Chapter 14

85 11 0
                                    

Chapter 14

Hyderson POV

Pinigilan na ako ng nurse nang pumasok sila sa emergency room. Dali-dali kong dinail ang number ni Trisha at sinabi sa kanya ang nangyari kay Clarity. She was panic. Narinig ko pa sa telepono ang pagtawag niya sa mga magulang niya habang umiiyak. Agad kong pinatay ang tawag.

Well, I hope Clarity is okay.

Ilang minuto akong naghintay bago ko narinig ang tawag sakin ni Trisha. Tumakbo agad siya sakin at niyakap. Na para bang ako pa 'yung nasugatan. Napaka-arte niya.

"Okay ka lang din ba?" Pag-alalang tanong sakin ni Trisha. Nakita sa mukha niya ang luha kaya naman pinunasan ko ito.

"Yeah, I'm fine, don't worry." I hug her back dahil mas lalo siyang umiyak sa pag-alala.

"How is she?" Tanong ni Tita sakin. Nakita ko agad ang pag-alala sa mukha niya.

"She's still in emergency room. Hintayin na lang natin ang doctor." Sabi ko.

Bumuga siya nang hangin habang pinilit kumalma. Pinaupo siya ni Tito sa may upoan habang hinagod ang likod nito, ganun din ako kay Trisha. Pinaupo ko siya habang pilit pakalmahin.

Hindi ko alam kung gaano katindi ang sugat niya, pero sana hindi 'yun lalala. Sa pagkakaalam ko, papasok na siya soon. Baka maudto pa ang first day of school niya nang dahil lang sa sugat niya.

Kung alam ko lang ang nangyari, mas ikakaluwag ng damdamin ng pamilya niya. At least, kahit paano ay may alam sila sa pangyayari. Magagawa pa siyang gamutin ni Kuya Jasper. Hindi ko na naisip kung saan hospital nagtatrabaho ang Kuya niya. Basta! Nahagip sa paningin ko ang hospital na 'to kaya dito ko na dinala si Clarity.

Naghintay kami nang ilang oras sa waiting area. Hindi rin naman ako basta-basta na lang uuwi dahil alam kong kinakailangan ako ng girlfriend ko.

Malamang, galit na sakin ang kapatid ko ngayon. Sana mall ngayon si Clark. Tinawagan niya ako upang sunduin siya, eh, kaso nga nangyari ang pagsalubong namin ni Clarity kaya hindi ko na nagawang pumunta doon. Hindi ko rin siya magawang i-text dahil nasa kotse ang cellphone ko.

Maya-maya ay lumabas ang doctor dahilan upang sabay-sabay kaming napatayo. Saktong dumating si Kuya Jasper kaya naman mabilis din lumapit si Trisha sa kanya upang yakapin siya.

"How's my daughter?" Tanong ni Tita. Kapansin-pansin ang pamamaga ng mata niya.

"Uhm... nakuha na namin ang bobog sa paa niya. Sa ngayon, 'wag muna natin siyang pasuotin ng sapatos. She got collapse kanina, kaya kailan lang nating hintayin ang gilis niya." Sabi ng doctor niya. Hindi ko napansin ang pagkawala niya ng malay. Buti na lang at sa ER nangyari 'yun at hindi sa kotse.

"Can I go inside? I'm a doctor, I want to see my sister." Aligagang paki-usap ni Kuya J. Ngumiti na lang ang doctor sa kanya.

"Ilipat namin siya ng private room mamaya, excuse me." Sabi nito at may galang kaming nilagpasan.

Napasabunut sa buhok si Kuya Jasper. Alam kong pati siya ay nag-alala din.

"What happened to her?" Tanong nito samin.

"Naka-apak siya ng bobog mula sa litrato." Sagot naman ni Tita. Nagtaka naman ako kung saan niya nalaman 'yun. Pero siguro may nakapag-sabi na sa kanya mula sa taong may alam sa nangyari, bago niya nakuha ang impormasyon na dinala ko siya dito. "Kainis! Bakit hindi siya nag-iingat?!" Inis na bulong nito. "She made me worried!" Dumaloy na naman ang luha niya. Hindi ko siya masisisi kung ganyan na lang siya mag-alala, she's a mother.

Ang Maldita Kong GirlfriendWhere stories live. Discover now