Chapter 26

75 1 0
                                    

Clarity POV

Bagay naman sila. Sana hindi siya lolokuhin ni Iverson. Knowing him, marami siyang napaiyak at nagamit na babae kaya hindi na ako magtataka kung sasaktan niya si Jess. But... naging malaki ang pinagbago niya ngayon. Hindi ko na siya nakikitang may kasamang ibang babae. Dati kasi, aabot sa Lima o anim na babae ang papalit-palit niya bawat minuto sa isang araw. Well, at least... hindi na siya ganun ngayon.

Napangiti nalang ako habang pinag-masdan ang dalawa. I won't judge naman. May sariling mundo ang dalawa kaya ayuko nang makialam pa. Ngumiwi ako at tinalikuran sila. Nagtungo akong counter upang bayaran ang binili ko. Lumabas ako at nagtungo sa kotse. Pinaandar ko ang makina at sumabay ang pagtunog ng cellphone ko.

Kinuha ko ito at tiningnan ang screen. Anika's calling...

"Hello?" Sabi ko nang masagot ko ang tawag. Hindi muna ako umalis at hinintay na matapos ang tawag. Baka mabangga pa ako 'pag nagmamaneho habang may katawag sa phone.

"Girl!" Tili niya kaya medyo nalayo ko ng kunti ang cellphone ko.

"Grabe! Ang aga pa Anika!"

"You never gonna believe this!" Aniya pa. Kumunot ang noo ko. Ngayon palang, alam ko nang may ichi-chismis na naman siya sa akin.

"Ano ba 'yun? Sabihin mo na may klase pa ako!"

"Sus! Alas nuwebe pa, girl! Pumunta ka dito sa bahay! May sasabihin ako sayo!" Tiling sabi niya.

"Hindi ba pweding dito nalang?" Ang layo ng bahay niya.

"Dito na lang! Mas maganda kasi sa personal tayo mag-usap para naman makita ko kung paano ka kiligin." Aniya. Ako? Kiligin? Saan?

"Okay?"

"Pumunta ka na lang dito. Bilisan mo!" Huling linya niya bago ako pinatayan ng tawag.

Taka akong napatingin sa cellphone ko. "Hindi ko siya maintindihan." Natawa ako ng mahina nang maisip ang etsura ni Anika. Yeah, she's always like that. Pwera na lang kay Emmy na kamalditahan niya ang pinapakita.

Nagtungo ako sa bahay nila. Sa sobrang layo ay halos umikot na ang braso ko sa kakaikot ng manubela. Ewan ko ba kung bakit pasikot-sikot ang daan patungo sa bahay nila, kung may highway naman. Hindi na ako nagdoorbell pa at pumasok na nang deritso. Sa bahay nila, ako lang ang may karapatang pumasok nang hindi nagdo-doorbell. I don't know why pero... siguro dahil kaibigan nila ako at ganun kalaki ang tiwala nila sa akin.

"Emmy!" Tawag ko sa kanya nang naabutan ko siya sa kitchen. Pagkapasok mo palang kasi sa bahay nila, ay makikita mo na ang kitchen, sala at hagdanan patungo sa pangalawang palapag.

May kinuha siyang cake sa may oven bago ako nilingon. "Hi, Clary!" Ngiting bati niya at hinapag sa may lababo ang cake molder. "Anong ginagawa mo dito?" Baling niya sa akin ulit.

Oh, hindi niya alam na pupunta ako. Mukhang hindi sinabi ni Anika sa kanya. "Pinapapunta kasi ako dito ni Anika. May sasabihin daw siya sa akin."

"Ah...okay," tumango siya at ngumiti. "Nandoon siya sa kwarto niya." Tumango ako at umakyat.

Pagpasok ko sa kwarto niya ay nakita ko siyang nagme-make up sa harap ng salamin. "Girl!" Nagulat ako nang lumingon siya sa akin, ay bigla siyang napasigaw. Gaano ba kaimportanteng pakinggan ang sasabihin niya?"

"So? Anong sasabihin mo?" Lumapit siya sa akin at umupo kami sa kama niya.

"Wala ka bang iku-kwento sa akin?" Ngiting Sabi niya. Lumabas ang pagtataka ko.

Kumunot ang noo ko. "Excuse me, ikaw ang nagpapunta sa akin dito kasi sabi mo, may ichika ka sakin." Kunway pananaray ko sa kanya.

"But I was expecting na alam mo na."

Ang Maldita Kong GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon