Pero ang hindi alam ni Elijah ay lahat ng nangyari ay parte na talaga ng plano ni Elara para maputol ang koneksyon nilang dalawa. Wala siyang kaalam-alam na hinding hindi niya na mababawi pa ang tiwala ni Elara.

"Isang minuto bago mag simula ang rejection ceremony," anunsyo ng gamma at lahat ng tao sa loob ng rejection hall ay hinahanap si Elara, hanggang sa maamoy nila ang faint na amoy ni Elara.

Napalingon silang lahat sa pagbukas ng pinto sa kanilang likuran, pumasok si Elara sa loob ng silid habang nakasuot ng isang white dress, ang kaniyang braso't balikat ay natatakpan ng puti belo na para bang babaeng ikakasal at naglalakad sa aisle papuntang altar.

Napatayo si Elijah nang makita si Elara, nakayuko ito at hindi pinapakita ang kaniyang mukha sa lahat. Natatakpan din ng puting belo ang kaniyang ulo kaya lahat sila ay hindi makita ang emosyon na nasa mukha ni Elara.

Lalong nadurog ang puso ni Elijah nang makita niya si Elara na dumalo pa rin sa rejection ceremony, kanina niya pa hinihiling na sana ay hindi ito tumuloy at kalimutan na lang ang lahat ng mga nangyari, pero ngayon ay pinagmamasdan niyang maglakad ang nobya niya na para bang ikakasal silang dalawa pero ang katotohanan ay maghihiwalay na sila.

Napayukom ni ELijah ang kaniyang kamao, alam niyang mahal niya si Elara ngunit masyado siyang naging greedy na nagdulot ng lahat ng ito. Si Elara lang ang tanging she wolf na nakikita niyang papakasalanan niya kaya gagawin niya ang lahat para hindi mawala sa kanya ang nobya.

"Pasensya na po at nahirapan akong humarap sa inyong lahat ngayong araw," sagot ni Elara habang hawak ang braso niya, napansin ng gamma ang matamlay na kilos ni Elara.

"Sakto lang ang dating mo, simulan na natin ang rejection ceremony," sagot ng gamma na parte ng council. Tumahimik ang lahat sa loob ng hall nang marinig nila ang pag-anunsyo.

"Nais naming malaman kung sino ang nais makipaghiwalay sa inyong dalawa."

Nakatingin ang lahat sa kanilang dalawa, patuloy na nakayuko si Elara at tinatago ang kaniyang mukha saka niya tinaas ang kaniyang kamay. "Ako po ang may nais ng rejection," sagot ni Elara at nagsimula na naman umugong ang mga bulungan sa loob ng rejection hall.

"Anong dahilan?"

"Hindi ko na po siya mahal at nais ko ng putulin ang pangako niya na maging chosen mate," sagot ni Elara na lalong nagpalakas ng usap-usapan sa loob ng hall.

Napatakip si Fiona ng ganiyang bibig, hindi dahil sa gulat kundi para matakpan niya ang saya sa kaniyang labi. Pinagtatawanan niya si Elara dahil sa mga pinagsasabi ninto at sa wakas ay mawawala na ang hadlang sa mga plano niya.

"Elara," tawag naman ni Elijah sa kaniyang chosen mate at nakita niyang tumingin sa kaniya si Elara pero patuloy na nakayuko at hindi pinapakita ang kaniyang mukha.

"Alpha Elijah, bakit hindi mo tinanggap ang kaniyang rejection?"

"Dahil mahal ko pa siya," diretsyong sagot ni Elijah at lahat ng mga nanonood ay hindi maiwasan na lalong humanga kay Elijah at kainisan naman si Elara dahil sa kaniyang sinasayang.

Nagngitngit ang mga ngipin ni Elara pagtapos marinig ang binitawan na salita ni Elijah. Nais nang bumaliktad ng kaniyang sikmura sa mga salitang binibitawan ni Elijah sa kaniyang harapan. 

Pano siya mamahalin ng lalaking kaya siyang lokohin?

"Elara Celestia Arundel, hindi na ba maayos ang koneksyon niyong dalawa ni Alpha Elijah? Kailangan mo magbigay ng matibay na proof upang maputol ang koneksyon niyong dalawa."

Napaka unfair ng council sa loob ng Forestheart pack at alam ito ni Elara, dahil lang sinabi ni Elijah na mahal niya pa rin si Elara ay maniniwala na agad ang mga ito kahit na walang proof na pinapakita ang Alpha nila, samantalang siya ay kailangan pang ibuwis ang buhay niya para lang mapatunayan na ayaw niya na at gusto niya na makipaghiwalay.

Revenge of a RejectedWhere stories live. Discover now