"Wow, para sa akin ba 'to? Hindi niyo naman kailangan na mag abala kahit na iniwan niyo lang ako sa bahay ay hindi niyo naman kailangan bilhan pa ako ng regalo, pero thank you mom, thank you sis! Nagustuhan ko ng sobra ang bag na 'to, sasabihin ko kay Papa na niregaluhan niyo ako at hindi niyo ako nakalimutan," masayang sagot ni Elara habang hawak ang black designer bag na gusto ni Fiona.

"Ah— sweetie?" Hindi alam ni Fernanda at Fiona kung pano ipapaliwanag kay Elara na binili nila ang lahat ng iyon para sa kanilang sarili.

"Ang ganda rin ng ibang designer bag na binili niyo, magkano ang mga iyan?" Tanong ni Elara habang pikon na pikon si Fiona dahil ayaw na bitawna pa ni Elara ang bag na gusto niya.

"Ah, mu-mura lang ang mga 'yan, second class design lang saka 'yung ilan imitation lang hahaha," palusot ni Fernanda dahil ayaw niyang sabihin ni Elara kay Calisto na bumibili sila ng mga mamahaling bag kaysa pagtuunan ang mas kailangan nilang paggamitan ng pera.

Nagtataka naman si Fiona kung bakit namamakialam si Elara sa mga gamit nila, samantalang noon naman ay wala itong pakialam at tahimik lang na pinapanood sila sa pagbubukas ng mga shopping bags. Naiirita siya at nais kunin ang designer bag na binili niya pero natatakot siya na baka mahuli sila ni Calisto kapag nakwento ito ni Elara.

"Bakit hindi kayo bumili ng original na bag? Okay lang naman sa'kin kahit gamitin niyo ang bank account ko." Muli, inosenteng binitawan ni Elara ang mga salitang iyon at umakto na walang pakialam habang ang mag ina naman ay namamawis na dahil hindi nila alam na alam ni Elara ang ginagawa nilang scheme sa likod niya.

Agad na nahalata ni Elara na tama ang hula niya, wala siyang alam na bank account niya nga ang gamit ng mga ito pambili sa mga luho nila. Pero dahil sa reaction na binibigay nila ay na kumpira niya na ginagamit nga ng mga ito ang pera niya na tinabi pa ng kaniyang tunay na ina at ni Calisto.

"Ahahaha, hi-hindi pwede 'yun Elara, pera 'yun na pinamana sa'yo ng late mother mo at iniipun din ni Calisto. Hawak ko lang ang bank account mo pero hindi ko magagawang galawin ang pera na 'yun," umaktong nag aalinlangan at nahihiya si Fernanda, hindi talaga ito nagpapatalo sa pagiging best actress.

"Alam ko naman Mom, alam ko rin na sinasave 'yun ni Dad incase na may mangyari sa akin. Pero if kailangan mo ng pera ay pwede ka naman humiram sa akin," sagot ni Elara at nilahad ang kamay niya sa harap ni Fernanda, umaakto na may hinihingi rito na pinagtaka naman ni Fernanda.

"A-ano 'yun?" Kumunot ang noo ni Fernanda habang pinananatili ang pekeng ngiti sa kaniyang labi.

"Yung card ko, ako na po magtatago and maghuhulog na rin kasi ako for my own savings," sagot ni Elara at napahawak si Fernanda sa sling bag niya.

"Ah, wa-wala sa'kin ngayon. Nasa kwarto, mamaya kukunin ko at ibibigay ko sa'yo," sagot ni Fernanda at tumango naman si Elara sabay ngiti at taas ng shopping bag para makita ni Fiona ang designer bag na inagaw niya.

"Thank you ulit sa gift, iingatan ko 'to promise," Pang-aasar ni Elara at umakyat na ulit sa kaniyang kwarto, habang naglalakad paakyat ng hagdan ay narinig niyang nagdabog si Fiona sa kanilang sala na lalo niyang kinatuwa.

Hindi niya akalain na ganito lang kadali na asarin si Fiona, kung marunong lang siyang lumaban noon ay hindi niya mararanasan ang pagmamaliit ng mga ito sa kaniya.

Pagpasok niya sa kwarto ay agad niya sinara ang pinto at binato ang shopping bag sa kaniyang kama, muli niya nakita kung gano kaganda ang bag na nakuha niya.

"Imitation at second class bag ba kamo? Tsk, tingin ko ay nagkakahalaga na ito ng buong sahod ni Dad sa isang buwan bilang gamma. Kapal naman ng mukha nilang gastusin ang perang pinaghirapan ng tatay ko at ang perang iniwan sa akin ni Mama." Lalong kumulo ang dugo ni Elara nang maisip ang mga bagay na iyon, siguro ay marami pang tinatago na baho si Fernanda at Fiona na hindi niya pa nalalaman, at ano na lang ang mangyayari sa kaniyang ama kung tuluyan na siyang namatay at nawala sa landas ng mga bruha na iyon.

Revenge of a RejectedWo Geschichten leben. Entdecke jetzt