Chapter 27

156 1 0
                                    

Trisha POV

Hi, Trisha, gusto ko sanang humingi ng tawad sa ginawa ko sa inyo ni Hyder. You know, I was so desperate to be with your boyfriend. Alam kong mali pero... mahal ko siya. At 'yung pagmamahal ko ay umaapaw na kaya hindi ko na kontrol. I'm sorry kung hanggang sulat lang ang kaya kong ibahagi sayo ang lahat, hindi ko na kasi alam kung paano ka haharapin. Nakakahiya. Hindi ko hinihiling na mapatawad mo 'ko, ang akin lang is humingi ng tawad. Boung puso akong nagsisisi sa ginagawa ko. Yeah, Clark's right, I'm so immature. Hindi ko na iniisip ang mga nangyari sa paligid ko kasi... mas inuna ko pang sira-in kayo ni Hyder. I'm really really sorry. Hindi pa rin sapat ang paliwanag ko, hindi ba? Pero pinapangako kong hindi ko na kayo gugulohin. Again, I'm sorry... kung nasaktan man kita, kung nasaktan ko si Hyderson, kung nasaktan ko kayong dalawa, I'm sorry.

Keep bleeding.

- Maureen

Napabuntong-hininga ako matapos kong basahin ang sulat na nakita ko sa upoan. Pakiramdam ko para akong sasabog. Hindi ko alam kung paniniwalaan ko pa ba siya, kasi magaling siyang magpa-ikot ng tao, e. Pero... susubukan kong tanggapin ang kapatawaran niya.

Naisipan kong picturan ito at i-send kay Hyder nang malaman niya, bago ko ito nilagay sa kabinet. Susubukan kong paniwalaan ang mga salitang sinusulat niya doon, kasi kung hindi, isang malakas na hampas ng upoan ang matitikman niya.

Sobrang tagal na para humingi pa siya ng tawad. Kinalimutan ko na ang nangyari. Siguro sa ganitong paraan lang gagaan ang pakiramdam niya upang mabawasan na rin ang kasalanan niya.

Nakaramdam ako ng uhaw kaya naman naisipan kong lumabas ng kwarto at bumaba. Patungo akong kusina nang marinig ko ang pagbukas ng pintoan kaya napalingon ako doon. Pumasok si Clarity na nakayuko at mukhang matamlay. Nagtaka ako doon.

"Clarity, okay ka lang?" Pag-alalang tanong ko ngunit nilagpasan niya lang ako. Sa ganung asta niya parang naiibahan na ako. Nararamdaman ko ng may iniisip siya.

Umakyat siya habang nakayuko at ako naman ay sinundan siya ng tingin. May nangyari ba? Nagtatampo ba siya sa akin dahil hindi ko siya sinabayan? O baka naman...nag-aaway sila ng kaibigan niya. Hindi ko alam.

Napatingin ako sa bitbit niya. Biglang bumagsak ang balikat ko. Hindi niya kinain ang dala ko. Malamang hindi na 'yan masarap kainin dahil hindi na mainit, lalo na ang milktea, hindi na 'yan masarap. Iisipin ko na lang na busog siya at wala siyang gana.

Nagtungo akong kusina at mabilis na kinuha ang tubig sa ref at umakyat. Kailangan ko siyang maka-usap. Pakiramdam ko parang kinakailangan niya ng kausap ngayon. Nag-alala na rin ako. Hindi ko alam kung may galit o nagtatampo ba siya sa akin. Handa kong ipagliban ang paggawa ng report para sa kanya. Okay lang na aabot ako umaga sa pag gawa.

Patakbo akong umakyat at nagtungo sa kwarto ng kapatid ko. Kumatok ako. "Clarity?" Walang sumagot. Kumatok uli ako at hindi naman siya sumagot kaya pinihit ko ang doorknob upang buksan ang pinto. Binuksan ko ito ng kunti at sinilip kung anong ginagawa niya. Naka-upo siya sa gilid ng kama habang nasa tabi niya at nakapatong lang ang pagkain sa kama. Pumasok ako.

"Umalis ka na,"

Hindi pa ako tuloyang nakalapit pero 'yun na agad ang sinabi niya, kaya napahinto ako. Walang kasing lamig ang boses niya.

"Okay ka lang?" Tanong ko ulit.

"Umalis ka muna. Gusto kong mapag-isa."

Kumurap ako. Ito ang unang beses na naging ganyan siya kaya hindi ako makapaniwala. "Kung may problema ka, pwede mo namang sabihin sa 'kin."

Lumingon siya sa akin. "Alin ba sa sinabi ko ang hindi mo maintindihan?" Mahinahong sabi niya ngunit may bahid ng diin ang boses. "Gusto kong mapag-isa, kaya umalis ka muna at gawin mo na 'yang visula aid mo."

Ang Maldita Kong GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon