Chapter 16 - Confession

Start from the beginning
                                    

"Amh, yeah. Naging busy lang," sagot niya.

Tumango ako at kumain na rin. Nagdadalawang isip pa ako kung tatanungin ko ba siya o 'wag na lang. "Nga pala Lucy." Napatigil siya sa pagkain at nag-angat ng tingin sa 'kin. "May plano akong magpatayo ng sarili kong shop kung saan nando'n 'yong mga design ko."

"Anong mga gusto mong itahi?" tanong niya.

"Pangkasal," sagot ko.

"You want me to be part of your success?"

"Luh, success agad." Nahiya bigla ako sa sinabi niya. Natawa naman siya sa kinilos ko. Ngayon ko lang nakita ang tawa niya. Mukhang unti unti na siyang nagiging kumportable sa 'kin.

"Game ako. Amh, wait. Ang ibig mo bang sabihin ay kukunin mo ako bilang isa sa empleyado mo? Iyan kasi ang pagkaintindi ko."

"At iyan ang ibig kong sabihin," sagot ko.

Nag-usap pa kaming dalawa tungkol sa future plan namin. Nakakatuwa pala kapag may kasama at nakakausap ka sa kapareho mong interes.

Nagpaalam muna ako sa kaniya saglit dahil magbabanyo ako. Saktong papasok na sana ako ng lumabas si Nicole mula roon.

"Nicole," pagtawag ko sa kaniya.

Tumigil siya saglit pero hindi humarap sa 'kin. Bago siya nagpatuloy ulit sa paglalakad.

"Saglit!" Nagulat siya ng makita ako sa harapan niya. Napatigil siya at napaatras.

"N-Naalis na si Teresa sa school. Isang linggo na ang nakakalipas. Pasensya na talaga sa nagawa ko."

"Gusto ko lang magpasalamat." Natigilan siya sa sinabi ko. "Hindi si Marlo ang nagsumbong kay Principal tungkol sa pagnanakaw ng sketch ko. Ikaw daw. Salamat sa pag-amin mo."

"Nakonsensya lang ako, bilang isang future fashion designer. Hindi maganda ang nagnanakaw ka ng gawa ng iba."

"Mukhang magiging magkaaway tayo soon," nakangiting sabi ko.

"Hindi ako magpapatalo sa 'yo. Magiging kilala ang mga gawa ko." Mas lalong lumaki ang ngiti ko ng makitang nag-angat siya ng tingin. Nakita ko sa mga mata niya ang gusto niya sa ginagawa.

Nang matapos kaming nag-usap ay umalis na siya. Naging busy na rin ang lahat pagkatapos ng saya. Lalo na si Marlo, naging busy na rin. Nagkakausap pa rin naman kami, pero hindi na katulad ng dati na panay ang asar niya sa 'kin.

I respect his busy schedule, hindi rin naman madali ang responsibility niya rito sa school.

"Mauna ka nang umuwi mamaya." Pinalobo ko ang pisnge ko dahil sa narinig ko kay Marlo. Nakaharap siya sa nakabukas niyang laptop. Nasa opisina niya ako para tanungin kung kumain na ba siya pero ito agad ang sinabi niya.

"Maghihintay na lang ako." Nakakahiya naman, kapag ako ang natagalan, siya ang naghihintay. Kapag siya ang matagal matapos pinapauwi na lang niya ako. Gusto ko lang maging patas.

"Mauna ka na. Matatagalan talaga ako."

"Kumain ka na ba?" Pag-iiba ko ng usapan.

"Tapos na," sagot niya. Ngumiti siya sa 'kin bago binalik ang tingin sa laptop niya.

Tumango ako at tumahimik na roon. Nahihiya akong umalis. Hindi ko alam kung pa'no magpaalam.

Napatingin ako sa may pinto ng pumasok ang vice president na si Amira. Ngumiti siya ng makita ako bago tumingin kay Marlo. "Kanina ka pa gutom diba? Kumain ka muna."

Agad nag-angat ng tingin si Marlo. Napatingin naman ako sa dalang pagkain ng vice, mukhang lumabas pa siya para mag takeout sa Jollibee. Ramdam kong napatingin sa 'kin si Marlo kaya napalingon ako sa kaniya.

Kiss Of Hate || #1 || COMPLETED ||Where stories live. Discover now