Chapter 28

61 2 1
                                    

Jessica POV

Not necessary things should be avoided pero bakit hindi ko maiwasang tingnan si Clarity. Kahit kanina ay hindi ko inaasahan na nandito siya. Wala naman siyang ginagawa at minsan nagce-cellphone lang siya tapos kapag nagsawa ay papanoorin kami sa ginagawa namin. Puno ng katahimikan ang sala, cellphone lang ni Clarity ang minsang nagdadala ng ingay.

Napapansin ko din ang panay tingin niya kay Hyder, dahilan upang magtaka ako ng sobra. Alam kaya ni Trisha na nandito siya? Napapansin kong hindi sila masyadong magkasama. Dati, halos hindi maiwan ang katawan nilang dalawa.

"Hoy!" Mahinang siko sa akin ni Iver na kanina ay lumipat sa tabi ko. Hindi ko alam kung anong nakain niya, e, sobrang ayos ng pwesto niya kanina, tapos bigla siyang lumipat dito.

Nasa sahig lang kasi kami ni Clark dahil hindi masyadong malaki ang mesa dito sa sala.

"Hindi matapos-tapos ang ginagawa mo dahil panay ka tingin ni Clarity." Bulong niya sa akin. Halos lumalapit ang mukha niya sa akin habang nagsasalita siya. Hindi agad ako nakapagsalita dahil pakiramdam ko namumula na ang pisngi ko.

Umiling ako. "Hindi lang ako makapaniwala na nandito siya." Sabi ko.

"Kahit ako din. Nagulat na lang ako na kasama na siya ni Clark." Aniya. Bumaling ako kay Clarity. Ano bang gagawin ko sa kanya? Should I entertain her? Baka kasi ma-out of place siya dito. Bakit kasi hindi na lang siya pumasok?

"I'm hungry. Gagawa lang ako ng makakain natin." Biglang sambit ni Hyder sa kalagitnaan ng ginagawa niya. Hindi kami sumagot at tumayo siya papuntang kusina.

"I'll help," mabilis pa sa alas kwartong tumayo si  Clarity at sumunod kay Hyderson.

Kumunot ang noo ko. May nararamdaman akong hindi maganda at hindi ko alam kung bakit. Bakit nga ba? Baka naman gusto niya lang talagang tumulong. Wala ng ibang dahilan.

"Jess, ano ba!" Napalingon ako sa naiiritang si Iver. "Gawin mo na kasi 'yan!" Galit niyang sabi sa akin. Tumingin ako sa white border ko at wala pa akong nasimulang iguhit kahit isang linya lang.

"Hayaan mo na si Clarity dito, baka may iniisip na problema kaya hindi pumasok." Ani Clark. Napatingin ako sa ginuhit niyang bahay at halos gusto kong ihampas ang border ko dahil sa ganda ng ginuhit niya samantalang ako wala pang nasimulan.

Hindi ko na iyun inisip at nagfucos nalang sa PIT ko. Buti na lang talaga at wala kaming pasok ngayon, nagkaroon pa ako ng oras para gawin ito.

Trisha POV

"Mag-isa ka lang?" Tanong ko kay Melanie nang maabotan ko siya sa library nagbabasa. Ngumiti siya nang inangat niya ang tingin sa akin.

"Hmm." Umiling siya. Umupo ako sa harap niya.

Kahit papaano ay namiss ko din siya. Ilang buwan din kaming hindi magkikita. Madalas lang din kami nagcha-chat sa social media, kaya hindi naging ganun ka close samahan namin. But I'm still thankful dahil pinapansin niya pa rin ako.

"Kamusta ka naman?" Nakalimutan ko na ang araw na nagkita kami ulit pagkatapos ng bakasyon. Napapansin kong palagi siyang nag-iisa, ewan ko lang kung anong nangyari sa kanila ni Jess.

"Okay naman. Medyo naging busy ako dahil sa tambak na PIT. Ikaw? Kamusta kayo ni Hyderson?" Ngiting tanong niya sa akin.

"Okay lang din. Naging busy rin kaming dalawa kaya naging madalas ang pagsasama namin." Sabi ko.

Tumango siya. "Mabuti naman." Pagkatapos no'n tahimik kaming dalawa. Busy siya sa pagbabasa dahil sa papalapit na Prelim, next week na 'yun.

"Can I seat in?" Napaangat ako ng tingin sa nagsasalita at bumungan sa amin si Lino. Nakangiti siya sa akin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 04, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ang Maldita Kong GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon