Chapter 13

104 9 2
                                    

Chapter 13

A/N: Intindihin niyo nalang po grammatical error ko. Lalo na sa English. Pero kung may mali sa grammar, comment niyo na lang para mai-tama ko hehehe.

****

"Date tayo bukas!" Ngiting sabi ko sa kanya. Wala na akong ibang maisip para mawala ang inis niya sakin.

"Saan naman?!" Nararamdaman ko pa rin ang pananaray niya sakin mula sa tono ng boses niya.

Nagpatuloy kami sa paglalakad habang ako ay kumakain ng chichirya. Kahit naka-side view siya sa tabi ko ay kapansin-pansin pa rin ang pagtagpo ng kilay niya. Kahit kailan hindi ko talaga magawang pantayan ang galit niya. Ni kahit anong gawin ko upang kumalma siya, ay walang epekto sa kanya.

Ang bilis niya kasing mapikon. Well, hindi na bago sakin 'yun. Kahit katulong pa lang niya ako, pinapagalitan na niya ako.

"Sa restaurant!" Sagot ko naman.

Medyo nagkaroon ng meeting ang mga guro ngayon kaya nagkaroon kami ng oras. Wala naman talaga siyang balak lumabas, kaya naman ginawa ko ang lahat para maglakad kami.

"Restaurant? Tapos mapunta sa street food?" Taas kilay niyang sabi sakin.

"Umiba kasi ang sikmura ko no'n. 'Yun lang naman 'yun, eh! Hindi na mauulit, promise!" Mabilis ko siyang pinaharap sakin sabay taas ng kamay habang nakangiti.

Tinitigan niya ako ng mabuti kaya naman mas pinalaki ko pa ang ngiti ko para lang pumayag siya. Nanatili siyang nakatitig sakin. "Please?" Nagpuppy eyes pa ako sa kanya dahil hindi nagbabago ang malamig na tingin niya sakin. Doon pa lang parang hindi na siya papayag... kahit ano pa ang gawin ko.

"Ewan ko sayo!" Aniya at mabilis akong tinalikuran.

Naiwan akong nakanganga sa inasta niya. Hindi talaga siya pumayag. Hinabol ko siya at kinabit ko agad ang kamay ko sa braso niya at pinilit siya nang pinilit.

Clarity POV

I was roaming around the campus while smiling. It's been almost month since huli kong pasok dito. Hindi pa rin nagbabago ang pagilid, ang ganda pa rin. I really miss this school. Plano ko naman talaga sanang hindi na dito mag-aral dahil... Hindi ako komportable? I don't know.

Pero ayukong mawalay sa kapatid ko. Kahit isang taon na rin kaming mag-sama, hindi sapat sakin 'yun dahil sa ilang taon siyang nawala sa 'min... kahit sa tabi ko. Kahit no'ng nasa New Jersey ako, I'm still think na she's gone. Na nawala na naman siya at kailangan ko na naman siyang hanapin, 'yun kasi ang nararamdaman ko. Kahit ang totoo no'n ay... miss na miss ko na siya.

"Hahaha! Love, stop it!"

I heard Trisha's voice.

Sinundan ko 'yun. She's with Hyderson. Smiling and laughing each other. Kahit nakatalikod sakin ang kasama niya ay pakiramdam ko ay nakangiti din ito sa kanya.

Hyder was trying to tickle her, pero kapatid ko naman ang sinubukang umiwas. Gawain niya talaga 'yan. Kahit no'ng kami pa ay-- mabilis ako tumalikod sa kanila. "No! You don't have to bring up the past, okay?" Kunsinti ko sa sarili. Bumuga ako ng hangin at sinubukang pakalmahil ang sarili.

I hate this feeling.

Tinahak ko agad ang daan papuntang Dean Office nang nakayuko. Hindi ko alam kung anong meron ngayon at nasa labas sila. Wala ba silang class? And yes, kasama ko si Mommy upang ayosin ang papers ko para dito. Upang makapasok ulit ako. I hope kaklase ko si Trisha.

Nabigla agad ako nang may sumalubung sakin na babae kaya naman nagkabanggaan kami.

"Oh, I'm sorry..." Mabilis kong pinulot ang mga nahulog niyang gamit.

Ang Maldita Kong GirlfriendWhere stories live. Discover now