"Elara, ipaliwanag mo sa'kin kung bakit mo nagawang lokohin ako, at sa kapatid ko pa talaga!" Tumingin si Elijah kay Damian at nakangisi lang ito habang pinapanood ang pag-arte na ginagawa ni Elara sa harapan nila.

"Mas magaling siya," maikling sagot ni Elara na kinagulat ni Elijah.

"Anong ibig mong sabihin?" Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ni Elijah, parang lahat ng dugo niya sa katawan ay pumunta na sa ulo niya dahil sa sobrang galit na nararamdaman niya.

"Mas magaling siya magmahal," sagot ni Elara, nais niya sana sabihin na mas magaling si Damian sa kama pero maamoy ni Elijah na hindi pa siya nakikipag mate kay Damian.

Mahina pa ang marking scent ni Damian sa katawan niya dahil hindi pa naman nila nagagawa ang bagay na iyon.

"Anong pagkukulang ko?" Tanong ni Elijah, pilit niyang kinakalma ang sarili niya kahit na kanina niya pa gusto saktan ang mga nasa harapan niya.

"Marami, kulang ka sa oras sa 'kin, lagi akong namamalimos ng atensyon mo, binabaliwala mo ako parati, hindi mo pinaparamdam sa'kin na totoong mahal mo ko. At ano pa ba? Hmmm... lagi mong tinatago ang amoy ng ibang babae na nakatalik mo, dahil kahit wolfless ako ramdam ko 'yun bilang nobya mo, kahit ang pagtingin mo kay Fiona alam ko." Sagot ni Elara at lahat ng sinabi niya ay galing sa lahat ng sama ng loob na kinikimkim niya.

Noon ay nagbubulag-bulagan lang siya at kinikimkim lahat ng sama ng kaniyang loob dahil sa sobra niyang minahal si Elijah noon. Humantong pa siya sa parte na kahit alam niyang nagmumukha na siyang tanga at walang value ay tinatanggap niyanpa rin iyon kapalit ng katiting na pagtingin sa kaniya ni Elijah.

"Pa-pano mo nalaman?" Tanong ni Elijah, hindi niya alam pano niya itatanggi ang impormasyon tungkol kay Fiona.

"Siya ang fated mate mo hindi ba?" Tanong ni Elara sa kaniya at humakbang papalapit kay Elijah.

"Kahit hindi mo sabihin, hindi na ako 'yung Elara na tatanga-tanga at nagbubulag-bulagan sa paligid niya. Ramdam ko at nakikita ko kung pano mo titigan ang step sister ko. Hula ko ay gusto mo pa kaming pagsabayin, iniintay mo lang na maging eighteen siya, tama?"

Wala ng nasabi pa si Elijah, imbes na siya ang magreklamo at madehado sa sitwasyon na 'to ay parang siya pa ang naging masama.

Siya pa ang nahuli ni Elara sa lahat ng mga ginagawa niya, siya ang naging kontrabida at si Elara ang naging biktima.

"Magkita na lang tayo sa rejection ceremony bukas ng gabi, inaasahan ko na pagbibigyan mo na ako sa rejection ko," dagdag ni Elara, inayos niya ang sarili niya at hinawakan ang kamay ni Damian.

"Tara na Alpha Damian, ipagpatuloy na lang natin sa kwarto mo ang na udlot nating business," sagot ni Elara at tatawa-tawa naman si Damian dahil sa napanood niya.

Nagulat siya sa pinakitang tapang ni Elara at sa galing ninto sa pag arte, hindi na nga kinailangan ni Elara ng tulong niya at wala na siyang ginawa roon kung hindi maaliw sa pinapanood nyang drama.

"Bro, sorry pero mukhang mas magaling din ako sa'yo sa kama," bulong ni Damian sabay tapik sa balikat ng kapatid niya. Lumabas si Damian at Elara sa bahay.

Habang bumababa ng hahdan ay naririnig nila ang pagdadabog ni Elijah sa loob ng kwarto ni Elara. Napapailing na lamang si Elara dahil paniguradong papaulanan siya ng tanong ni Fernanda, pero wala na rin silang magagawa dahil sisiguraduhin niya na bukas ay makakaalis na rin siya sa pack na 'to.

Naglakad si Elara papunta sa guest house nila Melody, at agad naman siya pinigilan ni Damian. "Saan ka pupunta? Akala ko ba ipagpapatuloy natin ang naudlot nating business sa kwarto ko?" Pilyong tanong ni Damian sabay ngiti kay Elara na parang batang nag iintay ng reward niya.

"Sorry pero may kailangan pa kong gawin," mataray naman na sagot ni Elara, hindi siya pwede mag aksaya ng oras kaya dapat ngayon pa lang ay magawa niya na ang plano niya.

"Hindi ka pa tapos? Akala ko iyon na 'yung plano mo?" Tanong naman ni Damian at sinundan sa paglakakad si Elara. Napansin ni Elara na hindi pa nga siya tinatantanan ni Damian at parang aso na sunod nang sunod sa kaniya.

"Hindi niya ko na saktan, wala akong solif proof na pwede kong ipakita sa council," sagot ni Elara, kinuha niya ang phone niya at minessage si Melody.

"So anong gagawin mo? Sasaktan mo sarili mo?" Tanong ni Damian sabay tigil naman ng paglalakad ni Elara at tumingin siya ng seryoso kay Damian.

"Iyon na nga ang plano ko, bakit pipigilan mo ba ako?" Matamlay ang mga mata ni Elara, parang wala ng gana at pagod na. Kitang-kita ito ni Damian at ramdam niya rin ang kalungkutan sa mga berdeng mata na iyon.

"No, if you think na iyan ang magiging solid proof mo para makawala kay Elijah, then do it, just make sure na hindi sobrang lala," sagot niya at hinawakan ang kamay ni Elara sabay hila rito sa paglalakad.

"Sandali, anong ginagawa mo? Sasama ka pa?" Naguguluan si Elara sa kinikilos ni Damian pero hindi niya maitatanggi na nagbibigay ng kakaibang comfort ang paghawak ng malaking kamay ni Damian sa kaniya.

"Sisiguraduhin ko lang na hindi ka masasaktan ng todo, alam kong kakaiba ka mag isip kapag may bagay kang gustong gawin, minsan hindi mo naiisip na napapahamak ka na," sagot ni Damian sa kaniya at hindi na lamang makimik si Elara dahil totoo ang sinabi ni Damian sa kaniya, ang pinagtataka niya lang ay pano ito nalaman ni Damian.

Matagal na ba siyang pinagmamasdan ni Damian?

"Mel!" Malakas na hiyaw ni Damian sa labas ng pinto at agad na lumabas si Melody na nakapajama na at halatang kanina pa inaantok kakaintay sa kanila.

"The fxck? Bakit kayo magkasama ng dis oras ng gabi?" Tanong ni Melody at hindi pa rin talaga siya masanay sanay na magkasama ang mortal na magkaaway.

"Sampalin mo nga ako, pakilakasan at ibigay mo 'yung todo mo," utos ni Elara kaya lalong nawindang si Melody sa mga pinagsasabi ng bestfriend niya.

"Nahihibang ka ba? Naumpog mo ba ang ulo mo or what?" Tanong niya at si Elara na ang kusang pumasok sa loob ng bahay dahil parang walang balak si Melody na papasukin sila sa loob.

"Pwede rin na iumpog mo ang ulo ko," sagot ni Elara at umiling si Damian habang nakahalukipkip at nakasunod kay Elara.

"No, wag mo subukan baka magising siya sa katotohanan at bumalik siya sa kahibangan niya kay Elijah," side comment naman ni Damian na nakatanggap ng masamang tingin galing kay Elara.

Sumasakit ang ulo ni Melody sa mga naririnig niya, naguguluhannpa siya sa combo ng dalawa na hindi niya talaga inaasahan sa buong buhay niya.

"Guys please? Madaling araw na? Wala ba kayong balak magpahinga? Baka kulang lang kayo sa tulog? And Alpha Damian, aalis na tayo bukas bakit pakalat-kalag ka pa rito?" Sagot ni Melody, madalas niya rin barahin at sagut-sagutin si Damian noong bata pa sila kaya kahit Alpha na 'to ay hindi niya na naalis sa kanya ang ganitong ugali.

"Kailangan niya nga ng tulong natin, so lets help her para makatulog na tayo," sagot ni Damian. Hindi alam ni Mel kung seryoso ba 'to o nilalaro lang siya.

"Alam ko na! Itulak niyo ko sa hagdan," sagot ni Elara na akala mo ay nakaisip ng isang bagong idea na siya lang ang nakakaalam.

"Tsk. Mag siuwian na nga kayo, matutulog na ako," inis na sagot ni Melody dahil patingin niya pinag titripan lang siya ng dalwang 'to.

"Seryoso ako, ibalot mo na lang ako sa kumot at unan saka mo ko itulak sa hagdan," dagdag pa ni Elara at mabilis na tumakbo sa kwarto ni Melody. Nagkatinginan na lamang sila ni Damian at wala na siyang nagawa kung hindi sumunod sa best friend niya.

"Kasalanan ko 'to, kung hindi ko sana sinabi sa kanya na kailangan niya gumanti, hindi mapapasukan ng hangin ang utak niya," bulong ni Melody habang tatawa-tawa naman si Damian at hindi makapag-intay sa iba pang naiisip na plano ni Elara.

"May helmet ka ba d'yan? Pagamit mo muna sa kanya before mo siya itulak sa hagdan," kumento pa ni Damian at gusto na lang maiyak ni Melody dahil mga hibang ang kasama niya.

TO BE CONTINUED

Revenge of a RejectedWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu