"Yes sir, nire-reject ko po ang anak niyo." Tumingin si Elara kay Elijah na gulat na gulat at naguguluhan sa mga pinagsasabi ng nobya.

Sa wakas ay hinarap niya na rin si Elijah, naglakad siya papalapit rito at tumingin nang diretsyo sa mga mata ng nobyo na nanlilisik na sa galit dahil sa mga sinasabi ni Elara ngayon.

"Ako, si Elara Celestia Arundel, omega at member ng Forestheart pack ay nire-reject si Elijah Reed, ang Alpha ng Forestheart pack," mariin na dineklara ni Elara sa harap ni Elijah.

Nagngitngit ang mga ngipin ni Elijah sa galit at nais na saktan si Elara ngayon pero hindi niya magawang itaas ang kaniyang mga kamay dahil sa mga nakakatakot na titig ni Elara sa kaniya.

Ang mga berdeng mata ni Elara ay parang emerald na kumikinang, para siyang hinihipnotismo nito at inuutusan siyang lumuhod sa harap niya.

Hindi niya mapaliwanag pero miske ang wolf niyang si Dexter ay naririnig niyang umuungol sa takot. Ang pagiging Alpha niya ay walang magawa sa otoridad na nakikita niya kay Elara ngayon.

"Tinatanggap mo ba ang rejection na 'to, Alpha Elijah?" Tanong ni Diego sa kaniyang anak pero ramdam niya na lalong hihigpit ang kapit ni Elijah sa leeg ni Elara.

"A-ako, si Elijah Reed, A-alpha ng Forestheart pack ay hindi sumasang-ayon sa rejection na 'to," kahit nauutal ay pinilit ni Elijah na hindi tanggapin ang rejection ni Elara.

Napahakbang paurong si Elara sa kaniyang narinig, nagtataka siya kung bakit ayaw siyang pakawalan ni Elijah kung alam naman na 'to na si Fiona ang fated mate niya.

Napayukom ang kamao ni Elara at hindi niya na rin maitago ang galit, napaka selfish at greedy ni Elijah dahil ayaw nitong ibigay ang kalayaan niya, pano nito nagagawa na pagsabayin silang dalawa ng stepsister niya.

"Kailangan mong dumalo sa rejection ceremony," seryosong utos ni Elara sa nobyo niya habang nakatingala siya dahil sa katangkaran ni Elijah.

"Inuutusan mo ba akong Alpha mo? Paano kung ayaw ko?" Tanong ni Elijah. Hindi niya magagawang pakawalan si Elara hanggat hindi niya pa nakukuha ang nais niya rito, hanggta hindi niya pa napagsasawaan ito.

"Kakaladkarin kita hanggang sa rejection ceremony hall," mariin na sagot ni Elara na kinagulat ng lahat ng mga nakarinig.

Miske si Fernanda at Fiona ay parang namamalik mata at hindi makapaniwala sa mga lumalabas sa bibig ng mahinhin at inosenteng Elara na kilala nila.

Napatulala si Elijah, ngayon lang siga binastos ng ganito sa buong buhay niya.

Agad na tumalikod at nag walk out si Elara palabas ng gathering hall, iniwan niyang nagkakagulo ang mga member at bisita ng Forestheart pack sa loob ng venue.

Lahat sila ay galit na galit kay Elara sa pambabastos na sinabi nito sa Alpha nila at sa paglaban na ginawa niya. Kung hindi lang siya nobya ni Elijah at anak ng tinuturing nilang hero ng pack na si Calisto ay baka naitapon na siya sa malamig na selda sa ilalim ng pack house.

"Bumalik ka rito! Anong karapatan mong maliitin at bastusin ang anak ko!" Hiyaw ni Esmeralda pero hindi siya nilingon ni Elara at daredaretsyonh umalis sa lugar na iyon.

Inis siyang naglakad papunta sa garden ng pack house, dito siya dinala ng kaniyang mga paa habang pinipigilan ang magwala at sumigaw. Nang mapansin niyang malayo na siya sa kaguluhan at wala ng ibang nakakakita sa kaniya ay pinagsisipa niya ang puno sa kaniyang harapan at doon nilabas lahat ng frustration niya.

"Ang kapal ng mukha mo Elijah! Bakit ba ayaw mo pa ko pakawalan! Nakakairita ka! Sinira mo ang plano ko! Hindi ka na lang nag yes at tinaggap ang rejection ko tutal kaharap mo na rin naman si Fiona! Ahhhh! Bakit ba hindi ako makawala sa sumpa na 'to!"

"Hahaha! Anong ginawa sa'yo ng puno na 'yan para bugbugin mo?" Napalingon si Elara sa boses na pamilya sa kaniya, boses na sinusumpa niya noong bata pa siya.

"Hindi ko alam na kaya mo pala magwala ng ganiyan, sabi ko na nga ba't amazona ka talaga at façade mo lang 'yang mala angel mong mukha."

Kumunot ang noo ni Elara dahil sa pagbilis ng tibok ng puso niya, hindi dahil sa galit kundi dahil sa kaba, tinatawag din siya ng scent ng lalaking nasa harap niya, para nang hinihipnotismo siya at inuutusan siyang halikan ang magandang labi ni Damian.

"Damian Raven Ashford," inis na bulong ni Elara habang hawak niya ang kaniyang dibdib na nagwawala dahil nasa harap niya ngayon ang fated mate niya.

"Damian Raven Ashford," inis na bulong ni Elara habang hawak niya ang kaniyang dibdib na nagwawala dahil nasa harap niya ngayon ang fated mate niya

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Nice to see you again, Elara Celestia Arundel. My fated mate."

TO BE CONTINUED

AN: Will update ulit mamayang 8pm! Kindly comment and votes for more update!

Revenge of a RejectedWhere stories live. Discover now