"Isang mababang omega lang ako, kailangan ng isang Alpha ang isang malakas na she wolf at hindi ako iyon Melody." Pinanghihinaan ng loob si Elara, sa totoo lang ay nais niya na lang maglaho at hayaan ng mangyari ang mga mangyayari. Oo, gusto niya maghiganti, pero dahil mahina ang loob niya ay nais niya na lang manahimik at magmukmok sa kwarto.

"Niloloko ka ni Elijah, kung alam niya naman pala na kung sino ang fated mate niya at si Fiona naman pala ang pipiliin niya sa huli, edi sana bitawan ka na niya. I reject ka niya ng maayos para makita mo na rin ang fated mate mo," inis na sagot ni Melody, siya na ngayon ang kumululo ang dugo dahil sa mga narinig niyang balita.

Gusto sana sabihin ni Elara na alam niya rin na nilalason siya ni Fernanda at Fiona, pero pano niya ipapaliwanag na nalaman niya ito dahil galing na siya sa future?

"Kung ako sa'yo unahan mo ng i-reject si Elijah," iritableng sagot ni Melody, noon pa lang ay alam niyang pinapaikot na ni Elijah ang best friend niya, pero hindi niya magawang manghimasok sa relasyon nito dahil nakikita niyang masaya si Elara sa piling ni Elijah.

Hindi niya alam na aabot sa ganitong sitwasyon, kung alam niya lang ay paniguradong paghihiwalayin niya na ang dalawa.

"Tama 'yang naiisip mo, for once naman ay lumaban ka. Gumanti ka sa kanila at saka matagal na rin akong naiirita dyan sa boy friend mo lalo na d'yan sa stepsister mo," sagot ni Melody, hindi niya na maitago sa harap ng best friend niya ang pagkainis niya.

"Uuwi bukas sina Fernanda at Fiona, gusto ko na lang umalis sa bahay at ayoko ng makita ang mga pagmumukha nila. Pwede ba akong tumuloy muna sa inyo?" Nagmamakaawang tanong ni Elara kay Melody sabay hawak sa kamay ninto.

Hindi maiwasan ni Melody na maawa sa best friend niya, gusto niyang tulungan si Elara pero aalis nakatira siya at parte ng Nighthraven pack at paniguradong hindi magugustuhan ni Elara doon dahil andoon ang mortal niyang kaaway na si Damian.

"Alam mo naman na papayagan kita, bukas ang bahay namin para sa'yo, ang problema ko lang ay si Alpha Damian, hindi ba't mainit ang dugo mo sa Alpha? Siya lang ang lalaking nagpapalabas ng sungay ng isang anghel na katulad mo," sagot ni Melody at napabuntong hininga si Elara sabay higa sa kama at gusto na magwala.

"Hays, oo nga pala! Mas gugustuhin ko pa tumira sa kalye kaysa makita ang mukha ng lalaking iyon. Paniguradong hindi niya ako titigilan at araw-araw akong pepestehin," reklamo ni Elara at nais na lang ipahinga ang utak niya.

"Pwede ka naman mag stay sa Nighthraven kahit one week lang, kung papayagan ka ni Elijah? Saka sa pagkakaalam ko ay aalis si Alpha Damian para sa isang business trip this month, tatapusin niya lang ang family gathering ngayon dito sa Forestheart pack," paliwanag ni Melody habang nilalaro ang mahaba at makintab na buhok ni Elara.

Kaya nasa Forestheart ngayon ang pamilya ni Melody ay dahil sinamahan nila si Alpha Damian para sa gagawing family gathering ng mga Reed na ginagawa tuwing buwan ng Pebrero.

"Kung ire-reject mo si Alpha Elijah, gawin mo na sa harap ni Fiona. Tas maglayas ka!" Parang demonyo kung bumulong si Melody ng masasamang plano sa tenga ni Elara, pero ang mga idea na iyon ang nagbigay ng thrill sa simple at boring na buhay ni Elara.

Kung tutuosin ay ngayon niya lang susubukan na lumaban, buong buhay niya ay naging mabait na anak siya at stepsister kay Fernanda at Fiona, naging sunod-sunuran at uto-uto rin siya kay Elijah, kaya bago ang lahat ng mga ito sa kaniya.

Kung kanina ay gusto niya na lang sumuko dahil pakiramdam niya ay wala siyang kakampi, ngayon na andito si Melody ay nagkaroon siya ng lakas ng loob para tuparin ang paghihiganti na nais niyang gawin.

"Promise mo ba sa akin na tutulungan mo ako? Kapag umalis ako sa bahay ng isang linggo hindi mo ko iiwan ah! Ikaw na lang ang kakampi ko rito," tanong ni Elara dahil natatakot na siya magtiwala sa kanino man, pero kung si Melody naman ang taong nasa harap niya at nag aabot ng tulong sa kaniya, ay hindi siya natatakot sumugal.

Napatawa si Melody at ngumiti ng pilya sa bestfriend niya. "Kagaya ng sinabi mo, tayong dalawa lang ang magkakampi rito, tutulungan kitang umalis dito at kung gusto mo doon ka na sa pack namin tutal wala naman tumatanggap sayo rito."

Tama si Melody, lahat ng pinapakita ng mga member ng Forestheart pack ay pawang pakitang tao lamang at pakikisama dahil siya ang nobya siya ni Elijah at anak ng dating beta. Outcast lang din siya sa pack na 'to, walang pinagkaiba kung magiging lone wolf siya o pupunta sa ibang pack katuld ng Nighthraven.

"Tatanggapin naman kaya ako ni Alpha Damian?" Tanong ni Elara kahit ayaw niyang pumunta sa pack na 'yun, kung hindi lang dahil kay Melody ay hindi siya magdadalawang isip.

"Hmmm... sigurado ako na may kapalit, pero mabuti na iyon kaysa manatili ka sa bahay na 'to kasama ang step sister mo na fated mate ng magiging ex boyfriend mo."

Naisip ni Elara na tama ang lahat ng sinasabi ni Melody, isa pa kung mananatili siya sa bahay na 'to ay paniguradong gagawin lahat ni Fernanda ang ano mang paraan para mamatay siya.

Hindi lang lason ang kailangan niyang iwasan, marami pang maaaring gawin sa kaniya ang mag ina na iyon. Kaya kailangan niyang mag ingat at makalayo sa kanilang dalawa.

Ang problema niya lang ay pano niya mare-reject si Damian bilang fated mate niya? Pano kung pagtapos niyang ireject si Damian ay palayasin rin siya sa pack at wala ng ibang pack ang tumanggap sa kaniya?

Sumasakit din ang ulo niya habang iniisip niya ang posibilidad na tumira sa Nightraven pack dahil nga sa parati siyang inaaway ni Damian, wala itong ibang ginawa kung hindi mang bully at pahirapan siya. Pero mas mabuti na nga iyon kasya manatili siya sa bahay na ito nang kasama ang stepmon at stepsister niya.

"Elara? Nakikinig ka pa ba sa'kin?" Tanong ni Melody dahil halatang malalim na naman ang iniisip nito.

"Tulungan mo ko makapaghiganti Melody," determinadong sagot ni Elara na kina excite naman ni Melody.

"Omg! Bad girl era na ba ang best friend ko? Don't worry I got you covered," biro nito sabay yakap kay Elara at tanong ng— "So anong plano? Kailan mo gaganapin ang rejection mo kay Alpha Elijah? Bukas ba pag-uwi ni Fiona? O may naiisip ka bang ibang magandang pagkakataon?" Hindi maitago ni Melody ang excitement dahil ngayon niya lang nakita na puno ng galit at remorse ang mga mata ni Elara.

"Sa gaganapin na family gathering ng mga Reed," sagot niya na kinatameme ni Melody, napanganga siya at hindi niya naisip na ganito kaiskandaloso ang best friend niya kapag naging seryoso.

Napalunok si Melody at hindi niya alam kung kakabahan ba siya o mas ma eexcite sa plano ng bestfriend niya. "Seryoso ka ba d'yan? Nasa harap ka ng buong pamilya ng mga Alpha," tanogn ni Melody, nagsisisi na siya ngayon na inimpluwensyahan niya pa ang kaibigan.

"Oo seryoso ako, sa harap ng buong Forestheart pack ay ire-reject ko ang Alpha nila," seryosong sagot ni Elara at ngumiti sa harap ni Melody na nagdulot ng lalong kaba kay Melody.

"Tutulungan mo pa rin ako 'di ba, bestfriend ko?" Muling napalunok si Melody at wala ng nagawa kung hindi sumang-ayon sa mga plano ni Elara.

Isa-isang sinabi ni Elara ang plano niya sa gaganapin na family gathering sa sabado ng gabi, at habang pinapakinggan ni Melody ang mga ito ay unti-unti na napapalitan ng excitement ang kaba na nararamdaman niya kanina.

"Kaya tatawagan ko muna ang pinakamamahal kong si Alpha Elijah, sasabihin ko na dadalo ako sa family gathering nila," sagot ni Elara sabay dial ng phone number ng Alpha niya.

TO BE CONTINUED

Revenge of a RejectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon