"Hindi ah, wag mo sabihin 'yan Melody, naka red dress din ang stepsister ko si Fiona, at tawag pansin din ang suot niya," hindi nawawala ang inosenteng ngiti ni Elara sa kaniyang labi habang minomock si Fiona.

Napakagat si Fiona sa kaniyang labi at pinipigilan na mainis at sugurin ang kapatid niya. "Sa katunayan niyan ay regalo pa nila sa akin ang designer bag na 'to, hindi ba sobrang ganda," dagdag ni Elara at sumang-ayon naman ang ibang she wolf na nakapalibot sa kanila.

Lalong nag init ang ulo ni Fiona pero nagawa niya pa rin ngumiti at lumapit din sa kaniyang kapatid. "Hindi ko alam na mag re-red dress ka rin sis, balak mo bang gayahin ako?" Talagang binabaliktad pa ni Fiona ang baraha at nais manalo sa labanan nila.

"Huh? Bakit ayaw mo ba ng pareho tayo? Magkapatid naman tayo so twinning?" Bakas sa tono ng boses ni Elara ang lungkot at nagsimula na magtinginan ang ibang guest kay Fiona, na para bang ang sama niyang kapatid para ikomento iyon kay Elara.

"Ah, hi-hindi naman. Bagay sa'tin ang mga red dress natin coz were sister hahaha." Sobrang plastic ng tawa ni Fiona na pati si Melody ay naiirita na, kung pwede niya hilahin ang buhok nito palabas sa pack house ay ginawa niya na.

"Elara," tawag ni Elijah kaya napatingin ang lahat sa kaniya at binigyan daan ang Alpha upang makapapit sa chosen mate niya, ngunit imbes na salubungin siya ng ngiti ni Elara ay agad itong umiwas ng tingin kay Elijah.

Pansin ng lahat ang pagbabago ng pakikitungo ni Elara kay Elijah, bawat pack members ay alam kung gano kahumalimg si Elara sa alpha nila kaya naman nung hindi ito lumapit para salubungin ang nobyo ay nagtaka na silang lahat.

Bumaliktad ang ngiti ni Elijah nang hindi siya pansinin ng nobya, first time niya makaramdam ng kirot sa dibdib niya na para bang nireject na siya ng chosen mate niya.

"May problema ba? Gusto ko lang sabihin na napakaganda mo naman talaga," dagdag ni Elijah pero hindi pa rin umiimik si Elara.

"Elara, bakit hindi mo ko sagutin?" Tanong ni Elijah pero hindi talaga umiimik si Elara habang hawak niya lang ang kaniyang braso ay nakatingin sa kaniyang balikat.

"Mukhang hindi na siya mahal ni Elara hahaha."

"Natauhan na siguro ang omega na 'yan."

"Mukhang maghihiwalay na sila, okay na 'yun hindi naman sila bagay ng Alpha."

Napuno ng bulungan ang paligid tungkol sa relasyon ng dalawa at hindi nagugustuhan ni Elijah ang mga naririnig niya pero ayaw pa rin siyang pansinin ni Elara na lalong nagpapalala ng suspicion ng mga nakakakita sa eksena.

Nahihiya na si Elijah sa ginagawa ng nobya at hindi maiwasan mainis sa binibigay na treatment sa kaniya ni Elara, nakakatawag na rin sila ng pansin at pinagbubulungan na sa loob ng venue.

"Anong problema rito?" Tanong ni Diego at sumunod na rin si Esmeralda at ang kararating lang na si Francis na inaayos pa ang butones ng polo niya.

Sunod-sunod na dumating ang mga importanteng tao sa scene, handa na ang entablado para kay Elara at nais niya na rito tapusin ang lahat habang nasa harap siya ng pamilyang Reed.

"Alpha Deigo, nais ko po sana dumalo sa rejection ceremony," sagot ni Elara na kinasinghap ng karamihan na nakarinig ng kaniyang sinabi.

"Rejection ceremony? Nais mo bang ireject ang aking anak? Ang Alpha ngayon ng Forestheart?" Nagtatakang tanong ni Diego dahil miske siya ay alam kung gano kamahal ni Elara ang kaniyang anak.

Hindi naman hadlang si Diego sa pagnanais ni Elijah na gawing chosen mate si Elara, pero pabor siya kung hindi matutuloy ang koneksyon na ito dahil kailangan ng malakas na mate para sa anak niya na magbubunga ng malalakas na tiga pagmana ng pack nila.

Revenge of a RejectedWhere stories live. Discover now