Chapter 24

76 5 0
                                    

"Sino?" Tanong ko ulit. Parang gusto ko pang makasiguro kung totoo ba 'yung narinig ko.

Humarap ako ng maigi ni Lucky. "Si Lino Xavier Tan. Sobrang gwapo na tapos ang ganda niyang ngumiti. Ahh!" Tili niya habang ang dalawang kamay niya ay nasa pisngi habang nakatabingi ang ulo. Hindi nawala ang ngiti niya. 'Yung tipong nakikita niya ang etsura ni Lino sa kawalan.

So, dito siya mag-aaral? Mali ba akong inakala? Akala ko, babalik siyang manila para doon mag-aral at bumalik lang talaga siya dito para kunin ang natitira niyang mga gamit.

"No'ng tiningnan niya ako kanina, parang gumigiling ang mundo ko sa kilig!" Tili niya.

Nanatili ang tingin ko sa kawalan. Iniisip kung paano ko haharapin si Lino kapag magklase na kami. Hindi naman iwas palagi ang magagawa ko. Syempre, nasa iisang silid kami at possibleng makausap ko siya. Ilang taon na rin ang nakalipas, syempre maninibago ang kilos ko kapag nandiyan siya.

Bahala na. Bakit ko pa ba po-problemahin ito? Simpling usap lang naman kapag kaharap ko siya, kaya bakit kailangan ko pang isipin? Kung magtanong siya, e, 'di sasagotin ko. Ganun lang ka-simply. Tapos ang usapan.

"Hoy! Ano ba!" Nagulat ako nang bigla akong tinulak ni Lucky sa braso. Napalingon ako sa kanya. "Makisama ka naman!"

"May boyfriend na 'ko." Sabi ko na lang kahit wala akong narinig sa mga pinag-sasasabi niya. Halata naman si Lino ang tinutukoy niya.

"Sus! Wala naman siya dito, e."

Dahil sa inis ay gigil akong napakamot sa ulo kahit hindi naman makati. "Hay nako! Kung aandar ulit 'yang pagiging malandi mo, 'wag mo 'kong idadamay." Sabi ko na lang.

Napanganga siya sa sinabi ko, sabay hawak sa dibdib niya, nagulat sa sinabi ko. "Gusto mong magsabunutan tayong dalawa dito, ha?"

Inirapan ko na lang siya. May tumawag sa kanya na mukhang kaklase niya, nandiyan na daw ang guro nila kaya kailangan na niyang umalis. Napabuntong hininga naman ako. Pumunta akong canteen at bumili ng tubig, nauhaw ako sa lollipop. Naabutan ko si Iverson at Jessica doon.

Kahit sa counter ay rinig ko ang tawanan nilang dalawa. Sinubukan kong lingunin ang dalawa. Kakaiba ang pakiramdam ko sa dalawang 'to. I was expecting na si Melanie ang kasama niya. Oh well, hindi na dapat ako magtaka do'n dahil hindi naman sila parehang course na kinuha. Dati kasi, magkaklase kami grade 10 kaya hindi maghihiwalay ang dalawa. Ngayon, bumabago na ang agwat dahil sa pagkakaiba nilang oras.

Mag-isa akong naglakad patungo sa classroom namin na nakayuko. Wala akong magawa sa sarili ko kaya pinanood ko ang bawat yapak ng paa ko. Nang nasa tapat na ako ng room namin ay tsaka ko lang inangat ang tingin ko. Nagulat pa ako nang makasalubong si Lino sa harap ko.

Magkaklase nga kami.

"Anyway, thank you for the tour." Baling niya sa likod.

Si Hyderson. "Just doing my responsibility, you're welcome."

Tumingin saglit sa akin si Lino bago siya pumasok. Wala pa ang guro namin kaya tamang-tama ang dating ko. Bumaling ako sa harap at naabutan ko ang nakataas na kilay niya sa akin.

"Kanina pa tayo naghiwalay, 'di ba? Ngayon pa ang balik mo?" Umarko ang isa niyang kilay.

"Pumunta pa ako sa canteen." Sabi ko.

"Prove it." Hamon niya sa akin. Kinuha ko naman ang dalawang butter coconut na biscuit sa likod na bulsa ko at pinakita sa kanya. Tumango siya. "Okay,"

Ang Maldita Kong GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon