Namamadali namang bumalik si Elijah dahil nais niyang ibigay ang mga nahuli niya kay Elara katulad ng ilang taong ginagawa niya, akala niya ay siya ang unang makakabalik sa hunting ground pero agad na kumunot ang noo niya nang makita ang bunsong kapatid niya na si Damian, may dala-dala itong malaking elk at isang fox na mahirap hulihin, samantalang siya ang dala niya lang hayop ay isang malaking inahin na boar, wala pa sa kalahati ng laki ng elk na dala ni Damian.

Pero ang mas kinagalit niya ay ang pagbibigay ni Damian ng mga ito sa kaniyang nobya na si Elara, halata sa mukha ng lahat ang gulat at miske si Elara ay nagtataka rin sa ginawa ni Damian kaya alam niyang may plano na naman ang kapatid niya na guluhin ang kasiyahan nila.

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo Damian?!" Napalingon ang lahat sa direksyon n Elijah at miske si Elara ay gulat na gulat sa inaakto nilang dalawa. Pero parang walang narinig si Damian dahil mas lumapit pa ito kay Elara at hinawi ang buhok na tumatakip sa pisngi ni Elara.

"Sino gumawa sa'yo niyan?" Tanong ni Damian at doon lang din na pansin ni Elijah ang pamumula ng pisngi ni Elara at ang nagdudugong gilid ng labi ni Elara.

Agad na umiwas ng tingin si Elara, umakto siya na ayaw niya ipakita sa mga members ng pack ang pananakit na ginawa sa kaniya ni Esmeralda pero ang totoo niyan ay gusto niyang sirain ang imahe ni Esmeralda, gusto niyang kaawaan siya ni Elijah, pero hindi niya inaasahan na si Damian ang unang makakapansin ninto at nagtataka rin siya kung bakit tila galit na galit si Damian.

"Wala 'to," maikli sagot ni Elara at agad naman siyang hinila ni Elijah palayo kay Damian.

"Sabihin mo sa akin, sino ang gumawa sa'yo niyan?" Tanong ni Elijah at umiwas lang din ng tingin sa kaniya si Elara, pinapakita niya sa ibang member ng pack na nakarinig sa usapan nila ni Esmeralda kanina na totoong galit siya kay Elijah dahil sa isa itong manloloko.

"Para saan pa? Wala ka naman ng pakialam sa akin hindi ba?" Tanong ni Elara at inalis ang pagkakahawak sa kaniya ni Elijah, agad siyang naglakad papalayo sa hunting ground at iniwan na naguguluhan ang mga nakakita ng eksena nila.

Habang si Elijah naman ay gulong-gulo sa mga sinabi ni Elara, parang kagabi lang ay nagkasundo na ulit sila pero ngayon ay inaaway na naman siya ninto. Ang hula niya ay ang kaniyang ina ang gumawa ng bagay na ito at sa kaniya lang binuhos ni Elara ang galit at frustration.

Napatingin naman si Damian kay Elara, inintay niyang umalis si Elijah para puntahan ang gumawa ninto kay Elara saka niya naman sinundan si Elara sa kung saan man ito pupunta. Sinakto ni Damian na umalis nung isa-isa ng nagdadatingan ang iba pang kalahok para mawala ang atensyon sa kaniya at hindi siya paghinalaan sa mga plano niya.

"Elara," tawag ni Damian kay Elara, natagpuan niya ito sa hardin sa tapat na naman ng puno at this time hindi na sinisipa ni Elara ang puno kung hindi yakap-yakap niya naman ito. Kumunot ang noo ni Damian pero agad din siyang napatawa sa mga kakaibang ugali ni Elara na ngayon niya lang nakikita.

"Oh gosh!" Napabalikwas ng yakap si Elara at agad na inayos ang pagkakatayo niya, agad siyang yumuko at tinago ang kaniyang mukha dahil lagi na lamang siya nahuhuli di Damian sa mga weird niyang ginagawa.

"Hahaha, anong ginagawa mo d'yan? Kailangan mo ba ng yakap? Oh come here," pag-aaya ni Damian sabay buka ng kaniyang bisig at inaaya na yumakap sa kaniya si Elara. Lalong niyuko ni ELara ang kaniyang ulo dahil baka mamaya ay tumakbo talaga siya sa bisig ni Damian kung hindi niya mapigilan ang kaniyang sarili.

"Pwede ba? Ano bang trip mo? Umalis ka na dito at baka may makakita pa sa atin," sagot ni Elara pero pabor sa kaniya na may makakita sa kanila ngayon ni Damian dahil plano niya gamitin si Damian sa mga plano niya.

"Sigurado ka gusto mo ako umalis? Akala ko ba gusto mong tulungan kita?" Tanong ni Damian saka naglakad papalapit kay Elara. Napatingala si Elara dahil sa katangkaran ni Damian at siya Damian naman ay nakayuko at nakatitig sa maganda at inosenteng mukha ni Elara.

Revenge of a RejectedWhere stories live. Discover now