Narinig kong pinauwi na muna ni Mama si Drake at hayaan na palamigin ang ulo ko. Ayoko sa lahat ay yung huli na pero nagagawa pang magsinungaling.


--


Bigla akong nagising ng magvibrate ang cellphone ko at may natanggap akong text mula kay Ethan.

[Maghihintay pa din ako. Aantayin kita.] 

Nang mabasa ko yung text ay tumayo ako agad sa kama at mabilis na nagbihis.

"Ma, aalis lang po ako. Babalik din ako agad, or baka hindi na muna." di ko na inantay yung sagot ni Mama at dali daling pumara ng taxi papunta sa Paradise. Ano bang trip niya at nagawa niya pa akong intayin? Halos anim na oras na siyang nag aantay don! Alas-diyes na ng gabi at inaantay pa din niya ako? 

Tumakbo ako papunta sa puno at nakita kong umiiyak siya. 

"Mukhang di na siya dadating, p-pero hindi d-dadating siya alam k-ko." narinig kong sabi niya sa sarili niya. Nasa likod ako ng puno, di ko alam kung lalapit ako or what, kinakabahan ako at the same time naguiguilty ako dahil di ko siya sinipot sa tamang oras. 


"S-sabi ko na nga ba dadating ka." nagulat ako ng nasa tabi ko na siya at di na ako nakapagsalita ng yakapin niya ako ng sobrang higit, yakap na ayaw niya na akong pakawalan. Ito ang pangalawang yakap na natanggap ko mula sa kanya simula nung magkita kami sa Bar. Di ko alam sobrang namiss ko to, namiss ko ng sobra na maikulong akong muli ng mga bisig niya. Bigla kong naalala si Drake, itutulak ko na sana siya dahil sa kaisipang nagtataksil ako pero ng maalala kong nagtaksil siya sakin ay di ko na ginawa. Inenjoy ko lang yung yakap niya sakin, at oo nagustuhan ko ng sobra.

"T-thank you sa pagpunta. You did'nt know how much happy i am that you're here, infront of me and the one that im hugging right now." naramdaman kong may tumulong tubig sa damit ko, alam ko luha niya yon.

Lumayo siya sa yakap at tinitigang maigi ang mukha ko, at parang di siya makapaniwala na nandito ako ngayon sa harap niya."Im real Ethan, nandito ako." pilosopo kong sabi para naman mawala yung awkward feeling na nararamdaman ko."Im sorry, i just can't believe that your here." malambing niyang sabi na nagpabilis ng tibok ng puso ko. 


Umupo kami sa ilalim ng puno, di naman madilim ang paligid dahil na din may mga poste ng ilaw sa paligid.


"It's been a year now pero walang pinagbago ang place, ang ganda at ang linis pa din." mahina kong sabi. Naramdaman ko kasing nakatitig lang siya sakin habang ako ay sinusuri at tinitignan ang paligid.

"Di'ba?" humarap ako sa kanya na ikinagulat niya kaya napayuko siya.

"Y-yes." tipid niyang sagot.


"Anyway, ano nga pala ang sasabihin mo? At bakit nag-antay ka pa ng ganoong katagal? You even waste your time! Pano kung hindi ako nagising sa text mo? Edi inabot ka ng maaga dito?!! Baliw ka talaga!!" naiinis kong sabi, until now naguiguilty pa din ako dahil he waste time para lang antayin ako.


He cupped my face at iniharap sa kanya. Yung mga tingin niya na sobrang lalim na pakiramdam ko ay tinutunaw ako, ay naging dahilan ng pagkarera nanaman ng puso ko. I thought i finally moved on over him? pero bakit ang wild parin ng tibok ng puso ko pagdating sa kanya?


"I can wait until forever, and don't ever say that again na nagsayang lang ako ng oras, dahil shaira-- Pagdating sayo walang naaaksayang oras, araw, buwan at taon. Handa akong mag-intay hanggang sa dumating ka, hanggang sa- bumalik ka. And yes, im crazy. Because until now, i still loved you, only you. Mahal na mahal pa din kita." Napatahimik ako sa sinabi niya at naawang pa ang bibig ko habang damang-dama ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko na parang anytime ay kakawala na to' mula sa dibdib ko, hindi ko maexplain pero ang sarap sa pakiramdam ng sabihin niya sakin yun. 


How i really wanted to hear that magic words from him.



---


UPDATE NA KAHIT WALANG BUMOBOTO! :) boto na kasi haha. para sipagan na ko mag-update. Maglabasan na sana ang mga silent reader dyan wala namang masama sa pagboto :) LOVE'YA ALL!


-EIGHTFINITY☺

Started with a Fake Relationship (COMPLETED)Where stories live. Discover now