Kaya niyang ipagtanggol si Elara at gagawin niya ito ng walang pag-aalinlangan, ngunit hindi siya rogue, may pack siyang kinaaaniban at mapapahamak ang pamilya at pack niya kung magkaroon ng madugong labanan dito at alam niyang hindi papayag si Alpha Damian na may masaktan na member niya kaya paniguradong mas lalaki ang away ng magkapatid kung magkaroon ng hindi maayos na pag-uusap ngayon.

"Alam ko, ayoko rin maahamak ka pero ayoko rin maging sunod-sunuran sa kaniya kaya hayaan mo siyang pumasok ng bahay ay puntahan ako rito sa kwarto," sagot ni Elara kay Melody at hindi niya talaga alam kung anong nangyayari sa kaibigan dahil sa malaking pagbabago nito.

"Iiwan kita rito, pero nasa kabilang kwarto lang ako. Sumigaw ka kapag sinaktan ka niya at tatawag agad ako ng tulong," sagot ni Melody at tumango naman si Elara.

Ayaw rin ni Elara na masangkot pa ng mas malalim sa gulong ito ang best friend niya, sapat na tinutulungan na siya ni Melody sa ibang bagay pero ayaw niyang mapahamak ito dahil sa kagagawan niya.

Lumabas si Melody sa kwarto at nakasalubong niya si Elijiha sa corridor, tumango lang si Melody bilang paggalang kay Elijiah at pumasok na sa kabilang kwarto. Humarap naman si Elijiah sa kwarto kung nasaan ang kaniyang nobya.

Nakayukom ang kamao ni Elijiah sa galit dahil sa trato na ginagawa sa kaniya ni Elara ngayon. Natatapakan ang kaniyang pride dahil lang sa isang mahina at mababang omega na nagpapabaliw sa kaniya ngayon.

"Elara, buksan mo ang pinto. Mag usap tayo," utos ni Elijiah at pilit na kinakalma na huwag sumigaw, pinipilit niya pang hindi ipakita kay Elara anv galit niya dahil baka lalo lang siya ninto kasuklaman.

Tumayo naman si Elara nang marinig ang boses ni Eljiah sa likod ng pinto, huminga muna siya nang malalim at inayos ang kaniyang sarili, nilugay niya ang kaniyang buhok at kumalat ang mabangong amoy ng kaniyang pabango.

Naglakad siya papalapit sa pinto at binuksan ito, tumambad sa kaniya si Elijiah na may galit sa kaniyang mga mata ngunit nang makita ng Alpha ang magandang mukha ng nobya ay nais niya itong hawakan at halikan.

Binabaliw siya ni Elara, ang mabangong amoy ng leeg at buhok ninto ay humahalo sa hangin na sing tamis ng cotton candy.

"Anong kailangan mo?" Mataray na tanong ni Elara kaya nabalik sa kaniyang ulirat si Elijiah.

"Ehem," nilinis niya ang kaniyang lalamunan at tumingin kay Elara. "Hindi mo ba ako papasukin sa loob?" Tanong ni Elijiah at umiling naman si Elara.

"Bakit pa? Kaya naman natin mag usap dito." Napakagat sa kaniyang labi si Elijiah dahil matigas talaga si Elara ay hindi nagpapadala sa mga sinasabi niya.

"Ano bang problema? Bakit mo gusto dumalo sa rejection ceremony? Nahihibang ka na ba? Malapit na kitang markahan bilang chosen mate ko, bakit hindi ka makapag-intay at ngayon ay gusto mo pa ng rejection?" Tanong ni Elijiah at bumitaw naman si Elara sa pagkakahawak sa door knob sabay halukipkip.

"Actually gusto ko ng break up at rejection, kaya pwede ba tanggapin mo na lang ang desisyon ko? Tutal omega lang naman ako hindi ba?" Tanong ni Elara, hindi tuloy maiwasan ni Elijiah na magngitngit ang kaniyang mga ngipin sa galit.

"Nakikipag break ka na sa'kin? At sino ka para magdesisyon sa bagay na 'yun?" Inis na tanong ni Elijiah dahilan para lalong kumulo ang dugo sa kaniya ni Elara.

"Ako? Sino ako? Ako lang naman ang anak ni Calisto, ang beta at gamma na nagligtas sa buong forestheart pack. Kaya tanggapin mo na lang ang rejection ko para bigyan ka na ng moon goddessng Fated mate," sagot ni Elara pero umakto siyang nagulat sabay takip sa kaniyang bibig.

"Ay wait, baka nga kilala mo na ang fated mate mo," sagot ni Elara kay Elijiah.

Nagulat si Elijiah at pati si Dexter ay hindi na mapakali sa mga naririnig niya. 'Elijiah, mukhang may alam na si Elara tungkol sa tunay mong mate. Mabuti pang tanggapin mo na lang ang rejection niya para maging handa ka na rin sa pagdating ni Fiona,' kumento ni Dexter sa pamamagitan ng mind link.

Revenge of a RejectedWhere stories live. Discover now