Chapter 21

80 6 1
                                    

Chapter 21

Clarity POV

"I'm sorry. I'm so sorry." Agad niya akong binitawan nang ma-realize niya ang posisyon naming dalawa.

Ako naman itong hindi agad naka recover. Well, that was just an accident, so, it's okay. Nagsisi ako kung bakit hindi agad ako naka-balanse. I hope walang nakakita do'n na kaibigan ni Trisha. Ayukong marating 'yun sa kapatid ko. Kahit alam kong aksidente lang, damdamin ng kapatid ko ang mahalaga.

"It's okay, pasensya ka na rin, segi mauna na rin kami." Sabi ko. Hinila ko agad si Anika na ngayon ay binigyan ako ng panunuksong ngiti.

"Uuyy, nice catch. Kilig ka?" Ngiting tanong niya sakin sabay siko sa kiliran ko.

"Bakit naman ako kikiligin? Tsk!" Pananaray ko naman sa kanya.

Sa totoo lang, hindi ko talaga alam ang nararamdaman ko sa mga oras na 'yun. Ginawa ko na lang ay umiling at 'wag nang isipin pa 'yun. 'Yun naman talaga ang palagi kong ginagawa kapag may nararamdaman akong hindi ko maintindihan.

"Oy, Clarity. 'Di ba, ex-boyfriend mo 'yun? 'Yung poging 'yun?" Biglang sambit ni Rakiel nang makarating kami sa mesa namin. Na puno ng tawanan ngunit natinig nang dumating kami.

"Yes, it's her ex." Si Anika ang sumagot.

"Okay, okay, let's drink more." Terence.

"Uy, ang gwapo. Sino 'yung kasama niya?" Interesdong tanong ni Teresa nang napansin ang kasama ni Hyderson.

"Oh, that my future husband." Pabebeng sagot naman ni Anika sabay ipit ng buhok niya sa tenga.

"Ha! Jesus!" Hindi makapaniwalang reaksyon naman ni Emmy sabay inom ng beer. Agad siyang tiningnan ng masama ni Anika.

Habang ako ay nanatili lang sa tabi. Pumasok sa isipan ko ang kapatid ko. 'Akala ko ba mag-usap silang dalawa? Eh, anong ginagawa niya dito? I hope sinabi na niya kay Trisha ang sitwasyon niya dito.'

"Talaga? So, boyfriend mo 'yung isa?" Bumaling ako kay Rakiel nang sabihin niya 'yun. Mukhang si Iverson ang tinutukoy niya.

"Uhm... soon." Ngumiti at ummate na parang kinikilig.

"Pangarapin mo lang 'yan, Anika, hangga't libre pa. Tutal, tanga ka naman!" Ngunit biglang sumambat ang atribida kong kaibigan na si Emmy.

"Can you, please, shut up, Emmy?" Anika.

Bumaling siya kay Anika na parang walang alam sa nangyari. "What? Ano bang mali sa sinabi ko? May mali ba sa sinabi ko?"

Tinignan siya ng masama ni Anika at tinarayan na lang. Sa aming tatlo, si Emmy lang talaga ang napaka-nega. Lagi na lang rumereklamo sa lahat ng bagay. Madali lang kasi siyang mainis, lalo na't hindi niya magugustohan ang kinikilos ng isang tao.






Hyderson POV

Nakapatong ang siko sa counter at hinilig ang ulo sa kamay habang nakatingin sa kapatid ko na kanina pa nababaliw sa tabi ko. Kanina ko pa niyayang umuwi pero ayaw niya. Nagmamatigas ang gago. Nagsisi akong pumunta pa kami dito kung pwede namang ideretso ko siya sa bahay. Tutal, lasing na siya, isang suntok ko lang nito, bagsak agad. Makakahabol pa sana ako sa oras.

Umayos ako ng upo at tumingin sa kawalan. Dismayado at lungkot ang nararamdaman ko. Parang gusto kong manuntok. Kung kailan makikita ko na ang mahal ko, panibagong away na naman para hindi niya ako pansinin ulit. I already miss her... so much.

"I wanna go there." Lumingon ako kay Iver nang tinuro niya kung saan nandoon lahat ng mga tao na sumasayaw.

Agad akong tumayo at pigilan siya. "No! You'll stay here!" Sabi ko at hinila siya pabalik sa kinauupoan niya.

Ang Maldita Kong GirlfriendOnde histórias criam vida. Descubra agora