Chapter 16

103 10 2
                                    

Chapter 16

Trisha POV

"Kamusta pakiramdam mo? May masakit ba sayo? Gusto mo ba ng tubig... Kumain? Nagluto ako ng paborito mo." Pagkagising ko ay nakita ko na si Clarity na naka-upo sa kama niya kaya naman dali-dali akong bumangon at lumapit sa kanya. Umupo ako sa upoan kung nasaan ay nasa tabi lang ng kama niya.

Kahit medyo pagod at malungkot ang mga mata niya ay nagawa niya pa rin'g ngumiti sa'kin. "Tubig na lang." Mahinang sabi niya.

Aligaga akong kumuha ng tubig na nasa said table at pina-inom sa kanya. Binigay niya ulit sakin ang baso at nilapag ko ulit sa mesa.

Kaming dalawa lang ang nandito dahil nasa hospital si Kuya. Hindi niya daw kayang lumiban dahil umuulan ng pasyente ngayon. Dadalaw na lang daw siya dito pagkatapos. Samantalang sina Mommy at Daddy naman ay may inisikaso. I don't know kung sa companya ba 'yun.

Wala namang maaasahan samin kundi ako na lang, eh. Hindi na ako umuwi sa bahay pagkatapos naming mag-date ni Hyder kahapon. Dumeretso na agad ako dito dahil umaasa ako na baka gising na siya. Pero masaya ako at ngayon ay gising na siya.

"May kailangan ka pa ba?" Tinignan niya lang ako sa mata na kulang na lang ay babagsak na ang luha niya. Walang salita ay niyakap niya agad ako.

"Dito ka lang, ha?" Aniya. Dahil hindi ako naging komportable sa posisyon namin ay umupo na lang ako sa kama niya upang mayakap niya ako ng mahigpit.

Hinagod ko ang likod niya at niyakap siya ng mahigpit upang maramdaman niya na hindi siya nag-iisa. Dahil gising na siya, gusto kong malaman kung bakit siya nabobog.

Kagabi pa kasi ako hindi nakatulog. Nanatili ang tingin ko sa kanya habang maraming tanong ang pumapasok sa isipan ko.

"Hmm. Hindi ako aalis." Sagot ko naman. Naramdaman ko ang luha niya, kasabay ng paghikbi. "It's okay. Walang mangyayari sayo ng masama." Pagpagaan ng loob ko. Baka kasi kung ano-ano na lang ang iniisip niya.

"Nga pala..." Kailangan kong itanong sa kanya 'to. Para naman kahit papaano ay may idea ako kung bakit nangyari sa kanya 'to. Kumalas ako sa yakap niya at pinaharap siya. Pinunasan niya ang luha niya. "Saan ka ba pumunta kagabi at... nagkabobog ang mga paa mo?"

Tinitigan niya lang ako sa mata na para bang nahirapan siyang magsabi sakin kaya walang salita ang lumabas sa bibig niya. Yumuko siya. Gayun pa man, ay hinihintay ko ang sagot niya.

"Pumunta ako sa bahay ng kaibigan ko. May litrato kasi siyang pinakita sakin at hindi ko nagustohan 'yun. Dahil sa inis ko, hinablot ko 'yun at tinapon sa sahig. Aalis na sana ako pero... hindi ko napansin ang mga basag na salamin kaya ayun... naapakan ko." Sa wakas ay kweninto niya din.

"Sana tinawagan mo 'ko para masundo kita. Ayan tuloy ang inabot mo. Magawa pa sanang gamutin 'yan ni Kuya at hindi tayo aabot sa hospital na 'to." Mahinang sabi ko sa kanya.

"Paano ang pag-aaral ko? Lunes na bukas,"

Ngumiti ako at umiling. "'Wag kang mag-alala, tinawagan ni Mommy ang Dean kahapon. Sinabi niya ang tungkol sa nangyari."

Ngumiti siya sakin, kaya naman ngumiti na rin ako. Niyakap niya ulit ako. Hiniling ko na sana ito na ang huling araw namin sa hospital na 'to. Kung kailan naka-uwi na siya ay 'tsaka pa 'to nangyari. Dahil sa bwesit na litrato na 'yun.

Ang Maldita Kong GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon