Chapter 3

215 15 0
                                    

Chapter 3

Trisha POV

"So, kailan ka uuwi?" Tanong ko sabay hikab.

Pagkapasok ko pa lang ng kwarto, nakipag-video call na sakin si Clarity. Tinext ko kagad si Hyder para hindi siya mag-expect o mag-hintay sa tawag ko kahit gusto ko talaga siyang maka-usap. Hindi naman sa ayaw ko munang kausapin ang kapatid ko. Kunting oras lang kasi kami nagsama kanina, eh, kaya hinanap ko kagad ang lambing niya.

Pero hindi ko rin kasi magawang tanggihan ang kapatid ko. Gaya ng sinabi ko kanina, na miss ko na siya. Hiniling ko na sana, umuwi na siya para may makasama naman ako dito sa bahay bukod kay kuya.

"Secret," ngiting sabi niya sakin.

Binigyan ko siya ng pagtatampong tingin. "Tsk! 'Yan na lang ang palaging isasagot mo sakin, eh. Umabot pa talaga ng three months."

"Hahaha! Kapag sinabi ko sayo, mawawala ang exciting. 'Wag kang mag-alala, malapit na malapit na." Sabi niya nang may pampalakas ng loob kaya napangiti ako.

Bigla kong naalala ang tanong ni Lucky kanina dito ba siya mag-aaral o hindi. Malulungkot ako kapag nagkataon na diyan siya mag-aaral. Plinano ko na siyang pigilan kung totoo man, pero ayuko naman maging hadlang sa kanya.

"Diyan ka ba mag-aaral?" Tanong ko nang may panlulumo.

Nag-umpisa na ang klase dito, hindi pa rin siya umuuwi. Kaya nagtataka ako dahil baka plinano na niyang mag-enroll diyan pero hindi lang sinabi sakin. Okay lang naman sakin 'yun kaso, nakakalungkot lang. May panahon kasi na ako lang mag-isa dito sa bahay, bukod sa mga maid. Si Kuya ay nasa hospital, halos hindi na umuuwi, pero naintindihan ko naman 'yun. Mga magulang ko naman, palaging business ang inaatupag, pero naintindihan ko rin 'yun.

"Uhm..." Tumingin siya sa kawalan at umaktong nag-iisip. "Tinanong din sakin 'yan ni Dad kahapon dahil baka daw hindi ko na binalak pang umuwi." Tanawa naman siya.

Ngunit hindi ko nagawang sakyan 'yun. Mapait akong ngumiti at yumuko para hindi niya mapansin ang mukha ko. Ayukong mapilitan siyang umuwi dito dahil sa naging reaksyon ko. Ayuko rin naman siyang piliting umuwi.

Bakit ganito ako maka-reak? Napaka-dramatic ko naman ata.

Inangat ko ang ulo ko. "Nga pala, anong kurso ang kukunin mo?" Pangingibang topic ko.

Nag-isip siya. "Mag-HRM na lang siguro ako kagaya mo." Patay malisya niyang sabi.

Siguro? Wala pa ba siyang na-isip na kurso na talagang gusto niya? Wala naman kasing pumasok sa isip ko na nababagay sa kanya na kurso. Pero kung gusto niya talaga ang HRM, susuportahan ko na lang siya. Tutal, marunong din naman siyang mag-luto, eh.

"Sigurado ka? Pag-iisipan mo munang mabuti," pangungumbinsi ko.

Ayukong kumuha siya ng kurso na hindi pa sigurado tapos sa huli, pagsisisihan lang niya.

"Pinag-isipan ko na ng mabuti 'yun. Pero bumabagabag naman sa isip ko ang pagnu-nursing." Nagugulong sabi niya. "Hay! Nakakainis!" Nabigla ako nang sinubunutan niya ang buhok niya.

Kaya naman pala. Minsan ko nang napansin 'yun no'ng nag-usap sila ni Kuya. Halos ang topic ay tungkol sa mga gawaing nurse. Panay tanong siya kay Kuya kung anong dapat gawin sa ganitong bagay at sa ganyang bagay.

"Sundin mo na lang kung saan interesado ang puso mo."

"Ah! Nga pala," umayos siya ng tayo kahit hindi niya inayos ang buhok niya. "Naabala ko ba kayo ni Hyder gabi-gabi?"

Ang Maldita Kong GirlfriendWhere stories live. Discover now