"Yes mom, hindi niya pa ako minamarkahan pero kung malaman niyang dinadala ko na ang anak naming dalawa ay panigurado akong gagawin niya na akong chosen mate niya." Malaki ang kompyansa ni Elara na mamarkahan siya ni Elijah dahil matagal na rin nila itong napag-uusapan.

"Pero hindi niya pa nahahanap ang fated mate niya, sis. Pano kung ipagpalit ka niya sa fated mate niya? Pano ang anak niyo?" Napalingon si Elara kay Fiona na nakahalukipkip at nakatingin nang mataray sa kaniya, napayuko si Elara dahil alam niyang maaaring mangyari ang bagay na 'yun pero nais niya pa rin magtiwala kay Elijah na kaniyang chosen mate.

"Hindi ako magagawang ipagpalit ni Elijah, malaki ang tiwala ko sa kaniya." Ngumiti na lamang si Elara sa kaniyang kapatid at nagbikit balikat si Fiona sabay punta sa kusina at abot ng gamot ni Elara.

"Sabagay, matagal na rin naman kayong in relationship. Sigurado akong wala ng makakapaghiwalay pa sa inyo." Napangiti si Elara sa sinabi ni Fiona at kinuha ang gamot na inabot sa kaniya ng step sister niya.

"Kaya uminum ka ng gamot para gumaling ka na at maalagaan mong maigi ang baby mo. And don't worry hindi naman makakaapekto ang gamot na 'yan sa baby mo," dagdag pa ni Fiona at dahil malaki ang tiwala ni Elara sa kaniyang step sister at step mom ay ininum niya ang maintenance drug para sa sakit niya.

May kakaibang sakit kasi si Elara na nagpapahirap sa katawan niya, isang sakit na dahilan kung bakit hindi niya magamit ang full potential niya bilang Lycan, hanggang ngayon din ay hindi pa nagigising ang wolf niya kaya rin siya nilagay sa rank na omega, hindi katulad ng kaniyang ama na isang gamma at dating beta.

"Aalis muna ako, hanapin ko muna si Elijah dahil hindi niya sinasagot ang tawag ko. Sasabihin ko sa kaniya ng personal na buntis ako," masayang paalam ni Elara sa dalawa at ngumiti naman ang mga ito sa kaniya sabay kaway.

"Mag iingat ka ah, bumalik ka before mag dinner." Paalala ni Fernanda at ngumiti naman si Elara saka kumaway sa kanila.

Nang maiwan sa bahay si Fiona at Fernanda ay agad nagbago ang mga reaction nila, ang kaninang nakangiti at masayang mukha nila ay napalitan ng pagkairita at galit na kanina pa nila tinatago sa harap ni Elara.

"Pano nangyari 'yun mom? Pano pa siya na buntis kung nilalason na na'tin siya? Kailan ba mamatay ang babaeng 'yan?" Inis na tanong ni Fiona habang hindi niya mapigilan na kagatin ang kuko sa hinlalaking daliri.

"Tsk, hindi ko rin alam kung pano nangyari 'yun, huwag ka mag-alala hindi mapapasakaniya si Alpha Elijah at sisiguraduhin ko na mamamatay rin ang babaeng 'yan." Sagot naman ni Fernanda sabay kuha ng phone niya.

"Hello, Aljern. Oo, kailangan ko ulit ng drugs na 'yun pero this time 'yung mas malaking dosage ang kailangan ko. Dalian mo at ipadala mo agad sa bahay ko hanggat wala si Calisto." Agad na binaba ni Fernanda ang tawag at gumuhit ang malapad ng ngiti sa kaniyang labi.

"Sisiguraduhin kong mawawala rin sa landas natin ang babaeng 'yan. Hindi siya maaaring maging Luna ng Forestheart pack."

Walang kaalam-alam si Elara sa binabalak ng dalawa, buo ang kaniyang tiwala kay Fiona at Fernanda pero ang hindi niya alam ay pinapaikot lamang siya ng mga 'to at nais kunin ang ano mang sa kaniya.

Sa paglalakad ni Elara papuntang pack house ay nakasalubong niya si Damian, ang bunsong kapatid ni Elijah at ang black sheep ng pamilyang Reed. Kapatid ni Elijah si Damian sa ina, tatlo silang magkakapatid na iba't ibang babae dahil kilala ang kanilang ama sa pagiging babaero nito.

Si Damian Raven Ashford, kinuha ni Damian ang apilyido ng kaniyang ina at naging Alpha ng Nigthraven pack na kilala sa pagiging mabangis at walang awang pack sa buong Summergrave.

Si Damian din ang mortal na kaaway ni Elara dahil bata pa lamang sila ay hindi na sila magkasundo at parati siyang binubully ni Damian kaya naman tuwing magtatagpo ang landas nilang dalawa ay nakakunot na agad ang noo ni Elara at ayaw ng makita pa si Damian. 

Pero hindi niya akalain na sa muling pagkikita nila dalawa pagtapos ang apat na taon ay magiging isang gwapo at matipunong lalaki ang batang kaaway niya noon.

Napatigil si Elara at napatingala sa katangkaran ng binata, may malapad itong dibdib at malapad na balikat, tan ang kulay ng balat na bumabagay sa itim niyang buhok at gold na mata. Hindi rin mapigilan ni Elara na mapatitig sa mahabang peklat na nasa kaliwanag mata ni Elijah, marka ng pakikipaglaban nito para sa Nightraven pack.

Hindi alam ni Elara kung bakit bumibilis ang tibok ng kaniyang puso habang nakatitig sa maganda at mapungay na mga mata ni Damiam. Unang beses niya maramdaman ang kakaibang sensasyon sa kaniyang buong katawan na tila ba may kung ano pumipigil sa kaniya para humakbang papalayo kay Damiam.

Ang amoy ng binata ay nagpapahina sa kaniyang mga tuhod, amoy ng paborito niyang vanilla na may halong amoy ng dagat na para ba siyang dinadala sa mainit ngunit presko na pakiramdam ng dalampasigan.

"Nararamdaman mo rin ba, Elara?" Tanong ni Damian na kaniyang pinagtaka, tumaas lamang ang dalawang kilay niya bilang sagot sa binata at agad na napailing si Damian sabay hawak sa kaniyang batok.

"Hindi mo ba nararamdaman na fated mate tayo?" Nagulat si Elara nang makita ang bagong reaksyon sa mukha ni Damian na ngayon niya lang nakita sa buong buhay niya, namumula ang mga tenga ninto habang hindi makatingin sa mga mata niya.

Pero ang mas kinagulat niya ay ang tanong ni Damian sa kaniya.

Hindi alam ni Elara pano niya ipapaliwanag kay Damian ang sitwasyon niya, hindi niya alam pano niya sasabihin na pinagbubuntis niya ang anak ni Elijah. Napayuko si Elara at buong pusong ni reject si Damian dahil sa pagmamahal niya para kay Elijah at sa anak nila.

"Patawad pero, ni re-reject kita bilang fated mate ko, Alpha Damian."

TO BE CONTINUED

Revenge of a RejectedWhere stories live. Discover now