya kung anong length ang tinaya ni Elara para lang makawala sa bond nilang dalawa ni Elijah. Kaya alam ni Damian ang pagod ni Elara, ang hirap at lungkot ninto.

Nakita ni Damian na tumakbo si Elara papunta sa kaniya, handa na siyang i-comfort ang Luna niya, handa na siyang yakapin ito ng mahigpit at salubungin ng mga bisig niya. Alam niyang hindi niya forte na mag comfort pero kung para kay Elara ay gagawin niya.

"Tara rito at yayakapin—"

"Mel! Sa wakas nakalaya na ko sa gago na 'yun!" Yumakap nang mahigpit si Elara kay Melody at kitang kita naman ni Melody kung pano maiwan sa ere si Damian na nag iintay sa yakap na ibibgay ni Elara.

"Pffft—" pigil tawa ni Melody dahil saksi siya sa kung pano mapahiya ang kinatatakutan na Alpha ng Nightraven. Ang kilalang tyrant Alpha at savage dog ng buong Summergrave Empire ay napahiya sa harapan niya.

"Tsk," sagitsit ni Damian at naglakad na lang palayo sa kanila bago pa siya pagtawanan ni Melody. 

"Hahaha," hindi napigilan matawa ni Melody at niyakap na lamang ang best friend niya, hinaplos niya ang buhok ni Elara na alam niyang pagod na pagod na dahil sa mga nangyayari.

"I'm so proud of you besty, nakayanan mong makawala sa isang Alpha. Deserve mo na ngayon na umalis sa pack at mag shopping." Sinukbit ni Melody ang braso niya kay Elara at si Elara naman ay masayang sumandal sa balikat ni Melody habang naglalakad sila palabas ng pack house.

"Tingin mo anong eksena at drama naman ang gagawin ko next time? Hindi na ko makapag-intay na sirain pa ang araw nina Elijah at Fiona," sagot naman ni ELara habang hindi mabura ang mga ngiti ninto sa labi. 

Nakaramdam na naman tuloy ng kaba sa dibdib si Melody, minsan talaga ay hindi niya na alam kung ang Elara na kasama niya pa ba ngayon ay ang dating Elara na kilala niya noon. Pero hindi niya naman maitatanggi na proud siya dahil marunong na lumaban ang best friend niya at hindi na ito minamaliit ng iba.

❦❦❦

"Hindi 'to maaari! Hindi kita hahayaan na magawa lahat ng gusto mo pagtapos mo kong iwan at ipahiya sa lahat!" Malakas na hiyaw ni Elijah sa loob ng kaniyang opisina. Hindi niya pa rin matanggap ang nangyari kanina sa rejection ceremony at kung pano siya i-frame up ni Elara at Damian.

Hindi niya alam kung saan galing ang mga sugat ni Elara, hindi niya alam pano naging magkakampi si Elara at Damian sa mga nangyayari sa kaniya ngayon. Alam niyang pinagkakaisahan siya ng dalawa, at ang number one supporter niya noon ay ang number one enemy niya ngayon.

"Hindi ko hahayaan na maging masaya kayo. Kailangan niyo rin maging miseranle!" Hinagis ni Elijah ang upuan sa bookshelf na nasa loob ng kaniyang opisina, nahati ang upuan sa dalawa at nagbagsakan ang mga libro sa sahig. 

Nagkalat ang mga gamit sa loob ng opisina ni Elijah at wala ni isang kayang lumapit sa kaniya sa sitwasyon na ito, miske ang kaniyang ina na si Esmeralda ay ngayon lang nakita ang kaniyang paboritong anak na nagkakaganito.

Kilala nila si Elijah bilang isang kalmado, mabait at masiyahin na Alpha, kabaliktaran ng ugali at imahe na mayroon sila para kay Damian. Pero ngayon ay hindi na nila alam kung sino ba talaga ang Alpha nila pagtapos nilang malaman at makita ang mga sugat ni Elara sa katawan at ang ginagawang pagdadabog ni Elijah ngayon.

Pero nilakasan pa rin ni Fiona ang kaniyang loob pagtapos niyang malaman na siya ang fated mate ni Elijah, sinubukan niyang pumasok sa loob ng opisina at pakalmahin ito. Malakas ang loob niya na mapapakalma niya si Elijah dahil fated mate niya ito at mahal siya ninto kaya naman daredaretsyo siyang namakialam at pumasok sa opisina ni Elijah.

"Alpha Elijah! Tama na 'yan itigil mo na 'to," sagot ni Fiona at hinawakan ang braso ni Elijah dahil alam niyang hindi siya magagawang saktan ni Elijah. Pero agad siyang tinabig ni Elijah, tumilapon siya sa sahig na kinagulat niya at narinig niya ang malakas na pag unggol ni Dexter.

Hindi nag shift bilang werewolf si Elijah pero parang si Dexter ang nasa harapan ni Fiona dahil sa nanlilisik na mga mata ninto at ang mabagis na pagkawala ng kontrol sa sarili.

Gumapang ang takot sa katawan ni Fiona, buong akala niya ay makikilala siya ng fated mate niya at mapapakalma niya 'to. Pero hindi, mas matimbang ang galit na nararamdaman ni Elijah ngayon.

"Huwag mo kong mahawak-hawakan! Nang dahil sa'yo ay iniwan ako ng chosen mate ko!" Hiyaw ni Elijah. Hindi alam ni Fiona ang kaniyang gagawin, naging mapapel siya at buong akala niya ay makokontrol niya na ang Alpha at mapapalitan ang posisyon ni Elara ngunit mukhang malabo ito.

"Pero ako nag fated mate mo! Hindi ba na dapat mas matimbang ako kaysa kay Elara!?" Inis na sagot ni Fiona dahil hindi pa rin niya matalo-talo si Elara kahit na siya naman ang tunay na mate ni Elijah.

"Ako ang na rito ngayon sa tabi mo Alpha Elijah, mas mamahalin kita kaysa kay Elara. Hindi kita iiwan kagaya ng ginawa niya sa'yo at kapag dumating na ang coming of age ko at maging ganap na she wolf ay pangako ko na magiging mabuti akong Luna sa'yo, hindi katulad ng ginawa sa'yo ng Elara na 'yan na sinayang lang ang kabaitan at pagmamahal mo!" Ginamit na ni Fiona ang galit ni Elijah kay Elara, nais niyang makontrol si Elijah at mas mamuhian pa si Elara.

Natameme si Elijah nang marinig niya ang mga salitang iyon galing kay Fiona, unti-unti siyang huminahon at kalmadong umupo habang hawak ang ulo niya. Agad naman siyang nilapitan ni Fiona at hinawakan ang kamay niya.

"Hindi mo na siya kailangan Alpha Elijah, isa lang siyang wolfless at omega. Hindi siya kawalan at bakit hahabulin mo pa ang isang babaeng niloko ka na? Dapat sa kaniya ay tinuturuan ng leksyon." Parang isang demonyo kung bumulong si Fiona kay Elijah, nais niyang mauto at mapasunod sa mga balak niya ang Alpha.

"Hindi pa huli para gumanti sa babaeng 'yan, kakampi mo ako at tutulungan kita na makaganti kay Elara, sa wolfless na nanira ng image mo bilang Alpha." Pinapaikot ni Fiona sa mga salita niya ang magulong isip ni Elijah.

Sinasadya niyang i-gaslight ito habang mahina pa si Eijah para wala siyang kahirap-hirap na gamitin ito sa mga plano niya.

"Tutulungan mo ko makaganti sa kanilang dalawa? Hindi mo gagawin ang panloloko na ginawa sa akin ni Elara?" Tanong ni Elijah saka naman hinawakan ni Fiona ang mukha ng kaniyang Alpha.

"Hindi, ako ang fated mate mo hindi ba? Ako ang luna mo at ako ang mananatili sa tabi mo," bulong ni Fiona saka mariin na hinalikan ang labi ni Elijah.

TO BE CONTINUED

Revenge of a RejectedWhere stories live. Discover now