Napapaisip tuloy si Elijah sa sarili niya, nagkakaroon na siya ng doubt na baka nga hindi ganoon kaganda ang katawan niya at hindi niya masa-satisfied ang nobya.

"Arrgh! Bukas na ang rejection ceremony kailangan ko siyang mamarkahan para hindi na siya makawala pa sa akin, kahit ma-imprint ko lang ang scent ko sa kaniya para alam ng lahat na akin lang siya at may nangyari na sa aming dalawa," iritableng pagkausap ni Elijah sa kaniyang sarili, pabalik-balik siya ng paglalakad sa harap ng office table niya, ilang araw niya na ring napapabayaan ang trabaho niya.

"Kailangan kong mapakita sa council na mahal namin ang isa't isa at tinatrato ko siya ng ayos, baka makahanap sila ng butas at payagan pa si Elara na makawala sa mga kamay ko." Hindi na maitago ni Elijah ang frustration niya, hindi niya rin alam bakit siya nagkakaganito ngayon na noon naman ay hindi niya ugali.

Kampante at tahimik kang si Elijah noon, gumagalaw lang siya ng patago at hindi nakikita ang totoo niyang ugali. Ayaw niyang masira ang imahe na binuo niya para sa kaniyang sarili, at ano na lang ang mangyayari sa kaniya kung isipin ng mga pack members niya na siya ang may kasalanan kaya nais na makipaghiwalay ni Elara sa kaniya.

'Bakit hindi mo na lang kasi bitawan si Elara, ipakita mo sa kanila na ikaw itong makikipaghiwalay, na si Elara ang problema sa relasyon mo at hindi ikaw,' suwisyon ni Dexter, na naguguluhan na rin sa nangyayari sa kaniyang Alpha.

"Tingin mo hahayaan kong makuha ng iba ang akin? At kapatid ko pa?" Inis na tanong ni Elijah dahil lalong natatapakan ang pride niya dahil mukhang pinopormahan pa ni Damian ang nobya niya.

Hindi naman lingid kay Elijah na noon pa man ay may pagtingin na si Damian kay Elara, hindi lang talaga marunong ipakita ni Damian ang pagmamahal niya kaya madalas ay inaasar niya si Elara para mapansin siya ninto.

"Tsk, isip bata." Bulong niya at lumabas na sa kaniyang opisina, pipilitin niyang makuha si Elara ngayon gabi kahit na sapilitan pa ito ay gagawin niya para lamang hindi maagaw ng iba sa kaniya ang nobya.

Habang si Elara naman ay naghahanda na, saktong wala si Fiona at Fernanda sa bahay nila ngayon at ito na rin ang huling araw na tatanggap ng bisita ang Forestheart pack, ibig sabihin ay ito na rin ang tamang araw para gamitin niya ang baraha niya.

"Kilala ko na si Elijah, alam kong gagawin niya ang lahat para hindi ako dumalo ng rejection ceremony bukas ng gabi," sagot ni Elara sa kabilang linga, kausap niya ngayon si Melody na kinakabahan sa mga plano ng best friend niya.

"Sure ka ba talaga d'yan? Saka pano mo napapayag si Alpha Damian? Ay naku! Kinakabahan ako sa'yo!" Natatawa na lamang si Elara dahil si Melody ang na stress sa lahat ng mga ginagawa niya.

"Basta mamayang madaling araw pupunta ako d'yan sa guest house niyo ah, magpapatulong ako sa'yo at iyon na ang last piece ng plano ko," dagdag pa ni Elara at wala na lang nagawa si Melody kung hindi magbuntong hininga at suportahan ang best friend niya kahit na gulo ang dulot ninto sa kanilang lahat.

"Last na 'to Elara, kapag hindi ka pa rin nakakuha ng solid reason sa rejection mo bukas ay humanda ka sa'kin," sagot ni Melody sa kabilang linya at tatawa-tawa na lang tumango si Elara kahit alam niyang hindi siya makikita ni Melody sa call.

"Osige na, andito na siya," sagot ni Elara at binaba ang tawag, sumilip siya sa labas ng bahay at nakita niya naglalakad papasok si Damian. Napangiti si Elara, hindi dahil sa plano niya kung hindi dahil nakita niya na naman ang fated mate niya.

Agad siyang bumaba sa kaniyang silid at sinalubong si Damian, pagbukas pa kang ng pinto ay sinalubong na kaagad siya ng scent ng Alpha na nagbibigay ng panlalambot sa mga tuhod niya.

"Pasok," maikling aya ni Elara at tumango naman si Damian saka pumasok sa loob ng bahay nila Elara.

"Sure ka ba sa plano mo?" Tanong ni Damian habang naglalakad sila paakyat ng kwarto ni Elara, tumango naman si Elara habang nakatingin sa screen ng phone niya.

Revenge of a RejectedNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ