Chapter 16 - Confession

8 0 0
                                    

KOH: CHAPTER 16

KAREN POV

Nilagay ko na sa bag ko ang assignment ko bago ako lumabas sa kwarto dala ang bag ko. Naka school uniform ngunit may suot na black hoodie jacket.

Nakapagpaalam na ako kay Marlo na sasabay ako kay Grace papuntang School, mamayang hapon pa naman ang pasok ni Marlo.

Hinintay ko si Grace sa may fish ball-an. Nang dumating na siya ay inakbayan ko siya at naglakad na kaming dalawa patungo sa ekswelahan.

Mas gusto kong maglakad kasama si Grace, kaysa ang sumakay kami dalawa. Isa na rin sa dahilan ang kuripot kami. Masyado akong naging busy lately, hindi ko rin siya nakasama no'ng bakasyon. Pero kahit gano'n mukhang hindi naman nagtatampo si Grace.

Kahit na hindi na kami masyadong nag-uusap ay ang mga galawan namin ay gano'n parin. Walang pinagbago. Magkaibigan pa rin kami kahit na hindi na masyadong nagbobonding. Babawi rin ako sa kaniya.

Nang makarating kami sa school may trenta minutos pa bago magsimula ang first subject. "Pasensya na talaga, hindi na tayo masyadong nakakapag-usap."

"Ayos lang 'yon ano ka ba. Para ka namang others. Pangarap muna, kahit na hindi na tayo masyadong nag-uusap magkaibigan pa rin naman. Tayka, hindi ako sanay na madrama ka." Natawa ako ng hinila niya ang dulo ng buhok ko.

"Pangarap muna raw, pero balita ko naghahabol ka kay Niro," pagpaparinig ko. Ang cute lang ng pangalan na Niro, naalala ko tuloy ang isa sa triplets ng anak ng Escalante.

"Huy! Siya naghahabol 'no." Nagflip hair pa siya. "Char!" Malakas siyang tumawa pagkatapos. "S'yempre, seek the opportunity nga diba? May chance na maging kami. Bakit pa ba natin hihintayin na ang lalaki ang gumalaw? Kung alam natin na torpe sila, edi tayo ang gumawa ng hakbang."

Napailing nalang ako sa sinabi niya. Hindi mapigilan ang napangiti. No'ng una akala ko trip trip lang ni Grace si Niro pero ngayon, hindi ko pa rin mapigilan ang magulat sa mga narinig ko ngayon ngayon lang sa kaniya. Ang laki na ng pinagbago ng kaibigan ko.

"Ikaw ba? Inaamin mo na bang may gusto ka kay Pres. Mar Lorence Atienza?" Natahimik ako sa tanong niya. Hindi ko alam ang sagot. Gusto kong sagutin siya ng hindi pero parang nagsisinungaling lang ako. Ayaw ko namang sumagot ng oo dahil kukulitin lang niya ako. "Uy! Natahimik siya. 'Di na siya sure sa nararamdaman niya." Irap lang ang isinagot ko sa kaniya.

"Ayan na si Niro o." Nguso ko sa likod niya.

Papalapit sa gawi namin ito. Mukhang hindi naman niya kami napapansin, napahinto lang siya ng hinila siya ni Grace at ipinaharap sa 'kin.

"Good morning, Niro! Nga pala, alam ko na na kilala mo ang kaibigan kong si Karen. Karen, si Niro pala. Future boyfriend ko." Hindi ko mapigilan ang mapabungisngis ng makita ang lukot ng mukha ni Niro. Pilit pang inaalis ang kamay ni Grace sa braso niya. Tumikhim ako para pigilan ang sarili ng sumama ang timpla ng mukha ni Grace habang nakatingin sa 'kin. Mukhang nainis dahil sa pagtawa ko.

"Karen. Nice to meet you Niro. 'Wag mong sasaktan 'yong kaibigan ko ha?" Nakangiti kong sabi sa kaniya.

Kita ko pa ang pag-irap ni Niro bago siya nag iwas ng tingin. "Oo." Natigilan si Grace sa narinig na sagot mula kay Niro habang ako ay pinalobo ko ang pisnge para pigilan ang pagtawa. Ay sus! Pakipot ka pa Niro.

"Alis na ako." Nang tinalikuran ko sila ay doon ko na nilabas ang pinipigilan kong tawa.

As usual sobrang hirap ng mga subjects pero kinaya naman. Nang tanghali na ay nakasalubong ko si Lucy. Napangiti ako at tumabi sa kaniya. "Ngayon lang kita nakita ulit."

Kiss Of Hate || #1 || COMPLETED ||Där berättelser lever. Upptäck nu